Chapter Thirty Four

3.6K 50 7
                                    

34

=================

"Sshh.. Tama na Couz. Stop crying na" pang-aalo sa akin ni Casey.

Andito kami ngayon sa kwarto nya. Kanina habang panay ang takbo ko upang makalayo sa lugar na yon ay panay din ang pagtulo nang luha ko. Hindi ko na alintana ang reaksyon ng mga nakakasalubong ko. Nagdiretso ako sa loob ng kotse ni Casey na nakaparada lang sa harap at doon ibinuhos ang mga luhang nais kumawala pa.

Panay lang ang iyak ko, hindi nya ako makausap ng matino kaya naisipan nya na lang akong iuwi muna dito sa kanilang bahay.

Sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Pinagtaksilan nya ako at nakita ko pa iyon. Halos madurog ang puso ko sa tagpong yon. Hindi nya din ako hinabol. Ganun na ba talaga ang kawalang halaga ko sa kanya?

"Sshhh..." panay lang hagod ni Casey sa may likuran ko. Nakadapa ako ngayon dito sa kanyang higaan at patuloy lang sa pag-iyak.

Maya maya ay nakarinig ako ng mga katok sa pinto.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama at pag-alis ni Casey sa may tabi ko.

Nakarinig ako ng mga tunog ng kubyertos at mga plato. Naalala ko na nagpahatid nga pala sya ng pagkain sa kanilang kasambahay.

"Couz kumain ka na muna, hindi makakabuti sayo yang pagmumukmok mo." aniya habang tinatapik tapik ako sa aking braso.

Hindi ako tuminag.

"Couz please, wag mo naman nang pahirapan ang sarili mo." nararamdaman ko na sa tinig nya na naiirita na sya.

Humarap na ako sa kanya, ngunit hindi ako tumayo. Sa halip ay umupo lang ako at sumandal sa headboard ng kama nya. Humihikbi hikbi na lang ako ngayon,naubos na yata ang mga luha ko.

Napailing iling naman sya nang makita nya ang itsura ko. Ramdam ko na ang pamamaga ng mga mata ko. At malamang pati buong mukha ko ay namamaga na din.

Lumapit sya sa akin at hinawakan nya ang mga kamay ko. Tinitigan nya ako.

"Mag-uusap tayo,after mong kumain ok?" nakangiti nyang sabi sa akin. Ngunit bakas sa mukha nya ang awa sa akin.

~

"Kaya mo na ba?" tanong nya sa akin na ang tinutukoy ay kung kaya ko na bang magsabi sa kanya.

Katatapos lang nya ligpitin at ipakuha ang mga pinagkainan namin. Sa una ay hindi ko talaga magawang kumain,ngunit ipinagpilitan sa akin ni Casey na kumain ako kahit kalahati lang ng ibinigay nya sa akin.

Naalala ko na naman ang tagpong iyon sa kanyang flat at naninikip na naman ang dibdib ko.

Tumingin ako kay Casey, ramdam ko ang pagkaawa sa mga mata nya.

"He betrayed me. He... be..ee ..trayed ...me!"

"He be..trayed ..me."

"He cheated on me!!!"

Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi sa kanya ang mga yan. He betrayed me. Kahit ako ay hindi makapaniwala. Hindi ko alam na magagawa nya sa akin ito. Niloko nya ako.

Si Casey naman ay patuloy lang sa pag-alo sa akin habang yakap yakap ako. At ako naman ay patuloy lang din sa pag-iyak habang nakayakap din sa kanya.

"Sshh..magiging ok din ang lahat." bulong nya sa akin.

Gusto kong magwala, gusto ko syang puntahan muli at pagsasampalin sya. Galit na galit ako sa kanya. Ngunit bakit ganoon. Mahal na mahal ko parin sya sa kabila ng panloloko nya sa akin.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now