Chapter 28 (2/16/2015)

458K 10.7K 1.7K
  • Dedicated kay Jude Thaddeus Cablayan Bagas
                                    

28

“Ma’am, kumain na daw po kayo.” Sabi ng katulong sa akin nung pagbuksan ko siya ng guestroom.

“Salamat po pero sa school na lang po ako kakain.” Hindi na nagsalita pa ang katulong at umalis na. Ako naman kinuha ko ang bag ko at ang perang nilagay ni Kuya sa knapsack. After class, maghahanap na ako ng apartment na matitirhan. Hindi pwedeng dito ako titira sa bahay niya. Masyadong mabigat sa dibdib.

Paglabas ko ng bahay, nasa harap ang kotse na nililinis ni Manong Nestor.

“Good Morning po Ma’am. Aalis na po ba tayo?”

“Good Morning din po. Maglalakad po ako Kuya.” At nagsimula na akong bumaba sa front porch at   naglakad papuntang front gate.

Pero hindi pa ako nakakarating sa front gate nung sinalubong na ako ng guard.

“Ma’am hintayin niyo daw po si Sir.”

Naikuyom ko ang kamao ko.

Ipipilit ko pa sana ang gusto ko kaso narinig ko na ang pag andar ng sasakyan. Napabuntonghininga na lang ako at hinintay na makalapit sa akin ang sasakyan. At isa pa, kahit tumanggi ako, may pakiramdam ako na hindi ako makakalabas sa gate.

Ipinagbukas ako ng pinto ni Kuya Nestor nung nasa harap ko na ang kotse. Kung sa ibang pagkakataon, siguro matutuwa ako. I am treated like a princess. May tagahatid ng pagkain, may tagatawag kung kakain na, may tagasundo at tagahatid sa school. Pero hindi nakakatuwa ang sitwasyon, hindi nakakaflaterred ang mga pangyayari. Pakiramdam ko, unti unti akong sinasakal. I took another breath before I entered the car.

I was not surprised to find Alexis sitting. Hindi siya nakatingin sa akin and his face is void of any emotion. He is sitting at the other end samantalang ako nasa kabila. Hindi din ako nagsalita, ni hindi ko na siya tiningnan matapos ko siyang sulyapan pagkapasok ko sa sasakyan.

And the atmosphere is so heavy, it was choking me. Mas nanaisin ko pang sumakay sa masikip na bus o kaya makipagsiksikan sa MRT kaysa sa sumakay sa kotse na may ganitong atmosphere. It was suffocating. Gusto ko na lang tumalon sa sasakyan.

“You did not eat breakfast.” I heard him say after a long silence. Hindi ako nagsalita. I just kept on looking outside the window. And I heard him sigh at nagkunyari akong hindi ko siya narinig.

Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang galit ko. I am not usually like this. I seldom get mad, I seldom get angry. Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong galit sa tanang buhay ko sa isang particular na tao. Kahit na pinagbubuhatan ako ng kamay ng Papa ko, hindi ako nagalit sa kanya. Siguro natakot, oo, pero hindi nagalit dahil alam kong dinidisiplina niya ako dahil may kasalanan ako.

And I never expected that I have the capacity to be this mad towards Alexis. Towards another person

Maybe this is the effect of trusting too much. The hurt of betrayal is just as much. Okay sana kung yung taong nanloko sa’yo, hindi importante pero si Alexis, I trust him with all of my heart. Maliban kay Papa at kay Kuya, siya na ang lalaking pinakamalapit sa akin. I lied to my family because of him.

Kaya ang hirap tanggapin na niloko niya ako, na ginawa niya akong tanga. And I maybe close minded for not listening to his reasons but right now, I know that whatever he will say, I will not have any of it. Dahil sa tingin ko, wala siyang rason para saktan ako. Wala siyang rason para lokohin ako at wala siyang rason para gawin akong tanga.

“Kuya, mag drive thru tayo.” Sabi niya nung nasa tapat ng isang fast food chain.

“What do you want to eat?” Tanong niya sa akin pero ni hindi ko siya tiningnan. Hindi ko siya kayang tingnan kasi ayaw kong maalis ang ilusyon sa isip ko. Ayaw ko siyang tingnan because I want to preserve the Alexis that I once knew. The sweet and loving Alexis.  

Hindi ang Alexis na katabi ko ngayon. Hindi ang Alexis na nanloko sa akin.

“Mandy, don’t make it hard for me please…”

“Nahihirapan ka na? Then leave me alone.” Matigas na sabi ko.

“You are my wife and you’re carrying my child for God’s sake! Ask me anything, just don’t ask me to leave you alone because I can’t do that.” His voice is lace with pain but I was too caught up with my own pain to care.

Sinasabi ko na nga bang mali. Mali na magtagal kami sa iisang lugar. Mali na sumabay ako sa sasakyan. Mali na makasama ko pa siya kasi mas lalo lang akong nasasaktan. At siguro nga pati siya nasasaktan.

Magiging miserable lang kami. Hindi kami makakapag usap ng maayos kasi hindi ako makikinig sa kanya. Masyado pang masakit para sa akin ang mga nangyari. I can’t accept his apology and his explanation.

At ngayon, bumabalik na naman ang sakit dahil sa panloloko niya. Kaya naman hindi ko napigilan ang mga luha ko. Sinabi ko na na ayaw kong makita niyang umiiyak ako pero hidni ko nagawang pigilan. Parang balon na ayaw nang tumigil ang mga luha ko until I sobbed.

Then I felt his arms around me. Mas lalo akong umiyak. Mas lalo akong humagulgol.

“I’m sorry. I’m so sorry Mandy.” His voice is broken at hindi ko alam kung umiiyak din ba siya. I was so caught up with my emotions and I was trying so hard to stop myself  from crying. Pero lalo lang lumalala. Habang humihigpit ang yakap niya sa akin mas lalong lumalakas ang iyak ko.

I barely noticed when the car stopped at lumabas ang driver.

Nung una akala ko ang yakap nagpapagaan ng hinanakit. I thought a hug could provide comfort. Pero bakit habang yinayakap ako ni Alexis, mas lalo akong nasasaktan. Parang dinudurog ang puso ko. Parang dumadagdag ng sakit ang yakap niya.

Pero hindi ako umalis sa pagkakayakap niya. Wala na akong lakas para alisin ang mga braso niya na nakayakap sa akin. Wala na akong lakas para pigilan siya sa paghalik sa buhok ko. Wala na akong lakas para sigawan siya, para sampalin siya at para saktan siya.

I let him hug me and I cried my heart out. It was a painful and pitiful sight. It was a heartbreaking scene for two lovers. It was a bittersweet ending of a fairytale. It was a disaster.

“Alexis. Bakit mo ako niloko?”

I asked through my tears. 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon