Chapter 50: Last goodbye

27K 460 31
                                    

Zia

Napatingin ako sa cellphone ko ng nag-vibrate yun. Pasimple kong tiningnan ang message habang nag sasalita sa unahan ng klase ang professor namin. Napakunoot agad ako ng mabasa ko ang message ni Lara.

Z, nandito sa gym ngayon si Yuan, kausap si Trixie, diko lam pinag-uusapan nila pero tingin ko importante.

 

Nag simula kaming mag palitang ng text.

Saan gym?

 

P.E gym

 

I’ll be there…

 

Tumayo ako at nag paalam sa prof na lalabas lang sandali. Pababa na ako ng hagdan at nag iisip kung bakit kailangan kausapin ng asawa ko si Trixie. Ayoko naman isipin na pinag tataksilan ako ng asawa ko pero, gusto kong maka siguro, lalo na at si Trixie pa ang involved dito. Kilala ko ang babaeng yun at alam kong hindi sya gagawa ng mabuti at kung may balak syang agawin sa akin ang asawa ko, hindi na ako mag pipigil pa na sampalin ang mukha nya kahit pa mawala ang pangalan ko sa dean’s list ay wala na akong pakialam basta sa akin ang asawa ko.

Saglit akong natigilan ng makita ko ang isang taong halos ilang buwan ko ng hindi nakikita na lumabas mula sa dean’s office. “Luigi...”

Natigilan din sya ng mapansin ako. “Zia.”

Dalawang beses ko pang kinurap ang mga mata ko para makasiguro na hindi ako namamalikmata. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdam ngayon nasa harap ko nga si Luigi. Napatingin ako sa suot nyang white polo shirt at itim na skinny jeans. Napakaaliwalas nyang tingnan. Bigla rin akong nakaramdam ng pangungulila para sa kanya dahil may pinag samahan din naman kami.

“Kamusta?” Basag nya sa awkwardness sa pagitan namin.

“Mabuti naman.” Sagot ko saka ngumiti para mawala ang halo-halong emosyon ko. Bigla ko rin naalala ang huling beses kaming nag kita. Hindi naging maganda yun,

Ngumiti din sya pero nawala agad yun ng madako sa kamay ko ang tingin nya, partikular na sa singsing na suot ko. Hindi ko alam pero bahagya kong inilagay sa likod ko ang kamay ko para hindi nya makita. Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya ang kasal namin ni Yuan, ayoko lang sigurong dagdagan ang sakit sa puso nya dahil naging mabuti naman sya sa akin.

“Can we talk?” Tanong nya.

Hesitant akong sumagot dahil bigla kong naalala na pupuntahan ko pa si Yuan sa P.E gym pero hindi ko naman kayang tanggihan si Luigi dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya at tama sya, kailangan namin mag usap.

“Sige.”

Sa garden kami dito sa school humantong. Umupo kami sa isang round chair style. Nag papasalamat nalang ako at hindi mainit at wala masyadong tao dahil tapos na ang lunch break. Saglit kaming tahimik at nakaupo lang habang nakatingin sa magagandang bulaklak. Gusto ko sanang mag salita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko at hindi ko din alam kung saan ako mag sisimula.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon