Chapter 46 (3/10/2015)

399K 9.2K 1K
                                    

46

Minsan, nakakalula ang kasiyahan. At sa sobrang saya mo, napapaisip ka kung ano ba ang kapalit ng sobrang kasiyahan na nararamdaman mo.  Dumadating pa nga sa point na takot ka na maging sobrang masaya dahil baka sobrang kalungkutan din ang kapalit so you suppressed that happiness. And that’s the sad part. Hindi mo hinayaan ang sarili mong maging masaya kasi takot ka sa magiging kapalit. Pero hindi ang kasiyahan ang magpapalungkot sa’yo kundi ang takot mo na maging malungkot. You are just being paranoid at sa pagiging paranoid pumapasok ang mga agam agam sa buhay that would result into insecurities and will eventually eat up all the happiness and joy in your life.

Yan ang malaki kong pagkakamali. Hindi ko nilubos lubos ang kaligayahan ko. Masyado akong natakot. Natakot na maging malungkot.

The first 2 months together at Paris had been wonderful. Parang hindi ako makapaniwala na may kakayahan akong maging ganun kasaya kasama si Alexis. I doubt that I could be that happy. And I regret doubting. I underestimated his capacity to make me happy. I underestimated him. That’s all.

Alam kong normal lang sa mga babae ang magselos. Normal lang din ang mainsecure. Pero hindi ko alam kung normal lang ba ang naging reaction ko.O nag over react ba ako. It just happened at hindi ko alam na ganun pala ang pakiramdam ng nagseselos. Nawawala ang tamang pag iisip. Hindi marunong makinig ng rason.Punong puno ng galit at panibugho at kung ano ano pang negative emotions ang damdamin.

Nangyari yun nung nasa Italy kami. May photoshoot siya. Sa loob ng dalawang buwan, sanay na akong sumasama sa kung saan saan. Ayaw niya akong naiiwan sa bahay mag isa.  Ang ginagawa ko, habang nagtatrabaho siya, nag iikot ikot ako.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagpahatid ako sa cab sa lugar kung saan sila nagphotoshoot. Dati pa naman niya akong niyayaya sa mga photoshoot at fashion events niya pero tumatanggi ako kasi ayaw kong makadistract sa trabaho niya. Alam ko kasing kapag andun ako, hindi maiiwasang pansinin niya ako, alagaan niya ako and people would wonder, they will be curious at ayaw kong pagkaguluhan. Hindi naman kasi alam sa trabaho niya na asawa niya ako. Bawal sa contract niya kaya ang alam ng mga kakilala niya girlfriend niya ako. Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong silipin siya na sana hindi ko na lang ginawa.

Nasa isang public garden ang photoshoot. And while watching him with his co-models doon ko  nalaman why he is one of the top paid models. Iba ang charisma niya at napansin kong hindi siya mahirap katrabaho. He is professional at napapansin kong hindi nahihirapan ang mga photographer at ang ibang katrabaho niya sa kanya. Mas pinapagalitan pa ang kasama niyang babeng model kasi palagi itong nagkakamali. Na realize ko din na hindi pala ganun kadali ang trabaho niya. Hindi biro ang tumayo sa gitna ang arawan at mag project hanggang sa makuha ng mga photographers ang shot na gusto nila. Gusto ko siyang takbuhin at pagyayakapin because I was so damn proud of him.

Pero bigla naalis ang magandang aura ko nung nag break sila and his co-model went to him. Nung una, kinausap lang siya nito but I gasped when she suddenly sat on his lap.

Naningkit ang mga mata ko. Kumulo ang dugo ko and I have this urge to strangle that woman. Pero ayaw kong ipahiya si Alexis kaya pinigilan ko ang sarili ko. Inisip ko na lang na trabaho lang ang lahat. I shouldn’t be jealous at isa pa, wala naman siyang ginagawa. Hindi naman siya ang naglalandi. Siya naman ang nilalandi.

Pero yun nga, bakit wala siyang ginawa?

At bago pa tuluyang nagdilim ang paningin ko, umalis na ako sa venue, pumara ng cab at nagpahatid sa hotel.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko hanggat hindi pa siya dumarating kasi ayaw kong datnan niya ako sa hotel na nakabusangot ang mukha. Ayaw kong pag awayan namin ang bagay na yun. Pero habang tumatagal, mas lalo kong naiisip, bumabalik sa isip ko ang pagkandong sa kanya ng babae, ang pagpulupot nito ng mga kamay sa batok ni Alexis. Kung gaano ito kakinis, kung gaano kahahaba ang legs, kung gaano ka perfect ang mukha. At kung gaano sila kabagay sa isa’t isa. My insecurity is eating me. Ayaw ko ng ganung feeling pero hindi ko mapigilan.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon