43. Sino

27.2K 710 223
                                    

Palapit na ng palapit ang kaarawan ni Nanay at hindi 'ko din mapaliwanag pero mas sumasama ang pakiramdam 'ko sa pagdating ng araw na iyon. Pakiramdam 'ko may mali. May hindi magandang mangyayari. Gusto kong maging positive para sa birthday ni Nanay, pero hindi 'ko magawa.

Bumalik naman agad si Nanay sa Pilipinas pagkatapos ng isang importanteng meeting niya sa ibang bansa, dahil gusto niyang siya din mismo ang aasikaso sa kaarawan niya. Nakakatuwa nga kasi, gusto ni Nanay kasama ako dun.

"How about this, hija? Ayaw mo ba nito?" Natauhan ako sa biglang pagsasalita ni Nanay. Nakita kong may hawak-hawak na naman siyang pulang damit at hindi 'ko lang masabi na hindi 'ko iyon gusto dahil sobrang lalim at mukhang kita na ang mga tinatago 'ko.

"A-ah, Nanay. H-hindi po ba revealing po 'yan masyado?" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinaas 'ko ang kamay 'ko at nagpeace kay Nanay. Natawa naman si Nanay at umupo sa tabi 'ko. Nakakaloka talaga 'to si Nanay, kanina pa kami magkasama pero hanggang ngayon, hindi pa din siya pagod. Pero ako pagod na pagod na!

"That's what I want, Kira!" Hindi 'ko mapigilang hindi mapangiti kasi mukhang tuwang-tuwa si Nanay sa sinabi 'ko. "Gusto kong maakit yun si Jared para makita 'ko na ang apo 'ko! My God! Gusto kong mapuno ng selfie ng magiging anak niyo ang ig account 'ko." At pagkasabi ni Nanay 'nun ay tumawa na naman siya ng malakas.

Pinilit 'ko na lang na tumawa kahit na naloka naman talaga ako sa sinabi ni Nanay. Anak agad? Hindi 'ko pa nga sinasagot iyong unggoy na 'iyon, gusto apo agad-agad? "Oh! Tumatawag na si Shie. Excuse me lang, Kira okay? Tumingin ka na ng dress dyan." Ngumiti na lang ako at nag-opo bago tumayo si Nanay at sinagot ang tumatawag sa  kaniya.

Tumawag kasi sa akin si Nanay kaninang umaga para samahan daw siya mag-shopping, mabuti na lang talaga at wala akong class ngayong araw na 'to, kaya sumama na din ako. May usapan dapat kami ni Jared na magda-date kami ngayon, pero hindi niya sinasagot ang tawag 'ko simula kaninang umaga at nahiya na din ako kay Nanay kaya sumama na lang ako.

"Bwisit naman talagaaaa." Bulong 'ko sa sarili 'ko habang nakikinig ako sa pag-ring ng phone ni Jared. Nakakaasar, nagpaload pa ako ng fifty pesos para lang matawagan siya! Tapos hindi niya pa sinasagot? Kainis na lalaki 'yun, ipapakain 'ko talaga yung iphone niya sa kaniya kapag nagkita kami. Pa-iphone iphone pa, di naman sinasagot tawag 'ko! Anong use 'non?!

"Date-date pa, eh sa tawag nga hindi mo ako masagot! Bwisit talaga." Pagrereklamo 'ko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag 'ko. Pero nakabente na ata akong tawag, wala. Kahit text na busy siya, wala.

Naka-ilang beses na akong tawag kay Jared, pero wala pa din. Nagri-ring naman iyong phone niya, pero wala talagang sumasagot. Dumating na si Nanay, pero wala pa din siyang nasasagot ni isa sa tawag 'ko.

"Mukhang busy ka sa cellphone mo, Kira. May nangyari ba?" Tanong sa akin ni Nanay pagkaupo niya sa tabi 'ko.

Ngumiti ako at umiling, "Wala po, Nanay. Tinatawagan 'ko lang po si Jared. Kanina pa po kasi ako tumatawag, di niya po sinasagot. Nag-aalala lang po ako sa unggoy na 'yun." Natawa naman si Nanay sa sinabi 'ko. Tuwing magkasama kasi kami ni Nanay, tumatawag din si Jared. Tapos aasarin niya ako, kaya aasarin 'ko din siya ng unggoy. Kaya alam ni Nanay na unggoy ang tawag 'ko sa kaniya. Hindi 'ko na binanggit na may usapan kami ngayon, dahil baka malintikan pa yung unggoy na 'yun.

"Mahal na mahal mo talaga si Jared 'no?" Hindi 'ko alam kung bakit pero alam kong namula ako sa sinabi ni Nanay. Kulang pa nga ata 'yung mahal na iyon, para ipaliwanag ang nararamdaman 'ko kay Jared. Di ko na ata maipaliwanag tong nararamdaman 'ko kay Jared. Pakiramdam 'ko, kapag iniwan niya ako, ikasisira 'ko iyon.

Kasi alam 'ko sa sarili kong hulog na hulog na ako kay Jared ngayon.

"I really like you for my apo, Kira. Wala na ata akong hilingin pang iba. Sobrang bait mo, at gustong-gusto kita para sa apo 'ko. Kaya kung may problema kayo or what, wag agad kayong bibitaw okay? Its a part of a relationship, okay?" Ngumiti ako at tumango-tango para sa pagsang-ayon sa sinabi ni Nanay sa akin.

"Opo, naiintindihan 'ko po kayo, Nanay. Thank you po." Masaya kong sabi kay Nanay. Sobrang saya pala sa feeling na boto sa'yo yung importanteng tao para sa mahal mo.

"Good. Tara na? Wala pa tayong nabibiling dress and shoes for you, hija. Anong oras na din." Natatawa niyang sabi sa akin. Magkasama kaming nag-ikot ni Nanay sa loob ng Mall. Dapat naman talaga, ako lang ang bibili ng dress 'ko, pero pinagpipilitan ni Nanay na siya na lang din ang bibili dahil nagpasama siya sa akin ngayon. Ayaw talagang magpatalo ni Nanay na ako na lang kaya ngayon, naghahanap na kami ng isosoot 'ko para sa nalalapit niyang kaarawan.

Akala namin ay wala ng makikitang dress na sasakto para sa akin, pero sa last shop na pinasukan namin ay may nakita akong red dress para sa akin, pa-tube ang style ng dress, simple lang ang design pero kung titingnan at susuriin ay ang elegante ng dress na iyon. Kahit si Nanay ay gandang-ganda sa damit na napili 'ko, bagay na bagay daw sa akin.

Bumili din kami ng red na pumps para terno sa dress na nabili 'ko. Sobrang mahal ng gastos ni Nanay kaya sobrang nahihiya ako at paulit-ulit akong nagtha-thank you, pero parang wala lang ang gastos na iyon sa kaniya. Sobrang yaman kasi ng pamilya nila, nakakaloka.

"Kira hija, hintayin mo ako dito, okay? Magc-CR lang ako." Sabi sa akin ni Nanay, ngumiti ako at nag-opo. Naglakad-lakad muna ako habang hinihintay si Nanay.

Napatingin ako sa isang coffee shop na hindi kalayuan sa kinaroroonan 'ko. Kumunot ang noo 'ko ng makita 'ko si Jared, may kausap na lalaki. Medyo nagduda pa ako sa nakikita 'ko kaya medyo lumapit pa ako. Naka-side view lang sila sa akin kaya hindi naman siguro nila ako napansin.

Hindi nga ako nagkamali na si Jared 'yun. May kausap siyang lalaki ngayon at mukhang seryosong-seryoso ang pinaguusapan nila. Napatitig ako sa lalaking kausap niya at hindi 'ko alam pero may kamukha yung lalaking kausap ni Jared. Hindi 'ko maalala kung sino, pero meron talaga. 

Kinuha 'ko ang phone 'ko at tinawagan ulit si Jared, habang nakikinig ako sa pag-ring ng phone niya ay pinapanood 'ko din si Jared. Nakita kong tumigil sila sa pag-uusap, tiningnan niya ang phone niyang nasa lamesa pero hindi niya iyon sinagot. Hindi 'ko alam pero parang sasabog ako sa galit sa ginawa niya.

Alam 'ko namang busy siya pero mahirap bang sabihin sa akin na mamaya na lang ako tumawag? Nagmumukha akong tanga kakatawag sa kaniya tapos di niya lang pala sinasagot kahit nakikita niyang tumatawag ako! Ganun na ba kaimportante yang kausap niya?

"Kira! Let's go!" Narinig 'ko ang boses ni Nanay kaya agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Nanay. Oo, galit ako pero may pinag-aralan naman ako kaya hindi ako mageeskandalo dito. At gusto 'ko munang marinig ang sasabihin ni Jared bago kami mag-away.

Habang pauwi na kami ay hindi 'ko din alam pero hindi 'ko talaga makalimutan ang itsura ng kausap ni Jared. May kamukha talaga siya, pero bakit hindi 'ko maalala kung sino?

Courting the Fortune-tellerWhere stories live. Discover now