Chapter 42 (3/7/2015)

412K 11.1K 2K
                                    

42

Kinakabahan ako habang nakatingin sa phone ko na nagriring. Para akong nakakita ng aparisyon. Ang kabog ng dibdib ko, tinalo pa ang mga nagtatakbuhang elepante sa savannah ng Africa. Not to mention na natataranta ako.

“Kuya!” Biglang sigaw ko ulit kay Kuya Nestor habang hindi ko alam ang gagawin ko sa phone. Sasagutin ko ba o hindi? Pag sinagot ko, ano ang sasabihin ko? Itatanggi ko ba na iniistalk ko siya? Nakakahiya, hindi ko kayang aminin yun kahit na nga ba asawa niya ako. Pero kung hindi ko naman sasagutin baka isipin niya na binabaliwala ko siya o kaya galit ako.

“Kuya igilid mo muna ang kotse.” Sabi ko at sinunod naman ni Kuya Nestor. Mabuti na lang at nasa subdivision na kami namin kaya hindi matraffic at madali lang magpark. Paano na lang kung nagkataon na nasa EDSA kami? Hindi naman pwedeng magrequest akong tumigil agad agad ang kotse dahil lang nagpapanic ako dahil sa tawag ng asawa ko?   

“Kuya! Sagutin mo po!” Sabay bigay ng phone ko sa kanya. Nagtataka si Kuya Nestor dahil sa pagkataranta ko pero hindi na siya nagtanong.

“Sige na Kuya.” Pilit ko pa. Sino naman kasi ang matinong taong ipapasagot sa iba ang tawag sa phone. Pero after how many seconds of looking at me weirdly kinuha niya ang phone ko at sinagot.

“Hello.” Sabi ni Kuya Nestor pagkasagot ng phone. Napakakalmado ng boses niya kabaliktaran ng nagwawala kong pakiramdam. Hindi ko nga alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw sa galak kasi pagkatapos ng ilang buwan ay tumatawag siya. Gusto kong magpapadyak sa hiya kasi obviously alam niya kung sino ako. Naiihi ako sa excitement kasi gustong gusto kong marinig ang boses niya. Ganun ako kalala. Tawag pa lang yan. Paano na lang kung nasa harap ko na siya? Baka mahimatay na lang ako bigla kasi di ko na alam ang gagawin. I might even forget to breathe.

“Eh, ayaw pong sagutin Sir.” Napapakamot pa si Kuya Nestor ng batok niya. Siguro iniisip niya kung gaano ako ka weird. Kung gaano ako kabaliw. I peered at him habang kausap niya si Alexis sa phone.

“Kakasundo ko lang po. Nasa loob na kami ng subdivision nila.” Kalma lang heart. Kalma lang. I tried to console myself pero gusto ko ding sabunutan ang sarili ko dahil sa naging reaction ko. Napaisip tuloy ako kung normal pa ba akong tao.

“Nasa backseat po. Pulang pula po eh. Kanina naman nagbabasa lang sa cellphone tapos bigla na lang pong tumili.” Napanganga ako sa narinig ko na sinabi ni Kuya Nestor kay Alexis sa phone. He didn’t just say that did he? Bakit niya sinasabing kinikilig ako? Teka, hindi naman niya sinabing kinikilig ako di ba? Namumula lang at nagtitili? Oh my God! Iisa lang yun!  

“Kuya bakit mo sinabing tumili ako?” Hindi ko napigilang sabihin. Ni hindi ko man lang naisip na naririnig pala ni Alexis ang sinabi ko. Pero sana hindi.

“Kuya itanong mo kung paano niya nalaman na ako yun.” Bulong ko sa likod ni Kuya Nestor. Pero nagulat ako sa ginawa ni Kuya. Inalis niya ang phone sa tenga niya and pressed on something.  

“Hi Mandy.” I heard his husky voice and  I gaped when I heard his voice. Ini loudspeaker ni Kuya ang phone ko! Napalayo ako sa driver seat at nagsisiksik sa gilid ng pinto ng backseat. Ang OA lang ng reaction ko.

“Mandy answer the phone.” He said.  

“Ayoko!” I said vehemently at may kasama pang iling ang pagsabi ko para mas effective. Para namang nakikita niya ako.

“And why not? Amanda…” Ayan na…ayan na… said my panicking brain who refused to function the moment my phone rang.

“I am not a stalker.” I blurted out pero agad kong pinagsisihan ang sinabi ko the moment I heard it. I clamped my mouth with my hand to stop myself from saying another embarrassing word that would further catapult my now drained self confidence.  

The Gay Who Stabbed MeWhere stories live. Discover now