Chapter 29 - Part 2 of 2

17K 375 18
                                    

Published: June 8, 2013

The end is near... emo mode :(  weh! di bagay hahaha basa-basa na lang! haha

<3 ate dean :)

********

CHAPTER 29 - Part 2 of 2

“Oh my God…”  Natigilan pa siya sa paghalik sa nobya at matamang napatitig sa mukha nito.  “Corine…”

“Are you okay?”  Alala pang tanong niya.

“I miss you!”  Biglang nasabi na lang niya at muli’y buong pagmamahal na hinalikan ito. 

“Babe…”  Naguguluhan pa siyang napatitig dito.  Papaano naman kasi’y may kakaibang aura sa mukha nito.

“I remember you. I remember everything.”  Nagliwanag pa ang mukha nito.  “I remember telling you, that I’ll marry you when I come back.”  Matamis pa siyang napangiti dito.  “And my necklace, stands for my only love… Corine…”  Napakagat-labi pa siya.

Agad namang nangilid ang luha ni Corine sa mga pagkakataong iyon.  Hindi kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya!

“Oh my God…”  Mahigpit pa niyang niyakap ang nobyo na napaibabaw naman sa kanya.

Hindi naman naiwasan ni Liam ang mapatawa lalo pa nga’t sobrang higpit nang yakap nito sa kanya.  “You’re breaking my neck, babe.”  Biro pa niya dito.

Noon na niluwagan ni Corine ang yakap dito at pinugpog iyon nang halik sa labi at sa buong mukha!

“I like that,”  Siya naman ang pumugpog nang halik dito.

“Liam… ”  'Di pa niya naiwasan ang mapatawa nang malakas dahil sa kiliti.

Agad rin namang natigilan si Liam nang maalala ang malagim na nakaraan.

“Kuya Ian is not my brother, he’s my cousin. He’s the son of my Aunt Marie.  My Dad’s only sister.”  Malungkot pang kuwento niya.

“Ha?  P-paano?”  Bigla siyang naguluhan.

Malalim pa siyang napabuntong-hininga.  Alalang-alala pa niya noon bago pa man siya maaksidente.

*** FLASHBACK ***

LIAM’S POV

            I was on my way to the office of my brother Ian.  It’s been a while since I talked to him because I’ve been dead busy with work.  Gusto ko na sana umuwi ng Pilipinas because I miss Corine so much. It’s been straight six months that I’ve been here and it’s not easy to be away from her.  I hope this time, papayag na siyang umuwi ako. I really hope, papayag na si kuya this time.

            Papasok na sana ako sa office niya when I heard him talking to someone over the phone. 

            “Mama naman,”  Mama?  What?  Who the hell that can be?  Matagal nang patay ang parents namin. Sino 'yun?  “Baka naman makahalata na si Liam kung hindi ko pa rin siya papauwiin diyan!”  He sounds desperate, I don’t understand.

            And then I heard him turned on the speaker phone.

            “Please, Ian. Kaunting time pa… Madami pang kailangang ayusing papel dito para hindi mahalata ni Liam na malaking pera ang nawawala sa company.”  She sounded familiar. I knew that voice.

            “Mama!”  I can actually felt his tension.

            “Don’t call me mama, someone might hear you!  aunt Marie, okay?!”  Aunt Marie? Napatanga ako at hindi ako makapaniwala. No, that can’t be. How is that possible? I thought she was in New York all along with Karen? Or is she?

            “Wala namang nakakaalam sa secret natin bukod kina mama at papa, right?  And, matagal na silang wala!” 

            “Basta, mainam pa rin na mag-ingat ka!  We can’t loose everything!  Especially not now!” 

            “If not sa sobrang addiction mo sa gambling, hindi sana naubos ang ipinamana nila mama at papa sa akin!”  Aburido pang sabi lang niya. I don’t know how to react, nanaginip ba ako?  Totoo bang mga naririnig ko?

            “Don’t you think you’re too late for that?!  And besides, I am not the only one to blame here!  Kung hindi dahil sa sobrang pagkababaero mo, 'di sana, intact pa rin kahit na ang mga mana ni Karen na hawak mo!” 

            “I am not losing everything…” 

            “We’re not losing everything. Marami pa naman ang natitira kay Liam.  Hindi naman siguro niya mapapansin 'yun sa dami ng ari-arian ng kapatid ko!  Kaya nga, you need to convince him to stay there longer para maayos ko ang mga dapat ayusin dito sa Pilipinas.” 

            “Fine!”  I heard him sighed.  “Basta ilipat mo na lang sa pangalan ko ang dapat para sa akin!  Kausap ko na rin ang family lawyer natin, ako na ang bahalang magbayad sa demonyong 'yun when I get back.”

            “I’ll be waiting for you then, son.”  How can this be happening?  Pinagnanakawan nila kami ni Karen?  Pinagnanakawan kami ng taong lubos naming pinagkakatiwalaan?  Pinagnanakawan kami nang inaakala kong kapatid ko?

           

*** END OF FLASHBACK ***

            “Paano ka naaksidente?”  Curious pang tanong ni Corine dito.  Hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ng nobyo.

            “I was so shocked at that time.  Instead of confronting him, I just ran away.”  Malalim pa siyang napabuntong-hininga.  “I was over speeding and spaced out.”  Mapakla pa siyang napangiti.  “I didn’t know that I was driving too fast and got into the opposite lane, that’s when the accident happened.  Truck pa talaga ang binangga ko.”  Mapait pang pag-alala niya sa nakaraan.  “After that, I don’t remember anything.”

            “Pero paanong naging girlfriend mo si Sarah?” 

            “'Yun ang sinabi sa akin ni kuya Ian and even Sarah.”  Hindi pa niya naiwasan ang malungkot.  “Even if we’re not blood brothers, I still consider him one. Kaya siguro hindi rin ako makapaniwala.”

            “Anong gagawin natin?”  Mahigpit pa niyang hinawakan ang nanlalamig na kamay nito.

            “I need to get Karen first before I talk to kuya Ian and aunt Marie.  I can never risks Karen’s safety.”

            Sa halip na magsalita ay mahigpit lamang na niyakap ni Corine ang nobyo.  Hindi madali ang pinagdadaanan nito pero handa siyang damayan ito sa abot ng kanyang makakaya.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon