Chapter 30 (2/19/2015)

445K 11.5K 2K
                                    

30

And I regret the moment it came out of my mouth. I regret it the moment I saw the pain in his eyes before he went out of my bedroom door. And I asked myself, why do I have to hurt him too? Oo nga, nagsisisi ako sa mga ginawa ko pero hindi naman totoong pinagsisihan kong minahal ko siya. In fact, nung hindi pa complicated ang lahat, naging masaya akong kasama siya. 

Kaya naman gusto ko siyang habulin at mag sorry dahil alam kong hindi tama ang sinabi ko. Hindi ko siya kailangang saktan din dahil lang sa nasasaktan ako. Pero wala akong lakas ng loob para habulin siya.

At isa pa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. But then, hindi ako pinatahimik ng kunsensiya ko and I gave in after a few hours.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at pumunta sa kwarto niya. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung paano ko siya i-aapproach.

Just when I am about to knock nung may marinig akong boses sa loob ng kwarto. Hindi kasi nakasara ang pinto.

“RL’s agent called. Hindi mo daw sinasagot ang tawag nila. You need to return Alexis.”

“I will Mom.” I heard Alexis and for a while hindi sila nag usap. I was about to leave kasi alam ko naman na hindi tama na nakikinig ako sa usapan nila pero napatigil ako nung magsalita ulit ang Mommy niya.

“Alexis, alam na alam mo na hindi ka pwedeng magpakasal.” Napatigil ako sa paglalakad. Nahigit ko ang hininga ko.

“I know Mom.”

“Pero bakit nagpakasal ka pa din? You know very well that they’re going to sue you for breach of contract. They won’t even consider that you are their top model.”

“I am ready to pay for the damages, just in case.”

“It’s worth millions of dollars and you’re going to destroy your career!”Narinig ko ang pag taas ng boses ng babaeng tinawag ni Alexis na Mom. Andito ang Mommy nila?

“It doesn’t matter.” Kahit ako nanlamig dahil sa klase ng tono na ginagamit niya. It was so cold. It was devoid of any emotion.

“Hindi ako sanay na nagkakaganito ka. Ano na lang ang sasabihin ng Daddy mo? Your mother…”

“She won’t say anything. She doesn’t care. You are our mother.”  Hindi ko maintidihan. Di ba kausap na niya ang Mom niya?   

“I’m glad to hear that you acknowledge me as your mother but you must know that she cares  for you. She just do not have the liberty to show it off but she cares for you and for Alexander.”

“Pwede bang wag na natin siyang pag usapan? Babalik ako sa Paris to fulfill that damn contract.”

“And your wife?”

“She’ll stay here. We’ve talked about it. Ako ang aalis.” And my heart constricts at the thought of him leaving. Ang lakas ng loob kong magsabi sa kanya na aalis ako. Na ayaw ko na siyang makita pero ngayon, bakit ang sakit sa dibdib malaman na aalis na talaga siya? Na iiwan na talaga niya ako.

“Alexis, alam kong hindi ko dapat pinanghihimasukan ang damdamin mo. Pero sa nakikita ko, nagkakasakitan na kayo. Wag mong ipilit ang sarili mo sa kanya. Respect her wishes. Kung gusto niyang lumaya  ibigay mo. Hindi mo siya pwedeng ikulong dito habang buhay. She won’t be happy.”

 “Tandaan mo, hindi mo pwedeng ipilit ang pag ibig. You cannot force her to love you…”Agad akong umalis sa pagkakasandal sa wall nung may marinig akong footsteps na paakyat sa hagdan. Nagmamadali akong naglakad at pumasok sa kabilang kwarto. Lumabas lang ako nung marinig kong umalis na ang katulong at sumunod ang Mommy ni Alexis na sa tingin ko ay hindi naman niya totoong Mommy kung ibabase sa mga narinig ko.

Nahiga ako sa kama pagkapasok ko sa room at siguro dala na din ng pagbubuntis ko, nakatulog ako.

Pagkagising ko, nakaramdam ako ng sobrang lungkot. I longed for something that I feel like crying kapag hindi ko nakuha ang gusto ko.

Pumasok ako sa banyo, naligo at nagbihis ng pantulog then I found myself walking out of my bedroom door, umakyat sa hagdan at pumunta sa kwarto ni Alexis. Sinubukan kong buksan ang pinto and luckily, it was unlocked.

I opened the door and found him sleeping. Pinagmasdan ko siya habang natutulog and my heart aches. Parang kahit sa pagtulog, may pinoproblema siya dahil nakakunot ang noo niya. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko nakikita ang Alexis na katabi ko matulog noong kinasal kami.

Napuno ako ng guilt dahil alam kong ako ang rason kung bakit malungkot siya. I slowly walked towards the bed at dahan dahang humiga para hindi siya magising. I wanted to lie next to him. I wanted to hug him and to smell him. I missed him so much that I feel like crying. At pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi ko siya nayakap. Ganito ba ang feeling ng naglilihi? Pinaglilihian ko ba si Alexis? Nababaliw na ata ako.

I snuggled closer to him at naramdaman kong gumalaw siya. Hindi ko siya tiningnan kasi nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko. Para akong nanggapang kahit na nga ba asawa ko na siya.

“Mandy…” Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko kaya naman lalo kong siniksik ang mukha ko sa dibdib niya. I felt him wrap me with his arms and he kissed the top of my head.

“Nakakain ka na ba? You missed dinner.” Antok na antok pa ang boses niya.

 Umiling ako kasi hindi ko makuhang magsalita. Gusto ko na lang na amoy amuyin na lang siya. Para akong adik na pinagkaitan nng gamot.  

“Magpapakuha ako ng dinner.”

“Wag. Hindi ako nagugutom.” Lalo akong sumiksik sa kanya and he hugged me tighter.

“Masama ba ang pakiramdam mo?” He asked me tenderly and I wanted to cry.

“Gusto kitang yakapin.Gustong gusto kitang yakapin. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag di kita nayakap ngayon.” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang boldness ko para masabi ko yun pero yun talaga ang nararamdaman ko. Parang uhaw na uhaw ako sa yakap niya na nanunuyo ang lalamunan ko.

I heard him sighed at lalo pa akong niyakap. Inayos din niya ang comforter para makumutan ako. Walang nagsasalita, nakahiga lang kaming dalawa sa kama niya habang magkayakap. Alam kong hindi pa siya tulog dahil sinusuklay pa ng mga daliri niya ang buhok ko.

“Alexis, hindi totoong, nagsisisi akong minahal kita. I’m sorry kung hindi kita pinakinggan at …” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nag unahan ang mga luha ko.

“I love you.” Sabi niya sabay halik sa noo ko. Lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko, ang babaw ng pagmamahal ko sa kanya kasi nung siya ang nag sosorry sa akin, kung anong masasakit na salita ang nasabi ko. Sinaktan ko pa siya. Pero sa akin I love you and sinagot niya sa sorry ko.

“Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayong  nasa tabi kita Mandy? Kung pinaglilihian mo man ang yakap ko, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa anak natin.  These past days have been pure hell. At sana bukas paggising mo, you would still need me.” I mumbled something habang lalong sinisiksik ang sarili ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bangong bango ako sa kanya. Gustong gusto kong ubusin ang amoy niya. Parang ang sarap sarap matulog na nakadikit ang ilong ko sa dibdib niya.Parang hinihila ako ng antok. Pumipikit ng kusa ang mga mata ko.

I felt him move at inalis ang yakap sa akin. I mumbled my protest pero niyakap niya lang ako ulit kaya. Halos hindi ko na nga maramdaman nung kinuha niya ang kaliwang kamay ko at may nilagay na kung ano.

I am contented just lying here beside him and hugging him.Pakiramdam ko buo na ulit ang buhay ko.

And for the first time simula nung malaman ang tungkol sa totoong pagkatao niya…

…I slept peacefully

A/N: Next update 2/26/2015. Wag ng humirit ng update kundi pagkukurutin ko kayo sa singit. 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon