Chapter 13 - Part 2 of 2

18.5K 467 24
                                    

Published January 26, 2013

helu po!  In all honesty po, sobrang happy po ako na maraming nagbabasa nito.  Nung first post ko ng story ko, kahit 5 pa lang ata yung basa nun, grabe yung feeling, floating hehe :) yung umabot pa ng more than 100 reads eh far more than happy talaga!  so, thank you po for taking time to read. (emote lang?? wah, hindi ata haha :D) basta, thank you. blessing na if mas dumami pa ang reads nito. napasaya ko na kayo, eh di mas lalo na ako! so vote lang ha! salamat! start your mondays right! God bless po!  

#dean

********

CHAPTER 13 - PART 2 of 2

May kung ilang araw din atang naging malayo si Corine sa lahat.  Ultimo ang dalawang kaibigan ay iniwasan niya.  Sa pakiwari ata niya’y punung-puno ang utak niya at ayaw na rin niyang mag-isip pa.

            “Ate Corine!”  Si Karen!

            “K-karen?”  Hindi siya makapaniwalang nasa school ito!  “Anong ginagawa mo dito?”  Mabilis pa niya iyong nilapitan at agad na pinisil ang mapulang pisngi nito.

            “I am with kuya Liam.  He has a ballgame today, so he invited me to watch.”  Maluwag pa ang pagkakangiti nito.

            “Oh…”  Tumango lang siya. 

            “Come with me.  Let’s watch kuya play.”  Kayag pa niya dito.

            “I--”  Hindi niya malaman kung papaano tatanggi.  “I-I can’t, I am kinda busy…”  Alibi pa niya.

            “Come on, ate Corine. I am all alone out there. It’s lonely to be alone. Please…”  Pinagdaop pa nito ang palad na tila nagdarasal.

            “Karen…”  Napabuntong-hininga pa siya.  Ang hirap para sa kanyang tanggihan iyon.

            “Please, please…”  Makaawa pa rin nito.

            “O-okay…”  Wala na rin siyang nagawa.  Pakiramdam niya'y  masasayang lang din lahat ng effort niyang umiwas.

            “Yes!”  Masaya pa itong humawak sa kamay ni Corine.

            Hindi naman mapakali si Corine sa mga pagkakataong iyon.  Sobrang nahihiya siya sa ginawa niyang pagtatapat kay Liam noon.  Wala na rin siyang mukhang ihaharap pa. Walang-wala na…

            Kaya naman pagdating sa stadium ay iniiwas na lamang niya ang paningin sa kahit na sino lalung-lalo na sa gawing makikita niya si Liam.

            “Look, ate!  Ang gwapo ni kuya Liam diba?”  Si Karen na pilit pang iginagawi ang tingin niya sa field.

            “Oo nga,”  Nagkunwari lang siyang tumingin sa field kahit sa totoo lang ay hindi naman.

            “You’re not looking,”  Maktol pa ng bata sabay sumimangot.

            “Tumingin ako,”  Pagsisinungaling pa niya.

            “No, you’re not!”  Pilya pa itong ngumiti.  “Kasi if you even take a glance, you’ll see that he’s not on the field.”    

            “Huh?”  Taka pa siyang napatitig dito.

            “He was right in front of you, ate.”  Bigla ay lumuwag nang husto ang pagkakangiti nito.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon