Chapter 6 (11/29/2014)

554K 11.8K 2.2K
                                    

6

At lumalim ng lumalim ang halikan namin hanggang sa naramdaman ko na ang sarili ko na nakahiga sa sofa at nakadagan siya sa akin. Naliliyo ako sa sensasyong nararamdaman ko.

“This can’t be.” Sabi niya sabay kagat ng mahina sa lower lip ko. Hindi ko napigilan ang mapaungol. Kaya naman nung akma siyang titigil sa paghalik ako na mismo ang humabol sa mga labi niya. At ano ang sinabi niya? This can’t be? Tapos kung makapanggigil sa labi ko parang wala ng bukas.

“Amanda…I’m gay.” Sabi niya pero ang mga mata niya namumungay na dahil sa pagnanasa sa akin. Pulang pula na din ang mukha niya. Mestizo talaga siya. Mas madali pa siyang mamula kaysa sa akin.

“Noted.” Sabi ko habol ang hininga ko at napapanganga ako nung hinalikan niya ang punong tenga ko. Nanayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang saya pala kapag si Lexie ang ka make up session ano? Nagiging make out session.

Maya maya pa ramdam ko na ang mga kamay niyang humahaplos sa dibdib ko. Nakapasok na pala sa loob ng shirt ko ng hindi ko namamalayan. And I almost shrieked when he pinched one of my nipples through the fabric of my bra. Mahabaging sofa, kahit yun pa lang ang ginagawa niya, parang mahihimatay na ako.

Kaya naman pinulupot ko ang isang legs ko sa bewang niya at lalo pa siyang kinabig palapit sa akin. Ramdam na ramdam ko na din ang erection niya. Kung totoong bading siya, hindi niya kakayanin ang ganito. Hindi siya maarouse ng ganyan.

Kung totoong bading siya, kanina pa siya nagtatakbo at nagsusuka. Kaso nga hindi siya totoong bading. Iniisip lang niya na bading siya pero ang buong pagkatao niya nagsusumigaw na lalaki siya. A full and hot blooded male specie. 

“Mandy…” Habol hiningang sabi niya.

“This can’t be.”Nakafreeze ang kamay niya sa tyan ko at akmang itatas na ang shirt ko.  Napadilat ako at tumingin sa kanya. Nakapikit siya at halatang pilit na pinipigilan ang sarili at hinahanap ang pagtitimpi niya na kanina pa ata lumipad sa kung saan. Pero mapapayagan ko ba naman na manaig ang kabaklaan niya sa pagiging lalaki niya? Siempre hindi. Ngayon pa bang alam ko na malaki ang tsansa na magiging lalaki talaga siya?

“Uhuh?Sino ang may sabi?” Kagat labing sabi ko. Medyo nainis ako kasi ang daldal niya. Ang dami niyang sinasabi. Why can’t he just enjoy the moment?    

“Shit Mandy! Stop me.” Halos nagmamakaawa na siya sa akin. Pero hindi ako naaawa. Wala akong awa. Hindi ako nahahabag. Instead na maawa sa kanya, mas lalo ko pa siya hinila palapit at idinikit ko pa ang sarili ko sa kanya.

“Ayoko nga! Bahala ka sa buhay mo. At isa pa bakit ko gagawin yun?”

“Because I’m gay. You have to remember that.” Owwwwkay! Sabi mo eh.

“I will never forget that you are gay. Promise. But..Alexis…”

“Don’t call me Alexis.” Nahihirapang sabi niya. Give up already will you?

“Alexis,” Pagdidiin ko pa sa pangalan niya.

“I will not forget that you’re a gay. Pero kapag dalawa na lang tayo, nagkakaamnesia ako.”  

“You’re impossible. I don’t know what I’m gonna do with you.” Sabi niya sa husky na boses at sa namumungay na mga mata.

“You can kiss me again.” I heard him groaned and then kissed me hungrily, deeply. Parang gusting ubusin ng halik niya ang lahat ng hangin ko. Pero hindi nagtagal ang halik, tumigil siya at parehas kaming habol ang hininga.

Tapos tumayo siya. Medyo napahiya ako pero hindi pala dapat dahil itinayo din niya ako at nagmamadaling naglakad papunta sa elevator na nasa loob din ng sitting room at hindi ko lang napansin kanina dahil busy ako sa paglalandi sa kanya.  Shit! May elevator ang bahay nila! Bongga! Pinindot niya ang second floor. At bago pa magsara ang elevator isinandal na niya ako sa wall at sinimulan ulit ang paghalik sa akin which I answered with equal fervor. Hanggang sa makarating kami sa second floor at sa kwarto niya, naghahalikan pa din kami. At bago niya naisara ang pinto ng kwarto hubad na ang shirt ko at wala na din siyang shirt.

After a while, nakahiga na ako sa tabi niya, nakaunan sa mga braso niya. Kumot na lang ang nakatakip sa katawan namin at nung tingnan ko ang oras na nasa relo ko, past 12noon na. Ang totoo niyan, nakatulog na kami kanina pero paggising namin, alam na. At ngayon nga, pagod na pagod ako. Ewan ko sa kanya. Para sa isang bakla, ang lakas ng stamina niya. 

“Mandy…” Mahinang sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Napapapikit ako. Gusto ko na tuloy matulog.

“Hmm…?” Pero hindi niya dinugtungan ang sinabi niya? Napatingin tuloy ako sa kanya.

“Ano?” Narinig ko siyang nagbuntunghininga.

“This will never happen again.” I rolled my eyes upward. Gusto kong tumanggi. Pero hindi ko ginawa. Somehow I understand him. Baka confuse lang siya. Kaya naman ayaw kong ipilit ang gusto ko baka mabigla siya. Let him discover the wonder of being a man. Naks!

Kaya instead na tumanggi, ngumiti lang ako sa kanya.

“Okay. As you wish, Bakla.” At ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanya para mas mayakap siya. Hindi naman siya nagreklamo.

“Di ba dapat halikan mo ako?” Nakatingalang sabi ko sa kanya.

“Bakit?”

“Kasi tinawag kitang bakla. Guys do that you know. Para patunayan na hindi sila bakla.” Humagikgik ako.

“Wala akong dapat patunayan.” Awww! Ang confident. Kunsabagay, alam ko naman na yun.  

“Please be serious Mandy. We can’t..we cant…” Huminga siya ng malalim. Ni hidni niya kayang tapusin ang sinasabi niya.

“Alexis, pagkatapos ng mga nadiskubre ko sa tingin mo, titigil pa ako? Baliw ka ba?”

“Hindi. Bading lang.” Napangiti ako. Grabe, kakaiba siya.  

“I know,I know. Oo na. Bading ka na kung bading.  You don’t have to convince yourself. Don’t try too hard.” Sumama ang tingin niya sa akin at walang sabi sabi na dinaganan ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko…

I shrieked. 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon