Chapter 35 (3/2/2015)

355K 9.4K 884
                                    

35

Alexis POV

30 minutes had passed pero wala pa din ang sundo ko which is strange. Kadalasan, mas nauunang dumating sa airport sina Mandy para sunduin ako. Tumawag ako kay Amanda pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Baka hindi nagising ng maaga o baka nakatulog sa byahe. Napaka antukin pa naman ng buntis na yun.

But when another 30 minutes had passed, I was becoming fidgety so I dialed the number of our driver pero hindi din nito sinasagot ang phone. Then, I dialed Manang Sela’s phone pero wala ding sumasagot. Kaya tumawag na ako sa bahay at hindi ko mapigilan ang kaba ko habang hinihintay kong may sumagot sa phone.

“Hello.” It was one of our househelps.

“Manang si Alexis to.”

“Sir!” Parang nagulat pa na sabi niya.

“Manang, nasaan na sila Amanda? Andito na ako sa airport at hinihintay sila.”

“Eh kasi Sir, dinala po sa hospital si Ma’am Mandy.” Nagpapanic na sabi ng katulong and my breathing suddenly hitched.

“Saang hospital?” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ko sa phone ko at sa handcarry luggage ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa.

“Sa St. Luke’s po…” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng katulong. Agad akong tumakbo papuntang taxi bay ng airport. Ilang tao pa ang nakabangga ko but I didn’t turn to apologize. I just keep on running.

Pagkasakay ko sa taxi, agad kong sinabi ang hospital at pinakiusapan ang driver na bilisan ang pagmamaneho.

The one hour drive to the airport was like hell. I was already yelling instructions to the househelps na dalhin ang phone ni Manang Sela sa kanila kasi naiwan sa bahay ang phone ng driver at ni Manang Sela dahil na rin siguro sa pagmamadali. Kaya pala hindi ko sila makontak and I am dying to know what happened to my wife. Bakit siya dinala sa ospital? Hinimatay daw siya sabi ng katulong. Pero bakit siya hinimatay? Ayaw kong mag isip ng kung ano ano, I wanted to think that it’s all part of her being pregnant. Ilang beses ko ba siyang nakitang nagsusuka sa banyo nung naglilihi siya? Palagi siyang nahihilo, she have constant headache but it’s all part of her pregnancy. And I am wishing na ganun pa din ang dahilan. I am praying that she’s okay, that the baby’s okay.

Pagdating sa hospital, tumakbo ako kaagad sa ER pero wala na doon si Mandy. Dinala daw kaagad siya sa DR pagkadating nila sa  Emergeny Room. Lumabas agad ako sa ER at agad kong nakita si Manong Nestor na nasa waiting area sa labas ng hospital. Sinamahan niya ako papunta sa DR. Habang lakad takbo ako papunta sa DR hindi maalis ang kaba ko. Dalawang oras na daw siya sa hospital.

Narinig na lang daw nila na nagsisigaw si Amanda habang nakahiga sa sofa at nung makalapit na daw sila Manang Sela, nawalan na ito ng malay. Dinala nila kaagad sa hospital si Mandy.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa Nurse Stattion, I immediately asked the nurse about Mandy.

“Saglit lang po Sir.” And she went off after asking me to sit down. Napaupo ako kasi bigla akong nanghina and then I stood up because I just cannot sit still while my wife is inside the DR and god knows what's happening to her.

“Mr. Mondragon.” Napalingon ako sa nagsalita and I came face to face with Mandy’s Obstetrician.

“Doc, anong nangyari? Bakit nagkaganun si Mandy?” Ang alam ko kasi, maayos naman siya. Okay naman siya tuwing nagpapacheck up kami. Kaya pinilit kong umuwi once a month para masamahan siya. Para malaman ko first hand ang nangyayari sa kanya. Kahit na mahirap para sa akin na umuwi buwan buwan, ginawa ko pero bakit ganito? Para akong mababaliw.

“Mr. Mondragon, Mandy, have pre eclampsia. Biglang tumaas ang BP niya. Siguro kaya nahimatay siya kasi hindi niya nakayanan ang sakit ang ulo which is the result of a high blood pressure.” At hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. I just wanted to be with my wife. 

“Pre eclampsia is one of the complications of women with PCOS.” Mahinahon lang ang pagsasalita ng doctor but I can sense the stress in her every word. Na para bang pinipilit lang niyang pagaanin ang isang delikadong sitwasyon.

“Is she okay Doc?” Yun lang naman ang gusto kong malaman. Kung safe lang ba ang mag ina ko.

“She’s not responding to medications that we gave her to lower her blood pressure.” And I have the feeling that she is just starting. Lalo akong kinabahan. 

“What do we need to do?” I tried to stay calm kahit na gustong gusto ko nang manigaw. Nasa hospital na kami then why the hell can’t they stop her BP from rising? I wanted to shout at everyone but I also need to think. Wala naman kasing mangyayari kong magagalit ako at magsisigaw and I know that they are doing the best that they can do.

“Mr. Mondragon, we have to operate on her immediately or else her condition will turn into Eclampsia. Hindi po bumababa ang BP niya. Right now, we gave her a medication to avoid  seizures but her BP should go down. Eclampsia if not treated could affect  her liver and her other vital organs and even death.”

“Operate?” Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Pakiramdam ko nanlalamig ang buong katawan ko.

“The only treatment for severe pre eclampsia  is delivery. I am sorry but I am afraid she will have to undergo a Caesarian Operation.”

“Caesarian operation?  Pero Doc, 5 months pa lang po ang tyan niya.”

“That’s the only way to prevent Eclampsia Mr. Mondragon or else we will risk both the mother and the baby.” Napayuko ang doctor. I tried to breathe normally pero hindi ko magawa. Nanininikip ang dibdib ko at parang nanlalaki ang ulo ko.

“We  need you to sign the pre operative consent form before we can proceed with  the operation.” And just on cue a nurse came and handed me a piece of paper. Sinubukan kong basahin ang nakalagay sa papel na yun pero walang nagsisink in sa utak ko. The doctor explained to me the contents of the form and I barely heard her explanation. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang katotohanang ooperahan si Amanda because her life and the life of our baby is in danger.

I may be an ass when I was young. I maybe a rebel to my father and I may hate my real mother. Alam ko naman dati pa na may karma. Alam ko naman na hindi ako naging mabuting anak sa mga magulang ko. Pero hindi ko inisip na sa ganitong paraan ako babawian ng karma. Hindi ko alam na ganito kasakit. Hindi ko alam na ang kapalit ng lahat ng kasamaang ginawa ko ay ang mag ina ko.

Napatingin ako sa doctor at sa nurse. And I know that I need to sign those damned consent form ASAP.   

With a trembling hand, I took the paper and I blindly sign the consent form that seal the life of our child. A paper that seal the fate of our marriage. 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon