Chapter 2

32.4K 484 16
                                    

CHAPTER 2

            May kung ilang araw ding nagpagaling si Corine ng kanyang pasa.  Mabuti na lang din at hindi iyon napansin ng kanyang mga magulang dahil nakakalamang na mag-aalala ang mga iyon at baka hindi na rin ipagamit ang bike niya kapag nagkataon.  Ayaw naman din niyang mangyari pa 'yun dahil magiging dagdag gastos pa ang trysikel sa budget nila.  Sa tulad nilang mahirap lang, mas maganda ang maging practical sa lahat ng bagay.

            “Corine, sama ka sa amin mamaya ha, magdi-disco kami!”  Si Janine na tila excited na.

            “Naku e, wala akong pera.”  Hindi na rin naman siya nagkaila pa.

            “’To naman!  Minsan lang ‘to!”  Umismid pa ito.

            “E sorry talaga,”  Kinagat pa niya ang ibabang labi.  “Wala pa ngang pang tuition si Allan.”  Ang tinutukoy niya ay ang mas nakababatang kapatid.

            “Huwag mo na siya pilitin, Janine.”  Si Lorena na siyang palagiang tagapagtanggol ni Corine.

            “May magagawa pa ba ako?”  Ngumuso pa ito.

            “Hayaan n'yo sa susunod sasama na ako.”  Pampalubag loob pa niya sa mga kaibigan.

            “Huwag ka na lang mangako, Corine.”  Umiling pa si Janine.  “Ang daming beses mo na sinabi 'yan.”  Nakasimangot pa ito.

            Napatahimik na lang din si Corine sa sinabi nito.  May katotohanan din naman ang sinabi nito.

            “Sama ka na lang sa amin sa stadium.”  Si Lorena na noo’y nag-aayos na ng mga gamit nito.

            “Ha e…”  Nag-aalanganin siya sa pag-aalalang isipin ni Liam na sinusundan niya ito.

            “Wala tayong gagastusin dun!”  Sarkastiko pang sabat ni Janine.

            “Sure.”  Napa-oo na lamang din tuloy siya nang wala oras.  Ayaw rin naman niyang sagarin ang inis ni Janine.

            Tulad nga nang dati ay tumambay na naman sila sa stadium.  Marami rin naman ang mga estudyanteng tumatambay doon para mag sight-seeing din sa mga gwapong football players.

            “Anong gusto mong kainin Corine?”  Si Janine na dumukot na rin naman sa wallet nito.

            “Busog pa ako.”  Pagdadahilan na lang niya kahit na sa totoo lang ay kanina pa kumakalam ang sikmura niya.  Nahihiya na rin naman kasi siya sa palagiang panglilibre ng mga kaibigan sa kanya.

            “I know you’re not!”  Si Lorena.  “Tara na, Jan. Ibili na lang natin ng pagkain 'yan.”  Nakairap pang sabi nito.

            Natahimik na lamang siya sa sinabi ng kaibigan.  Sa pakiwari niya’y kilalang-kilala na rin siya ng mga ito.  Wala naman din siyang ipinagkaila sa klase ng buhay na mayroon sila.

            Kaya naman naiwanang mapag-isa si Corine.  Nanghahaba ang leeg niya sa kakahanap sa gwapong mukha ni Liam.

            “Hi…”  May kung sinong bumati pa sa kanya.  Isang matipuno at gwapong lalaki!

            “Hi…”  Alanganin namang ganting bati niya dito.  Pilit pa niya iyong minukhaan lalo pa nga't noon lang niya nakita ang lalaki.

            “By the way, I am Ian. You are?”  Iniabot pa nito ang kamay.

            “Corine…”  Nahihiya pang sagot niya.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon