Chapter 48 (3/11/2015)

427K 9.9K 1.3K
                                    

48

“I wanted to marry her. Gusto ko siyang pakasalan ulit. And this time I’ll make sure that she can no longer question its validity that’s why I need your consent.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya sa parents ko. Pagkauwi namin galing Italy, kinaumagahan, dumiretso kami sa bahay ng parents ko at ito nga nagpapaalam siya na papakasalan niya ako.

I’ve told him that it is not necessary kasi hindi naman tutol ang parents ko sa kanya but he insisted. Gusto niya daw makakasiguro na walang loopholes sa magiging kasal namin. Nadala na ata kasi ilang beses ko ding sinabi na hindi valid ang kasal namin.

So here I am again marching towards Alexis. My parents wanted a traditional wedding kaya sa Manila Cathedral kami kinasal. For me, it doesn’t matter kung saan man kami ikasal kasi para sa akin, mas romantic pa din ang unang kasal namin.

It was more of a family affair. Umuwi galing Paris ang father ni Alexis at ang stepmother niya pati ang mga kapatid nila sa ama. At kahit wala ang Nanay niya, nagpadala naman ito ng regalo. Hindi lang yun ang ginawa niya. Kinausap din pala niya ang management ng RL para hayaan na magbakasyon si Alexis. We really don’t know the details ng usapan nila pero pinayagan si Alexis na magbakasyon. Maybe she pulled some strings. She will not be the Archduchess of Austria for nothing. At dahil sa ginawa niya, medyo napapalapit na si Alexis sa kanya. Kahit papaano naman kasi naipapakita niya ang concern niya sa anak niya. Kay Alexis lang naman kasi siya hindi close dahil matagal ng tanggap ni Lexie ang ina nila.  Matagal na silang close sadyang matigas lang talaga ang puso ng asawa ko.

By the way, Lexie is our maid of honor. Missy, Barbie and Chelsea are our bridesmaids. Why not?

I smiled broadly at him nung nasa harap na niya ako pagkatapos niya akong ipagpaalam kay Papa at kay Mama. Together, we walked towards the altar and hand in hand we said our I do’s for the second time.

I never thought that I would go this far in such a short time. Wala pang tatlong taon kaming magkakilala. It all started with a one night stand. Everyone thought that a one night stands are temporary. Just a fleeting moment to quench one’s lustful needs. I thought so too pero hindi pala lahat ng one night stand  doon din nagtatapos sa gabing yun. Some resulted in a relationship and others even ended up at the altar. Like ours. It was fun while it lasted but it was more fun if it lingers.

Pero hindi lang dahil sa one night stand kaya kami nagkatuluyan. It was more of our determination and desire to be with each other. Hindi basta basta ang pinagdaanan namin at alam kong hindi rin basta basta ang pagdadaanan pa namin. Pero sabi nga ni Alexis, kahit gaano man kasakit ang mga mararanasan namin, hinding hindi kami bibitaw.

Masasabi kong pinaghirapan namin ang relasyon namin. We worked hard for it to work. We’ve endured a lot of pain, we’ve endured long days and nights away from each other.

Pero ganun talaga sa isang relasyon. Hindi pwedeng tingnan mo na lang at pabayaan. If you do that, it would drift apart at bago mo pa mapansin, nawala na pala. You have to make an effort to somehow make it work. You have to work hard to make it smooth sailing. And it should be a team effort. Hindi pwedeng isa lang. That’s why you need to have an open communication para magkaintindihan kayo.

I am just so thankful na sobra ang pasensiya ni Alexis sa akin. Although that patience is only exclusive for me kasi hindi naman siya ganun sa iba.

I looked at my husband who’s talking to one of the guests. Nasa Manila Hotel na kami for our reception. Siguro naramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya kaya napalingon siya and he winked at me. My heart did a backflip at naramdaman ko ang pag iinip ng pisngi ko. He raised his hand that’s holding a wineglass and I raised mine.

“Hoy Gaga!” Napatingin ako bighla kay Missy na nasa tabi ko na.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na hombre na pala ang Alexis na nilalandi mo? Buong akala ko talagang pinipilit mong iconvert si Lexie.” Ang tagal naming di nagkausap ni Missy. In fact, nagtampo na nga yan sa akin. Pero nung nagkausap kami, naging okay naman na.

“Yun nga talaga ang plano ko. Ang I convert siya. Akala ko nga successful na ang plano ko pero hombre pala talaga siya. Huli ko na din nalaman. Di ba nga nag away pa kami?”

“Hays!” Bumuntonghininga si Missy.

“Sa tingin mo kaya pang I convert si Lexie?” Napatingin ako kay Lexie who’s more stunning than Missy in her lime green dress.

“Sa tingin mo?”

“Malabo. Mas bagay sa kanya ang lime green kaysa sa akin.” I laughed while Missy pouted.

Lime green ang motif ng kasal namin. It’s Alexis idea. Pinagpilitan niya talaga yan. Akala ko nga yun ang favorite color niya pero hindi pala. Nung una ayaw niyang sabihin kung bakit pero sa huli umamin din siya. At nagsisi ako na itinanong ko pa.

“It’s the color of your panty when we first did it.”    Imagine my embarrassment lalo na at sigurado akong hindi magkamatch ang panty at bra ko nung mga panahon na yun dahil wala akong lime green na bra.

At ngayon, I wonder what’s on his mind while he’s surrounded by  lime green.

“Hey.” Napaigtad ako when I felt his warm breath at the side of my ears.

“Hey yourself.” Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at hinalikan ang punong tenga ko.

“You know what I’m thinking?” Tumaas ang kilay ko. Sinasabi ko na nga ba.

“I can almost imagine.” Sabi ko na nangingiti.

“Talaga?”

“Ako pa!”

“Sige nga, what am I thinking?” Ipinatong niya ang chin niya at the top of my head habang nakayakap pa din siya sa akin and he’s rocking me gently.

“Don’t worry. Magkaterno na ang bra at panty ko. Lime Green.” I felt him stiffened at first and then he doubled in laughter. His laughter echoes in the hall na napatingin ang mga bisita namin.  

“Bakit? Mali ba?” Nag iinit ang pisngi ko. Naku!

 “I’m thinking, I’m so lucky to have you as my wife. But now, iba na ang naiisip ko. Let’s say goodbye to our guests.” Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

Pero hindi pa kami nakapagpaalam when we heard the clinking of the wineglasses signaling that the guests wanted us to kiss.

Iniharap niya ako sa kanya and pulled me closer to him. He lowered his head at nung sobrang lapit na ng mga labi namin he said,  

“I’m already seeing green.”

“It’s made of lace and it’s silky.” His eyes become clouded.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. I laughed out loud kaya hindi niya ako makuhang halikan.

But as always he always have his ways.

He cupped my buttocks and kiseed me carnally infront of everyone. And to my embarrassment…

I moaned. 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon