Published: April 30, 2013
Pasensya na po if medyo atrasado ako sa UD, mejo pangit signal sa bundok hehe
enjoy! God bless everyone!
*********
CHAPTER 26 - Part 1 of 3
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ni Corine. Tulad nang inaasahan, nagtipun-tipon muna sila sa opisina para sa maikling meeting. Matapos noon ay kanya-kanya na rin sila nang sakay sa kani-kanilang shuttle bus. Sakay ng bus ang ilang mga empleyado rin ng company at outside volunteers.
“Liam, magsama na lang tayong dalawa.” Si Sarah na pilit pa ring kinukulit ang nobyo sa huling pagkakataon.
“Sarah, we talked about this.” Umiling pa ito.
“E kasi, kasama mo 'yung stalker mo, baka akitin ka lang n'un!” Maktol pa niya.
“Please, stop.” Itinaas pa nito ang kanang kamay. “I don’t think may gagawin siyang masama sa akin. This is just work, okay? You’re being too paranoid.”
“This isn’t work.” Sumimangot pa ito.
“Part of work? Okay na ba 'yun?”
“Liam, please… dun na lang si Corine sa bus ko.” Sumamo pa niya dito.
“Walang boss dun, hindi puwede 'yun.” Kunot-noo pa ito. “Pumunta ka na dun.” Bahagyang pagtataboy pa niya dito.
“Hmp!” Wala na rin naman itong nagawa pa. “Mag-iingat ka dun ha.” Hinawakan pa niya ang pisngi nito. “'Wag ka ring masyadong magdididikit sa babaeng 'yun!” Mahigpit na bilin pa nito. “Call me right away kapag nakarating na kayo sa site.”
“I will.” Bahagya pa itong tumango at agad na ring tumalikod.
“Liam!” Habol pa nito sabay hawak sa braso ng lalaki. “Wala man lang ba akong goodbye kiss?” Ngumuso pa iyon.
“Goodbye.” Hinalikan pa niya ito sa pisngi at tuluyan nang tumalikod.
Ibig namang magngitngit nang husto ni Sarah sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t ni minsan ay hindi man lang nagka-interest ang nobyo na halikan siya sa labi. Madalas ay siya pa ang mag-initiate nang halik at tila naman ito palaging kinukuryente at agad na humihiwalay sa tuwing gagawin niya iyon.
Pagsakay naman ni Liam sa shuttle bus nila ay agad na rin siyang pumuwesto sa pinaka-unang upuan. Kataon na rin naman ding tila siya na lang ang hinihintay ng lahat.
“Manong, wait!” Si Corine na humahangos pang umakyat sa shuttle bus. “Sorry po talaga, nakalimutan ko kasi ang wallet ko sa comfort room.” Paliwanag pa niya sa driver.
“Okay lang.” Matipid na sagot lang din ng driver.
“Thank you po.” Agad pa niyang iginala ang mga mata para maghanap pa ng bakanteng upuan pero ang upuang katabi na lang ni Liam ang bakante! “S-sir..?” Alanganin pang pukaw niya sa seryosong lalaki.
“Sit down.” Iyon lang ang isinagot ni Liam at ni hindi man lang nililingon ang babae.
Alanganin man ay naupo na nga rin si Corine sa tabi ng nobyo. Sa pakiwari ata niya’y bago siya nang bago sa pakiramdam. Talaga namang kumakabog nang husto ang dibdib niya.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionDati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa hiya na pagtutuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan ng husto ni Li...