Chapter 19 (2/4/2015)

464K 10.5K 670
                                    

Thanks again Ann

19

I snuggled closer to him and I felt him hug me tighter. Napangiti ako at lalong pinulupot ang mga kamay ko sa katawan niya.

Antok na antok pa  ako. Hindi ko alam kung anong oras kami natulog. Pagkatapos kasi ng kasal dumiretso kami sa isa sa mga casita sa beach kung saan ang reception. It was just a small wedding reception. In fact, isang malaking table lang kami with the judge and his family na napag alaman ko na kakilala ng family nila. Yung mga witness namin, pamilya ng judge na isinama dito sa Amanpulo para makapag bakasyon. Tinawagan pala sila ni Alexis para papuntahin dito. 

Mga 12 midnight na natapos ang dinner at saka kami bumalik dito sa villa. Pero hindi ko talaga alam kung anong oras na kami natulog.

Ayaw ko pa sanang magising kasi gusto ko na lang humiga sa tabi niya pero nakaramdam ako ng gutom kaya siguro ako nagising.

“Alexis..”

“Mandy hindi ko pa kaya. Give me an hour.Pagpahingahin mo naman ako please.” He mumbled. Napatawa ako sa sinabi niya. Seriously? Siya pa ang may ganang magsabi niyan? Sino kaya ang walang kapaguran sa amin kaninang madaling araw?

At biglang may pumasok na kapilyahan sa isip ko. I wrapped the comforter around me and rolled on top of him.

“Mandy...”He mumbled again but his arms wrapped around me gently para suportahan ako.

“Walang pahi-pahinga. Kasalanan mo, pinakasalan mo ako kaya pangatawanan mo ang desisyon mo.” I said giggling on top of him. I saw him opened one of his eyes to look at me. Then suddenly I found myself underneath him.

“Saglit!” I shrieked. Teka, mapapasubo ata ako.

“Walang saglit saglit. Ikaw tong may ganang manggising tapos sasaglit saglit ka dyan.” He said while nuzzling my neck.

“I was just kidding. Gutom na ako!” I said half laughing, half shrieking. Kung hindi lang talaga ako gutom papatulan ko ang lalaking ito. Pero ang hapdi na talaga ng tyan ko.

“Sus.”

“Seryoso Alexis. Gutom na talaga ako.” And as confirmation, tumunog ang tyan ko. Nagkatinginan kami and I burst out laughing.

“See?”

“Pasalamat ka, gutom ka.” He said while he’s rolling off me.

“Thank you.” I said giggling.

Tumayo siya in all his naked glory. Napatingin ako sa kanya at napanganga. Nawala ang ngiti sa mga labi ko and I swallowed as I felt the heat creeping up my cheeks. The heck! Kailangang maglakad ng nakahubo?

Tinakpan ko ang mukha ko ng comforter para pigilan ang sarili ko sa pagtili. My God! Why am I so lucky?

“Mandy, I thought you’re hungry?” I peeked at him at medyo nanghinayang ako kasi nakasuot na siya ng robe and a loose white cotton pants underneath. Hawak na din niya ang silk robe ko at isa pang cotton robe. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ng dalawang robe. Mga mayayaman talaga ang daming arte sa katawan.

Tumayo ako habang nakabalot ng comforter and took the robes from him then I realized na wala siyang binigay na underwear sa akin.

“Bakit walang underwear?” At talaga naman na inexpect ko na siya ang kukuha ng undies ko.

“Hindi ko alam kung saan nakalagay. And besides you won’t be needing it. Maliligo ka naman pagkatapos ng breakfast.” I scowled at him.

“I felt bare kung wala akong undies.” Sinuot ko ang binigay niyang robe sa akin at naglakad papuntang walk in closet.

The Gay Who Stabbed MeWhere stories live. Discover now