Chapter 28 - Part 1 of 3

15.6K 333 23
                                    


O siya! eto na! bitin pa rin hahaha maraming thank you po sa lahat ng mga nagbabasa! near end na... haist!  basta thank u po! :)

Please follow me on twitter  @fedejik

Enjoy!! :)))

*********

CHAPTER 28 - Part 1 of 3

            May kung ilang araw na naman ang lumipas.  At sa mga pagkakataong iyon, isang bagay lang ang nasisiguro ni Liam. Hindi na niya kayang pigilan ang damdamin para kay Corine.  Matapos kasi ang insidenteng iyon sa condo niya, hindi na iyon mawala sa utak niya.  At ngayong ito naman ang umiiwas, mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya.

            Tatlong mahihinang katok na lamang ang nakapukaw ng kanyang atensyon. 

            “Come in.”  Sagot pa niya sabay umayos nang upo.

            “Sir,”  Si Corine!

            Seryoso pang pumasok si Corine at maingat na isinara ulit ang pinto.

            “What can I do for you?”  Wari ay masungit pang tanong niya dito.  Naiinis siya sa malamig nitong pakikitungo sa kanya.

            “Mag thank you lang sana ako for returning my necklace.”  Seryoso pa rin ang mukha niya habang hawak nga ang necklace niyang nakasuot pa rin sa leeg niya.

            “You said it’s yours, right?”  Seryoso ring sagot niya.

            “Eto rin po.”  Iniabot niya ang isang envelope dito.

            “Ano ‘to?”  Kunot-noo pa ito. 

            “I am resigning…”  Agad pa siyang yumuko para ikubli ang luhang gusto na namang sumungaw sa kanyang mga mata.

            “You’re w-what?”  Hindi siya makapaniwala sa narinig.

            “I am resigning, effective today.”  Pilit pa niyang pinatatag ang sarili. 

            “What is this all about huh?”  Pigil ang reaction niya.  At padabog na ibinagsak ang envelope sa table niya.

            “Thank you for allowing to work here even in short time.”  Hindi niya pinansin ang tanong ng nobyo.

            “Sumusuko ka na?  Hindi mo na hihintayin na bumalik pa ang memory ko?”  Napatayo na siya.

            “Mahal kita p-pero nakakapagod na rin.”  Pinigilan pa niya ang maiyak.

            “Ang bilis mo namang mapagod?”  Sarkastiko pa itong napangiti.  “Fine, go ahead!  Leave!”  Gigil pang sabi niya.  “Hell I care!”  At noon na siya tumalikod.

            Hindi naman na nagsalita si Corine at tuluyan nang tumalikod.  Bumaling siya dito pero hindi ito lumilingon.  Gusto sana niya itong pigilan pero tsaka naman pumasok si Sarah!

            “W-what’s going on?” 
Pinagpalitan pa niya nang tingin ang dalawa.

            “I’m leaving.”  Si Corine ang maagap na sumagot.

            “No, you’re not!”  Matigas namang kontra ni Liam.

            Hindi naman inaasahan ni Corine ang sagot na iyon ng nobyo.  Kinokontra nito ang pagre-resign niya?

            “Let her go, Liam!”  Si Sarah na nakisabat na rin.  “Dapat naman talaga noon pa man hindi na rin tinanggap ang babaeng 'yan dito.”

            “She’s staying here because I said so.”  Seryoso namang sabi lang ni Liam at muling umupo sa swivel chair nito at nagfocus na lang sa laptop nito.

            Pigil naman ang damdamin ni Sarah sa mga pagkakataong iyon.  Isang bagay lang ang gusto niyang mangyari.  At sisiguraduhin na niyang matutuluyan na sa pagre-resign si Corine.

Kinahapunan, bago pa man tuluyang umuwi si Corine ay napansin niya ang isang papel na nakapangalan sa kanya.  Agad naman din niya iyong binasa.

Corine,
    

Please meet me up in the rooftop.  I need to talk with you.
                                                                                    Liam

Nag-aalangan man ay nagpasya na rin siyang puntahan ang nobyo.  Hindi man siya sigurado sa pag-uusapan nila, umaasa pa rin siyang kahit kaunti ay may maalala na ito sa kanya.

Pagtapak pa lang ng mga paa niya sa rooftop ay agad na sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin.  First time niyang makapunta doon.  Agad rin naman niyang namataan ang helipad na hindi rin kalayuan sa kanya.  Pero bago pa man siya makahakbang pa ulit ay may kung sinong nagsara ng pintuan!

“Hey!”  Agad pa siyang nagkakatok sa bakal na pintuan!  “May tao pa dito!”  Malakas pang sigaw niya.  “Buksan nyo ‘to!”  Muli ay buong pwersa pang sigaw niya.

“What the?!”  Si Liam!

“Liam!”  Napaigtad pa siya sa sobrang pagkagulat.  “Bakit ba dito pa tayo mag-uusap?”

“Excuse me?”  Taka pa ito.

“Nag-iwan ka ng note sa akin?”  Iniabot pa nito ang papel.

“I did not write this.  You should know, right?”  Umiling pa ito at muling inabot ang note sa babae.

“Really?”  Muli nga niya iyong tiningnan.  Bakit nga ba hindi niya napansin agad na hindi nga sulat ng nobyo iyon.  “S-sino naman ang gagawa nito?”  Taka pa siya.

“Sinong nagsara ng pinto?”  Si Liam naman ang lumapit at itinulak nga iyon.  “I think it’s locked.”  Noon na siya nag-alala.

“Ha?”  Nakitulak na nga rin siya.  Pero ni hindi nga matinag iyon.  “Naiwan ko sa table ko ang cellphone ko.  Ikaw na lang ang tumawag sa opisina.”  Suggest pa niya sa nobyo.

“Yeah, right.”  Dinukot nga nito ang cellphone nito at nag-dial.  Pero bago pa man mag-connect iyon ay nag-empty bat na iyon!  “Damn it!”  Naitaas pa nito ang kamay sa pagkadismaya.

“What?”  Taka pa siya.

“Nag-empty bat ako!”  Napahugot pa ito nang isang malalim na buntong-hininga.

“Paano tayo makakaalis dito?!”  Mas lalo siyang nag-alala.  “May paparating na bagyo today!”

“Pardon me?  Bagyo?”  Kumunot pa ang noo nito.

“Oo!  Bagyo!  Super typhoon!  Hindi ka ba nakikinig ng balita?!”  Umismid pa siya dito.

“I don’t know,”  Bahagya pa siyang umiling.  “I was too busy at work.”

“E kung hindi ikaw ang nagpadala nitong note sa akin, anong ginagawa mo dito?”  Taka pa siya sa nobyo.

“This is my most favorite spot in the building. I always went up here if I wanted to think things over.”  Seryosong sabi pa niya at agad na isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa nito. “Looks like we’re gonna spend an evening here together.”

“Baliw ka na ba?  May bagyo nga diba?  Anong gusto mong mangyari sa atin dito?!”

“Yeah, sabi ko nga…”  Napakamot pa ito ng ulo at malakas na kinalabog nga ang bakal na pinto. 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon