Chapter 14 - Part 1 of 2

20.1K 386 11
                                    

happy weekend guys! :)))

#dean

********

CHAPTER 14 - Part 1 of 2

 

            Naging sobrang bilis nang pagkalat ng balita tungkol kina Liam at Corine.  All of a sudden ay tila naging celebrity din si Corine at naging bukang bibig ng mga estudyante sa campus.

            “Hi babe!”  Si Liam na ninakawan pa nang halik sa pisngi ang gulat namang nobya na noo’y nasa tapat ng locker nito at nag-aayos ng gamit.

            “Liam!”  Halos magkulay mansanas naman si Corine sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t ang daming estudyante doon.  “Ang daming tao...”  Dinilatan pa niya iyon nang husto.

            “W-what?”  Kunot-noo pa siyang ngumiti dito sabay ngumuso. 

            “Kita mo na nga na tayo ang hot topic dito,”  May panermong himig pa niya.

            “I don’t care. That will pass..”  Kinindatan pa niya iyon.  “And besides, I’m a proud boyfriend.”

            “Ako din naman,”  Pinisil pa niya iyon sa pisngi.  “Hindi lang talaga ako sanay ng ganito lalo pa’t star player ang boyfriend ko diba?”  Napakagat-labi pa siya.

            “Well, I must admit, hindi rin ako sanay na may girlfriend.”  Malagkit pa niya iyong tinitigan.  “But, you're my happiness, Corine.”

            Hindi naman naiwasang kiligin ni Corine sa narinig.  Parang palaging nagfi-fiesta ang puso niya.

            “Hatid na kita sa next class mo.”  Inakbayan pa niya ang nobya.

            “Hindi na,”  Pigil din naman niya dito.  “Tinutukso lang tayo nila Janine at Lorena.”  Inikot pa niya ang mga mata.

            “We need to get used with them.” 

            “Hindi na, next time na lang.”  Hindi lang kasi ang dalawa niyang kaibigan ang nanunukso sa kanya kung 'di pati na rin ang ilang kaklase nila.

            “Are you sure?”

            “Yup.”  May tango pang sagot niya.

            “I’ll wait for you at the stadium?  Is that okay with you?” 

            “Okay…”  Bahagya pa siyang tumango.  “I’ll see you later.”

            “See you later.”  Mabilis pa niya iyong kinudlitan nang halik sa lips bago tuluyang lumayo.

            Naiwan namang nakatanaw lang si Corine sa nobyo.  Hindi niya kayang ipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman niya.

            “Wow!”  May kung sinong pumalakpak nang malakas.  “Para lang akong nanonood ng sine.”

            Agad namang napabaling si Corine sa pinagmulan ng boses. 

            “Excuse me?”  Kunot-noo pa niyang tinitigan ang 'di nakikilalang babae.

            “Who would have thought na magiging boyfriend mo talaga si Liam?” 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon