Chapter 20 - Part 1 of 2

17K 272 10
                                    

Published: March 9, 2013

Dedicated to her! Kasi ang harot maka-comment! maraming thank u sa suporta stefi :)

********

Please Pa-like naman po my page sa FB :)

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

Thanks po for continued support! God bless everyone!

#dean

********

CHAPTER 20 - Part 1 of 2

Matapos ang memorable birthday date na iyon nina Corine at Liam, higit silang mas naging sweet sa isa't-isa. Paunti-unti ay natututunan na ring ibukas ni Corine ang sarili at mas nai-express na niya nang maayos ang pagmamahal para sa nobyo. Nagagawa na rin niyang paglabanan ang hiya lalo na nga't kung hinihingi nang pagkakataon na kailangan din niyang ibalik ang sweetness ng nobyo sa kanya.

"Hi babe!" Masayang bati pa ni Liam sa nobya na noo'y kakagaling lang din sa huling subject nito.

"Hello, my ever handsome boyfriend..." Malagkit pa niya iyong tinitigan at pinisil ang pisngi nito.

"Sarap naman," Napangiti naman si Liam sa narinig lalo pa nga't malaki na rin talaga ang ipinagbago ng nobya sa pagpapakita ng feelings nito para sa kanya.

"Gwapo mo kasi!" Pinanggigilan pa niya ang pisngi nito.

"Well, I know..." Nagmamalaki rin namang sabi nito. "Oh," Napatingin pa siya sa rose na nasa loob na naman ng locker nito. "Buhay pa rin ang secret admirer mo?"

"Sama naman nito..."  Inirapan pa niya ang nobyo. "Mukhang nice guy naman 'to.  Ang sweet-sweet kaya..."

"Hmmm, mukhang dapat na akong magselos diyan a." May selos pang himig niya.

"Magselos talaga," Ngumuso pa siya dito. "Hindi naman dapat.  Natutuwa lang naman ako sa kanya kasi alam mo 'yun, pinapasaya lang niya ako nang hindi nanghihingi nang kapalit."

"Impressed ka masyado. Crush mo na?" Nakasimangot na sabi pa niya dito sabay sandal sa katabing locker nito.

"Crush talaga? Agad-agad?" Umiling pa siya dito sabay sarado na rin sa locker niya.

"Matagal mo ng admirer 'yan. 'Di pa man tayo, admirer mo na kamo 'yan. It won't be impossible na ma-typan mo rin ang lalaking 'yan."

"Asus!" Kinurot pa niya sa pisngi ang nobyo. "Magselos ba talaga sa hindi ko pa nga nakikilala?"

"What if, one day, he ask you na makipagkita sa kanya? Will you give him a chance?"

"Yes!" Walang gatol na sagot pa niya.

Agad namang napasimangot si Liam at iniiwas ang tingin sa nobya. "Sinasabi ko na nga ba e."

"Heh!" Ngingiti-ngiti pa siyang sumandal sa balikat nito at matamang tinitigan ang nobyo sa mukha. "Curious lang naman ako kung sino ba talaga siya." Pag-amin rin naman niya. "Gan'un lang. Walang involved na feelings."

"Sure?"

"Yup!" Siguradong sagot naman niya. "Kuntento naman ako sa babe ko. Hindi ko na kailangan tumingin sa iba."  Kinindatan pa niya ang nobyo.

Maluwag namang napangiti si Liam sa nobya. Inaartehan lang naman niya iyon. Kampante naman siya sa pagmamahal nito at hindi siya nag-aalala.

"May laro kami, okay lang ba na maghintay ka ulit sa akin?" Mahigpit pa niyang hinawakan ang kamay nito.

"May deliver kasi kami ng ulam ni nanay." Nag-aalangan pang sagot niya. "Some other time?"

"Sige, takasan ko muna si coach..."

"Liam, 'wag na okay?" Pigil pa niya dito. "Baka sabihin naman ni coach, umaabuso ka naman."

"Okay," Napabuntong-hininga pa siya. "Will you be alright?"

"Yes, 'wag mo na ako alalahanin."

"Daan na lang ako sa bahay ninyo later?"

"Dinner tayo sa amin?"

"Okay sige..." Tumango pa siya.

"I'll see you later?"

"Later..." Matamis pa siyang ngumiti dito.

"Bye, babe..." Hinalikan pa niya iyon sa pisngi.

"Bye..." Inihatid na lang niya nang tingin ang nobyo na talaga namang sinusundan rin nang tingin ng ibang mga estudyante doon.

Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ng campus ay may kung sinong bumusina sa kanya... si Sarah!

"Corine!" Sumilip pa si Sarah at matamis na ngumiti. "Isabay na kita!" kayag pa nito.

"Naku hindi na!" Mabilis namang tanggi niya lalo pa nga't 'di man ito direktang umamin alam niyang ito nga ang may kagagawan nang pagkasira ng bike niya. Dagdag rin doon ang pamamahiyang ginawa nito sa kanya.

"Ano ka ba, Corine?" Nanghihinampo pang himig nito. "I meant when I told you the last time that I am really sorry. We can always start anew right?"

Sa halip na sumagot ay matabang lang siyang ngumiti dito. Hindi rin naman kasi niya alam kung papaano ba magre-react dito.

"Please," Sumamo pa nito.

"S-sige na nga," Napilitan na rin naman siya kahit na sa totoo lang ay hindi siya ganoon ka-comfortable dito.

At agad na nga rin siyang sumakay sa sasakyan nito.

Habang nasa sasakyan ay nag-usap lang naman sila ng kung anu-ano. Pakiramdam ni Corine ay kinukuha nito nang husto ang loob niya. Gayon pa man, hindi pa rin niya kayang magpaka-komportable. Mahirap na rin!

"I saw your gift to Liam. 'Yung silver necklace ba 'yun?"

"O-oo..."Aalanganin pang sagot niya.

"It was nice though," Alanganin pa ito. "But as far as I know, wala namang hilig sa accessories si Liam. Ni wala ngang singsing 'yun sa kamay."

"Ah..." Hindi naman niya malaman kung papaano magre-react dito. Hindi naman din kasi niya nakitaan ang nobyo nang pagkadisgusto sa ibinigay niya.

"When we were still together, I bought him a gold bracelet. Pero hindi naman niya isinusuot masyado kasi nga hindi daw niya hilig." Pagkukuwento pa nito.

"Ah ganun ba." Agad naman siyang napaisip. Hindi rin kasi niya napapansin if suot pa ng nobyo ang bigay niyang necklace.

"Well anyway, next year mukhang magkasama kami sa Los Angeles." Pagbabalita pa niya. "We'll be taking good care of business out there. Napag-usapan n'yo na ba?"

"H-hindi pa naman." Tipid na mga sagot niya. Pilit niyang tinitimbang ang sinseridad nito. "Ah Sarah, makibaba na lang ako diyan sa kanto, may bibilhin pa din kasi ako." Pagdadahilan pa niya. Ayaw na lang din niyang humaba pa ang pag-uusap nila.

"Oh okay,"  Sumunod naman din ito. Marami pa sana siyang gustong sabihin pero mukhang mahihirapan siyang kuhanin ang loob nito.

"Thank you ha." Nagmamadali pa siyang lumabas sa kotse nito. May awkward feeling talaga siya. At wala siyang planong magpa-uto dito.

"Okay. I'll see at school. Bye!" Noon na ito umarangkada ulit.

Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Sarah ay tsaka lang siya nakahinga nang maluwag. Bukod kasi sa wala talaga siyang tiwala dito ay hindi niya maiwasang makaramdam nang insecurities dito. Pakiramdam niya'y wala siyang panama sa ganda at alindog na taglay nito. At sa totoo lang ay natatakot din siya na dumating ang araw na mahiwalay nga sa kanya ang nobyo at si Sarah pa ang makakasama nito. Natatakot talaga siya...

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon