Chapter 19 - Part 3 of 3

17K 326 18
                                    

Dedicated to her! I love her comment super haba! hehe aliw factor lang! Thanks po sa pag-appreciate! God bless u po! :))

********

Thanks po for continued support! who would have thought na makakadami ako ng reads nito? hehe maraming thanks po talaga! God bless!

#dean

********

CHAPTER 19 - Part 3 of 3

Hindi naman rin sila nagtagal sa resthouse na iyon at matapos lang makapag-merienda ay nag-decide na rin silang bumalik sa Manila.  At tulad nang napag-usapan, sa mansion sila agad na nagdiretso.  Medyo madilim na rin sa mga pagkakataong iyon. 

“Bakit parang ang daming tao sa loob?”  Si Corine na napatingin pa sa nakakunot-noo na nobyo.

“I don’t have any idea.”  Sagot pa niya kahit na sa totoo lang ay may hinala na siya.  “Let’s go find out,”  Nagpatiuna na siya sa paglabas ng kanyang sasakyan at pinagbuksan ang nobya na tila alanganin din.

Hawak kamay pa silang pumasok sa looban ng mansion at ganoon na nga lang ang pagkagulat ni Liam nang sumalubong sa kanila ang mga malalapit na kamag-anak niya.

“Happy Birthday, Liam!”  Kabi-kabila pang pagbati sa gulantang namang lalaki.

“Thank you.”  Alanganin pa siyang napatango lalo pa nga’t hindi niya inaasahan 'yun.

“You looked surprise, bro.”  Si Ian na ngiting-ngiti pa.

“I am surprised,”  Matabang namang sagot lang niya.

“Happy Birthday, Liam…”  Si Sarah!

“T-thanks…”  Napilitan siyang sumagot lalo pa nga’t hindi naman naging maganda ang huling encounter nila.

“I am really sorry about last time. I hope you can forgive me.”  Nagsusumamo pang sabi nito sabay baling din sa tahimik lang na si Corine.  “I am sorry too, Corine.”

Sa halip na sumagot ay mapakla lang na ngumiti si Corine.  Hindi kasi niya matantiya kung nagsasabi iyon nang totoo o hindi.

“Kuya Liam!”  Si Karen na nagtatakbo pang lumapit.

“Baby girl!”  Agad pang kinarga ni Liam ang bunsong kapatid at hinalikan sa pisngi.

“Happy birthday, kuya!”  Masayang bati pa nito.  “How was your date with ate Corine?”  Pilya pa iyong ngumiti.

“It was so far the best.”  Masayang sagot pa nito sabay kindat sa nobya.

“We’ve been waiting for you, bro.  Might as well join us for dinner?”  Si Ian na in-interrupt pa ang pag-uusap ng magkapatid.

Tumango lang si Liam bilang sagot at pasimple lang na pinisil ang palad ng nobya.  Hindi man siya magsalita, alam niyang kuha ng nobya ang ibig niyang sabihin.

Naging maayos at punung-puno naman nang kwentuhan ang dinner na iyon.  At dahil malalapit na kamag-anak ay hindi rin naman masyadong nailang si Liam.  Gayon pa man,  hindi siya masyadong ma-socialize na tao.  Mas pipiliin pa rin niyang mag-celebrate kasama lang ang dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay niya ngayon, sina Karen at Corine. 

“So, Liam…”  Ang father ni Sarah na si Don Voltaire Altamirano na malapit na kaibigan din ng pamilya.  Ito lamang ang hindi nila kamag-anak sa mga bisita nila.  “Graduating ka na, next year right?  Anong business ang balak mong i-take over?  'Yung nandito sa Pilipinas or 'yung nasa L.A.?”

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon