Chapter 2 (11/9/2014)

666K 12.9K 2K
                                    

Chapter 2

Nung una, nagtataka pa ako kung saang kwarto ako. Nagtataka pa ako kung bakit may nakapulupot na braso sa katawan ko. Later on, bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi at kaninang madaling araw.

I stirred a little para hindi ko siya magising tapos tumingala ako sa kanya. Napasinghap ako pagkakita ko sa mukha niya.

Ohh damn!

Napakaliwanang ng katotohanan na nakipag one night stand ako at isang malaking pagkakamali ang nagawa ko lalo pa at walang kaming protection pero…pero… kung ganito ang makikita mong mukha ng naka one night stand mo, baka hindi lang one night stand ang mangyayari.

Napakurap pa ako para siguraduhing tama nga ang nakikita ko. Na tama na sobrang pogi ng lalaking katabi ko. Parang anghel siya dahil himbing na himbing ang tulog niya. And from the light that came from the glass window nakikita ko kung gaano kakinis ang mukha niya. Parang wala siyang pores sa sobrang kinis. Nahiya naman ako sa kutis niya. Tapos kitang kita ko ang haba ng mga pilik mata niya. I wonder tuloy kung ano ang kulay ng mga mata niya. And then his lips, ay shit! Yan ba ang kahalikan ko kagabi? Mas mapula pa ata sa labi ko. Natutukso tuloy akong halikan siya ulit.

 Grabe!

Tiningnan ko pa siya ng ilang minute bago ko naalala na kailangan ko nang lumabas sa kwartong to. Dahan dahan akong kumawala mula sa pagkakayakap niya at dahan dahan ding tumayo. HInagilap ko ang mga damit kong nagkalat at dinala ang mga ito sa banyo. Naligo ako at nagbihis sa loob.

Paglabas ko sa banyo, tulog pa din siya kaya naman pinagsawa ko ulit ang mga mata ko bago ako lumabas ng kwarto.

Paglabas ko tahimik pa din ang mansiyon ng classmate namin. Oo, mansiyon talaga. ANg laki laki ng bahay nila.

Pumunta akong kitchen para san uminom ng tubig at doon ko nakita si Missy na nakasubsob sa dining table sa harap ng umuusok ng kape.

Naramdaman niya ata ang pagdating ko kasi iniangat niya ang ulo niya.

“Oi nakaligo ka na. Saan ka natulog? Hindi kita nakita kanina paggising ko.” ANtok na antok na sabi niya. O baka dahil a hangover.

“Uhmmm..sa—sa guestroom din. Pero nauna lang akong magising at lumabas para magpaalis ng hangover tapos naligo ako para mahimasmasan.” Tumango tango si Missy.

“Grabe ang sakit ng ulo ko. Ano ba ang ininom natin kagabi?” Reklamo pa niya sabay kuha ng kape.

“Ewan ko din.” At tumalikod akko at pumuntang coffee maker na may nakasalang nang kape. Kumuha ako ng cup at naglagay ng kape.

Oo hindi ko alam ang ininom ko kagabi kaya nangyari ang mga nangyari.

“Tulog pa sila. Hintayin na lang nating magising sila.” Mahinang sabi pa din niya sabay subsob sa dining table ulit.

“Mauuna na ako. Uuwi pa ako sa amin remember?”

“Oo nga pala. Sige.”

Inubos ko ang kape ko at nagpaalam na kay Missy na mukhang nakatulog na ulit. Kinuha ko lang ang bag ko na nasa guest room at lumabas na ako ng mansion.   Pagkauwi ko sa bahay parang wala lang nangyari sa akin. Parang hindi lang ako nadivirginized. It’s not that it is not a big deal to me. Sino ba namang babae ang hindi nagpapahalaga sa kanyang pagkababae pero kasi ano pa ba ang magagawa ko, nangyari na ang mga nangyari. And it’s ironic na hindi ko pinagsisihan ang mga nangyari.

Kaya naman kinalunesan sa school, normal na ulit ang buhay ko. Pero hindi ko pa din maiwasan ang ma curious sa pagkatao ng lalaking naka one night stand ko.

Pero nawala ang pagkanormal ng araw ko kinahapunan. Break time namin nun at tumambay kami sa cafeteria para mag meryenda nung nagcomment si Missy.

“Sayang siya.” Napatingin ako bigla sa kanya.

“Sinong sayang?” Baliwala namang tanong ko habang kumakain ng spaghetti.

“Siya.” Napilitan akong sundan ang tingin ni Missy at muntik na akong mapatago sa ilalim ng mesa nung makita ko kung sino ang tinitingnan niya.

Siya iyong…guy.

“Grabe ang pogi niya. Sayang talaga. Baaakeeet? Baket siya bading?” Malungkot na sabi ni Missy. Nakapout pa ang bruha.

“Sino ang bading?” May kasama kasi si guy na dalawa pang guy din.

“Sino pa ba? Eh di ang kasama nina Barbie at Chelsea. Yung nakablue. Ahhhh….lahat naman sila bading. Bakit ba ang mga pogi ngayon nagiging bading? Papaano dadami ang magagandang lahi niyan?” Umingos pa siya.

“Sigurado ka?”Napapalunok na sabi ko.

 “Oo naman. Siya kaya ang nanalo as Miss Engineering.” Napalunok ulit ako. Hindi ko matanggap. Parang masusuka ako. Naalala ko ang klase ng halik na pinagsaluhan namin. Ang mga yakap, ang mga haplos. Ohh my God! Pakiramdam ko nag iinit ako maisip ko pa lang ang mga yun.

Tapos ngayon ito ang malalaman ko? Parang hihimatayin ata ako.

“Paano siya nakilala?”

“Classmate ko siya sa isang subject. Remember yung isang subject na hindi mo kinuha?” Nakapangalumbabang sabi ni Missy.

“Hi Missy! Hi Mandy” Bati ni Barbie sa amin nung malapit na sila.

“Hi Barbie, hi Chelsea, hi Lixie!” Ganting bati ni Missy.

Ako nakatulala lang habang nakatingin sa kanila. Lalong lalo na kay Lixie.

The guy este…the gay who stabbed me. 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon