Chapter 29 (2/19/2015)

389K 10.7K 2.2K
                                    

29

Hindi na ako nakapasok. Pinabalik ni Alexis ang kotse sa bahay. Hindi na ako tumutol dahil kahit ako hindi ko din alam kung kakayanin ko pa bang pumasok sa school. Magang maga ang mga mata ko at pakiramdam ko pagod na pagod ako. Kaya naman pagkabalik sa bahay dumiretso ako sa guest room. Gusto ko sanang matulog pero di ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama in a fetal position at nakatingin sa kawalan. At kahit hindi na ako umiiyak, ramdam na ramdam ko ang lungkot. Napakabigat ng dibdib ko at ng pakiramdam ko.

Nasa ganun akong kalagayan nung bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Alexis. Hindi pa din ako gumalaw hanggang sa lumapit siya sa kama at naupo sa gilid.

Minutes passed at walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagpapakiramdaman lang kami. Ayaw ko din siyang tanungin kung bakit siya pumunta sa kwarto ko. Kahit ata pagsasalita napapagod ako.

Naalala ko pa a few months back, I was this girl who live life to the fullest. I was happy and contented. Masaya ako sa bahay estudyante ko. Naging masaya ako sa relasyon namin ni Alexis. I thought it was perfect. Pero sabi nga nila nothing is perfect.  Ngayon ito ako. Pregnant and miserable.

Ganun lang pala kadali magbago ang lahat. Ang dating masayahing ako, nawala na. It’s as if the light in me had been sucked out. And dating masayang relasyon namin, biglang nawala. All because of a lie. Just a single lie and everything crumbles.

Sa totoo lang, these past few days, I’ve been thinking of forgiving him. Nakakapagod na din kasing magalit and it was just so easy to forgive him. Lahat naman kasi ng tao nagsisinungaling. Lahat naman ng tao hindi perpekto. I could forgive him pero hindi ko lang alam kung kaya ko pang ibigay ang klase ng pagmamahal na binigay ko sa kanya dati.

“Natakot ako Mandy.” Mahinang sabi niya.

“Hindi ko sasabihing hindi ko intention na magsinungaling because I would be lying again. Dahil sa simula pa lang, yun na ang intention namin ng kakambal ko. Kaya nga ako nagpanggap na siya. But I never thought that I would fall for you and I cannot bring myself to tell you the truth. Dahil nangako ako sa kapatid ko at natakot akong magalit ka at iwan mo ako. Alam ko na marami akong pagkakataon na sabihin sa’yo pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob.”

“So you choose to trick me into marrying you.” How easy and how convenient. Mas madali nga namang pagtakpan ang isang kasinungalingan kaysa sa aminin ito.

“ I did not trick you into marrying me. I married you because I knew that it was the best thing to do. I know that there’s a huge possibility that you’ll get pregnant and I don’t want you to bear my child out of wedlock.” I smiled bitterly at myself. The child.

“How honorable Alexis.” Honorable indeed. Pero kung hindi ko nalaman ang lahat, hanggang kailan niya ako lolokohin? Hanggang kelan siya magpapanggap na kapatid niya?

Dahan dahan akong naupo sa kama at sumandal sa head board. I didn’t look at him. Tumingin lang ako sa mga tuhod ko.

I am biting my lower lip thinking of what I will do next. Dahil alam ko na hindi ako tatagal sa bahay na to. Hanggang nakikita ko siya masasaktan ako.

“Alexis…” And I was surprised at how calm my voice is. Gusto kong pumalakpak at purihin ang sarili ko because of the calmness of my voice which contradicts the turmoil in my heart.

“I need to find a new place.” Mahinahong sinabi ko but the impact might not be the same dahil bigla siyang napatingin sa akin.

“Amanda, sinabi ko na sa’yo. You will stay here. Bahay mo rin ito. Bakit mo pa kailangang maghanap ng ibang bahay?”

“Dahil nasasaktan ako kapag nakikita kita. At gusto kitang patawarin pero bago ko magawa yun, kailangan ko munang kalimutan ang ginawa mo. And I couldn’t do that kapag nakikita kita araw araw. Alexis, I need to forgive you because I don’t want to be angry at you for the rest of my life. I don’t want to wallow in anger. Please allow me to forget.” I brushed a tear that escape my eyes.

“And after that? Kapag kaya mo na akong patawarin, will you come back to me?” Nakikita ko ang takot sa mga mata niya and I almost pity him. And I would love to say yes but I don’t want to lie. Dahil kahit ako, hindi ko din alam kung ano ang mangyayari. I am not certain of the decisions that I will be making in the future.

“Hindi ko alam.” I said honestly.

“Amanda…” His voice broke and I diverted my eyes para hindi ko makita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Dahil kahit na nasaktan niya ako, kahit na nagsinungaling siya, masakit pa din makitang umiiyak siya.

“Hindi ko alam Alexis. I wanted to say yes but I can’t lie to you right now.”

“I can’t let you stay in another place.” Napatingin ako ulit sa kanya. 

“Ako ang aalis, kung ayaw mo akong makita, sige aalis ako. Hindi ako magpapakita sa’yo kung yan ang gusto mo. Pero hindi ako papayag na umalis ka dito. Hindi ako mapapanatag lalo na sa kondisyon mo. Dito maaalagaan ka at kahit wala ako, alam kung mababantayan ka. Ako lang naman ang ayaw mong makita di ba?”

“Please stay here Mandy. Yan lang ang hihilingin ko.”

I nodded at him dahil alam ko na kapakanan ng bata ang iniisip niya. If I would be selfish, tatanggi ako pero naisip ko din na tama siya. Mas maalagaan ang baby kung dito ako kesa sa titira ako mag isa sa isang apartment. It would be too risky.

“Thank you.” Tumayo na siya sa kama at nagsimulang maglakad palabas. Pinilit kong hindi umiyak kahit na nag iinit na ang mga sulok ng mga mata ko. I heard him open the door of my room and I waited for it to close. Pero hindi nangyari kaya napatingin ako sa may pinto. Nakatayo pa din siya sa may pinto hawak ang doorknob at nakatalikod sa akin.

“Tell me, Mandy pinagsisisihan mo ba na pinakasalan mo ako?” Mahinang sabi niya pero ang bigat bigat ng mga salitang binitiwan niya.

“Hindi. I didn’t regret marrying you Alexis. But to tell you frankly, at this moment…

…I regret loving you.” 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon