Chapter 11 - Part 2 of 2

20.4K 389 16
                                    

to my dear readers, pasensya na po if hahatiin ko yung chapters tulad nito. hehe :)) i noticed, iba rin pala ang approached ng iba sa posting that's why ang daming reads! but then again, hindi ko naman pagtatagalin ang posting ng parts para di kayo bitin. pero thanks pa rin po sa appreciation! :)))

we don't get anything from doing this kind of stuff. masaya lang yung may mapasaya ka. pero pasayahin nyo rin po kami thru votes or comments. salamat ulit! enjoy!

********

CHAPTER 11 - Part 2 of 2

                

                “Hey…”  Si Liam!

            “Hey…”  Halos kumalabog na naman ang puso niya sa kaba.  Papaano naman kasi’y unang pagkakataong nakita niya itong naka-uniform at talaga namang ang gwapo at ang neat tingnan.

            “Cool nang tambayan mo a,”  Iginala pa nito ang paningin sa paligid.  “Quiet and private.”

            “Oo nga.”  Tipid pa siyang ngumiti.

            “May I?”  Paalam pa nitong maupo sa tabi niya.

            “Sure.”  Alanganin siya. 

            At wala na ngang alinlangang naupo siya sa tabi ng babae at muli ay nakitanaw sa paligid.  “Nice view down here huh?”

            “Malamig din diba?”  Bahagya pa niya iyong sinulyapan.

            “Yeah, fresh air... really nice…”  Ninamnam pa nito nang husto ang malumanay na ihip ng hangin.  “Kaya ba all of a sudden, hindi na kita nakita sa stadium?”  Malungkot na tanong pa nito.

            “Hindi naman…”  Mapait pa siyang ngumiti.  “Siguro, ayaw ko na lang may maalala pa dun kaya eto, nakita ko ‘tong spot na ‘to.”

            “Can’t I be the reason for you to have good memories again at the  stadium?”  Nagpaka-seryoso pa ito.

            “Ha?”  Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. 

            “Anyway,”  Si Liam na rin naman ang umiwas.   “Karen wanted you to have this,”  May kung anong dinukot ito sa rucksack niya.  At agad ding iniabot ang box sa babae.  “She made that for you with my help of course.  Hope you’ll like it.” 

            “Cookies?”  Sobrang touched yata siya.

            “Yeah.”  Bahagya pa siyang tumango. 

“Thank you ha. Pakisabi na rin kay Karen.” 

“Try it.” 

            “Okay.” At hindi na rin naman siya nag-alangan pa at tinikman na nga ang cookies.  “Masarap ha, galing ninyong mag-kuya a.”  Matamis pa siyang ngumiti dito.

            Nakahinga rin naman siya sa papuri nito.  Kahit na papaano’y bawi naman pala sila sa pinagpuyatan nilang magkapatid.

            “Share na tayo dito. Masarap na merienda na rin ‘to diba?” 

            “Okay,”  Kumuha na rin naman siya at nakikain na rin.  “You’re right. Masarap nga.”

            “Huh?”  Taka pa siyang napatitig dito.  “Hindi mo ba tinikman?” 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon