Chapter 38 (3/5/2015)

359K 9.3K 662
                                    

38

Pagkatapos namin mag usap ni Alexis, nagligpit agad ako ng mga damit ko at tinawagan si Mama at si Kuya para magpasundo. Mabigat na mabigat ang dibdib ko.

Siguro nga masasabi ng iba na isang katangahan ang gagawin ko. Bakit ko iiwan ang isang taong mahal ko? Nagmamahalan naman kami pero bakit kami maghihiwalay? Bakit namin sasaktan ang mga sarili namin? Is this some kind of a martyrdom or am I being a masochist?

No, alam kong hindi ako martyr at hindi rin ako masochist. Pero kasi sa isang relasyon, hindi habang buhay na pagmamahal ang iiral. Although on the duration of the relationship, andun pa din ang pagmamahal, pero habang tumatagal nag iiba na ang focus sa isang relasyon. As you grow old, both of you would be more focused on your family, on your children and your grandchildren. Sex, wouldn’t be as mind blowing as the time na mag bf pa lang kayo o bagong kasal. Hindi na kayo mag sasabihan ng I love you every text message or every call. Baka nga hindi na kayo magtetext sa isa’t isa.

Ayaw kong dumating kami sa point na yun at ayaw kong dumating sa point na pag aawayan namin kapag hindi ko siya nabigyan ng anak. I don’t want him to hope for a child that I couldn’t give. I don’t want to see the disappointment on his face whenever a pregnancy test turned out negative. Ayaw kong dumating sa puntong malalaman ko na may inanakan siyang ibang babae dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Ayaw kong dumating sa point na ipagpalit niya ako sa ibang babae dahil sa kakulangan ko.

I am not a martyr and a masochist. I am selfish. I will be selfish because I wanted to protect my heart from future heartaches kahit na alam kong masasaktan ko siya at masasaktan ko din ang sarili ko.

Pagkatapos kong magligpit ng mga gamit, kinausap ko ang mga katulong na uuwi muna ako sa amin at sila na ang bahala sa bahay. Kinagabihan, sinundo ako ni Kuya kasama si Mama and I said my goodbye to the househelps and I look around the house which had become my home for the past 4 months. Mabigat ang dibdib kong lumabas ng bahay. Tahimik ako habang sakay ng kotse. Si Kuya ang nagdadrive at nasa harapan si Mama.

“Okay ka lang anak?” Tanong ni Mama sa akin. Hindi ko masabi na okay lang ako kasi hindi naman talaga ako okay. In fact, I am far from okay.

“Mama, I’m sorry.” My voice broke. Minsan naisip ko, kaya siguro ako nasasaktan ng ganito ngayon kasi hindi rin ako naging mabuting anak. Nagsinungaling ako sa parents ko. I have disappointed them at kung gusto ko mang maayos ang buhay ko, siguro, tama lang na simulan ko sa pamilya ko.

“Amanda, hindi ko sasabihing okay lang sa akin ang lahat ng nangyari. Nasaktan din ako sa ginawa mo pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na ang lahat at hindi na iyon maibabalik. Magalit man ako sa’yo ngayon, wala na ding mangyayari. Ang importante, natuto ka sa mga nangyari at bilang magulang mo, andito lang ako para suportahan ka. But I cannot stay the same with your father. Kilala mo siya. Kilala mo kapag nagalit siya.Pagpasensiyahan mo na kapag pinagalitan ka niya dahil karapatan niya yun bilang ama mo pero nakapag usap na kami, hindi ka na niya pagbubuhatan ng kamay. Hindi ko na yun mapapayagan.” Kahit papaano, lumuwag ng kaunti ang nararamdaman ko ng dahil sa sinabi ni Mama. Ang totoo, hinanda  ko na ang sarili ko sa gawin ni Papa. Pakiramdam ko kasi, nararapat lang sa akin ang anumang gawin niya.

“Salamat po Mama.”

“Anak, kayanin mo.” My mother said with a sympathetic voice at naluha ako.

Pagdating namin sa bahay, nasa trabaho pa si Papa kaya pina akyat ako ni Mama sa kwarto ko at pinagpahinga. Pero hindi ko magawang makatulog dahil kinakabahan ako sa pagdating ni Papa. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon niya. Baka palayasin niya ulit ako. At lalong nadagdagan ang kaba ko nung magdinner na at tinawag na ako ni Mama.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon