Chapter 31 (2/26/2015)

435K 10.8K 897
                                    

31

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Nagtaka pa ako nung una kung nasaan ako pero agad din naman nasagot ang pagtataka ko kasi ramdam na ramdam ko ang mahigpit na yakap sa akin ni Alexis. Gusto ko pa sanang magpayakap sa kanya pero parang sinisikmura na ako sa gutom. Hindi nga pala ako nakakain nang hapunan.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin para makatayo ako but he stirred at lalo pa akong niyakap.

“Saan ka pupunta?” He said sleepily while pulling me tighter towards him na para bang lalayasan ko siya at di na ako babalik kapag binitiwan niya ako. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa batok ko. Agad kong naramdaman ang kiliti na dulot ng halik niya.

“Nagugutom na ako.”

“Saglit lang.” Hinayaan ko lang siyang yakapin ako pero di nagtagal, inalis na niya ang pagkakayakap sa akin at tumayo sa kama. Pumasok siya sa banyo. Ako naman, bumangon na at umupo sa kama. 4AM pa lang ng umaga nung tumingin ako sa bedside clock.

Lumabas siya sa banyo na naka silkrobe na at kumuha ng isang robe sa closet niya at iniabot sa akin.

“Halika na.” He offered his hand and helped me stand up. Hawak kamay kaming bumaba  papuntang kitchen. Sobrang tahimik ng buong bahay dahil wala pang gising kahit na isang katulong.

“What do you want to eat?” Tanong niya sa akin pagkatapos kong maupo sa dining chair. Siya  naman, naghahalungkat na sa refrigerator.

“Kahit ano na lang. Pero marunong ka bang magluto?”

“Kapag nasa Paris ako, ako ang nagluluto.” Bigla siyang natigilan at napatingin sa akin. Siguro kasi akala niya hindi ko pa alam kung sino siya.

“Narinig ko ang usapan ninyo ng Mommy mo.”

“I see.” Hindi na siya nagsalita pagkatapos. Kumuha siya ng baso at nilagyan ng fresh milk at ibinigay sa akin. Nag toast din siya ng bread at nag prito ng itlog. After how many minutes, handa na ang pagkain namin.

Medyo nalungkot ako kasi halatang ayaw niyang pag usapan ang personal niyang buhay pero ayaw ko naman siyang pilitin. Siguro nga may panahon para masabi niya ang totoo.

Naupo siya sa katabi kong upuan and he slowly sipped his coffee.

“She’s not our real Mom.” Napatingin ako sa kanya bigla. Hindi ako nagsalita I just looked at him while he’s looking at his coffee.

“She’s our stepmother. Si Daddy at ang totoo naming Mommy ni Lexie ay hindi kasal. Our mother married another guy and Dad married our stepmother. We have other siblings on both sides.” And it must be hard on them having no real family to call their own.

“I’m sorry.”

“It’s okay. Matagal na naming tanggap and besides kahit naman hindi kami tunay na anak ni Mommy Carmel, she stills treats us like her own. We were 4 years old when Dad married her. Kahit na alam niyang may anak na si Daddy, pinakasalan niya pa rin ito at tinanggap kami. I am thankful for that. She fills the space that our real mother left.  But Mandy, kahit na hindi naman nagkulang si Mommy Carmel sa amin, I still don’t want our child to grow up like me. Ayokong lumaki siya na hindi kasama ang mga magulang niya.” I felt his loneliness at naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Somehow I know, na hindi kayang punan ng kahit na sino ang lugar  ng isang magulang sa buhay ng mga anak nila.

I looked at him and I saw the face that captivate me the first time I Iaid my eyes on him. He is still the same Alexis with the face that any woman would die to have. He still possess those expressive and soulful eyes. He is still the same Alexis but somehow he is different and I realized na hindi dahil sa may nagbago sa kanya kundi dahil ngayon ko lang nakilala ang totoong siya. For the first time I saw him as a man with flaws and weaknesses, a man with emotions and capable of being hurt. I saw him as a man and not some perfect and flawless guy who only exist in my dreams.

At that moment, through the hazy light of the dining room, that early Tuesday morning, I realized that I am not having a dream, I am not into some kind of a fairytale where everything is good and rainbow colored. I am living in reality where I could be hurt, I could make wrong decisions, I could hurt people but most of all I could be happy and that happiness will not be superficial. It will last and will linger because it is real.

“Salamat.” Naluluhang sabi ko. Nahihirapan tuloy akong kumain. Para akong tanga kasi hindi naman malungkot ang usapan namin pero bigla bigla na lang akong nag eemote. Bigla tuloy siyang tumayo at nilapitan ako.

“What’s wrong Mandy?” Puno ng pag aalala na tanong niya. Bakit ba napakaiyakin ko ngayon? Kasama ba talaga ito sa pagbubuntis.

“Thank you because you’re real.”Humihikbi pa ding sabi ko.

“Ha?” Naguguluhang tanong niya. Ang gulo gulo ko naman kasi talaga.

“Wala. Narealize ko lang na hindi naging tama ang naging reaction ko. Kasi tao ka din na nagkakamali at may rason ka naman kung bakit mo ginawa yun. At…”

“Sshhh…that’s enough. Hindi mo dapat inistress ang sarili mo. Makakasama sa bata. Mamaya magpapacheck tayo.” Sabi niya habang pinapatahan ako.

“May pasok ako. Absent na ako kahapon, baka di na ako makagraduate.”

“Sige. After class susunduin kita at didiretso tayo sa OB.Mandy, kailangan mong matingnan ng doctor. I wanted to know your condition, bago ako bumalik ng Paris.” Napatingin ako bigla sa kanya. Oo nga at narinig ko na aalis siya pero hindi maliwanag sa akin ang lahat. Aalis ba siya dahil sa naging usapan namin?

“Kailangan kong bumalik ng Paris dahil sa trabaho Mandy. I need to fulfill my side of the contract. Pero pagkatapos ng contract, babalik ako.” Hinawakan niya ang kamay ko na nasa itaas ng mesa.

“Gaano katagal ang contract mo?”

“Two years.” Bigla akong napatingin sa kanya. Nung dalawang linggo kaming hindi nagkita, nahihirapan ako kasi sobrang miss ko siya paano pa pag dalawang taon? 

“Iiwan mo ako dito?”

“Babalik ako, when I get the chance. At tatawag ako at mag uusap tayo araw araw.” But that was not enough. Just the thought of him being away, parang hindi ko na kakayanin. Gusto ko katabi ko lang siya palagi. Gusto ko naaamoy ko siya. Gusto ko nahahawakan ko siya and I never felt this clingy before.

“So wala ka dito during my prenatals, wala ka din sa graduation ko. Wala ka din pag nanganak ako.”  Hindi ko nagawang itago ang hinanakit sa boses ko.

“Mandy…”

“Sasama ako sa’yo.” I declared. At kahit ako nagulat sa conviction sa boses ko.  

“Pero paano ang pag aaral mo?” Tiningnan ko siya.

“Pwede naman ako mag aral sa susunod na sem. At isa pa buntis ako baka mahirapan din ako.”

“Pero Mandy…”Hinintay kong matapos niya ang sasabihin niya pero din a niya tinuloy. Bumuntong hininga na lang siya at  ginalaw galaw ang pagkain sa harap niya.

“Ano ang totoong rason kung bakit ayaw isama ako? Dahil ba sa hindi mo pwedeng ipaalam na kasal na tayo? Oo, pati yun narinig kong pinag usapan niyo. Hinihintay lang kitang sabihin sa akin.”

“I’m sorry.”

“Pero bakit mo ako kung pinakasalan kung hindi naman pala puwede?”

“Because I wanted you to be mine. I don’t want to lose you and it would happen once Lexie returns from Paris at kapag nalaman mo na nagpapanggap lang ako, alam kong magagalit ka sa akin. And I was right. Hindi ko na inisip ang mga consequence ng ginawa ko. I am losing my mind when it comes to you. Nakakalimutan ko ang lahat. It’s just two years Mandy. Please understand.” And who am I to deny his request? Pagkatapos kong malaman kung gaano niya ako kamahal at kung ano ang kaya niyang isakripisyo para sa akin, sino ako para ipahamak siya.  At kahit na masama pa ang loob ko, I looked at him and I nodded.

“I understand.” 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon