Chapter 32 (3/1/2015)

449K 9.4K 622
                                    

32

Makasandal ako sa balikat niya habang sakay kami ng kotse papuntang OB. Sinundo niya ako sa school kasi nga magpapacheck up ako.

“Matulog ka lang.” Sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko. Lalo tuloy akong naantok. Kanina pa ako inaantok sa totoo lang. Habang nasa klase ako, antok na antok ako at hindi ko alam kung dahil ba sa pagbubuntis ko o dahil sa maaga kaming nagising.

Hinapit niya ako lalo palapit sa katawan niya para maging komportable ako and I nuzzled on his neck inhaling his muscular scent. Napangiti ako.

“Pinaglilihian ko ata ang amoy mo.” I heard him chuckled. Sininghot ko siya ulit. Bakit ba bangong bango ako sa kanya.  

“Kapag umalis ka na, mag-iwan ka ng damit mo na hindi nalalabhan ha, para may aamuyin pa din ako.” I felt him tensed up dahil sa sinabi ko. Hindi ko yun pinansin, I remained nuzzled on his neck but the truth was, naninikip ang dibdib ko.

“Kelan ba ang alis mo?” Tanong ko sa kanya. Kahit masakit malaman na aalis din pala siya, gusto ko pa din malaman para kahit papaano, maihahahanda  ko ang sarili ko.

“Two days from now.” Mahinang sabi niya. He stopped playing my hair with his fingers. Lumayo siya kunti sa akin at hinawakan ang baba ko and he tilted my chin kaya nakatingala ako sa kanya at nagkatinginan kami.

“ I don’t want you to feel sad.”

“Can I stop myself from feeling that way? Gusto ko man sanang di malungkot pero nalulungkot pa din ako.” He sighed and lowered his head before he gently captured my lips. Napapikit ako. His kiss is deliberately slow na para bang inaalis niya ang kalungkutan ko sa pamamagitan ng halik niya. I answered his kiss. Hindi ko akalain na may ganun klaseng halik pala. Buong akala ko kasi ang halik ay nagiging daan for physical intimacy and I never thought that a kiss could be emotionally uplifting.  Pakiramdam ko habang tumatagal ang halik niya mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko.

“Je t'aime, Mandy.” Mahinang sabi niya when he ended the kiss. Nakasandal ang noo niya sa noo ko.  His words touched my heart. Ilang beses ko nang narinig ang salitang yan sa kanya simula nung kinasal kami pero hindi ko alam kung bakit kakaiba ang dating ngayon. It sounds so romantic and so suave coming from his lips. Dahil siguro sanay siyang magsalita ng French.

“I love you too.” He gave me a brief kiss before he hugged me at pinasandal ulit sa balikat niya and I found myself dozing off. Nagising na lang ako nung nakarating na kami sa clinic ng OB Gynecologist. 

The OBGyne conducted a physical exam pagkatapos sinabi sa amin ang mga dapat namin e-expect at mga dapat namin gawin bilang mga magulang. Binigyan na din ako ng reseta ng mga vitamins na kailangan kong inumin araw araw. Natuwa ako sa enthusiasm na pinapakita ni Alexis. Mas madami pa siyang tanong kaysa sa akin. Mas excited pa siya. Sa huli, binigyan ako ng lab request for an ultrasound at kailangan namin bumalik after a week dala ang ultrasound request.

We’ve decided to dine outside pagkatapos namin manggaling sa OB dahil gabi na rin. Pagkatapos umuwi na kami.

“Pinalipat ko na ang mga gamit mo sa Master’s bedroom.” Sabi niya nung pupunta na sana ako sa guestroom.  Hindi na ako nagreklamo, kasi gusto ko rin naman. And besides I want to be near him as much as possible lalo na at malapit na siyang umalis. I wanted to cherish the moment that we’re still together kasi matagal tagal pa bago siya bumalik.

Sabay kaming umakyat papuntang Master’s Bedroom habang nakaakbay siya sa akin.

“Maliligo lang ako.” Sabi ko sa kanya pagkapasok namin sa kwarto.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon