Chapter 8 (12/9/2014)

473K 11.7K 1.1K
                                    

8

Pinapaypayan ko ang sarili ko ng daliri ko. habang nakaupo sa passenger seat ng kotse niya dahil hindi ko na kayang I contain ang kilig ko. Tapos tumingin ako sa kanya na nagtatakang nakatingin sa akin at sa ginawa ko. At pagkakita ko ng mukha niya pigil na pigil ang tili ko  at mas lalong binilisan ang pagpaypay sa mukha ko.

Ngayon lang ako kinilig ng ganito at hindi ko kayang itago.

Kung tutuusin nga, it was just a peck on the cheek. Mas malala pa ang ginawa namin ng ilang beses na pero ang simpleng gesture niya hays...nakakaewan lang.

"Naiinitan ka?" Nagtatakang tanong niya tapos inabot ang control ng aircon at pinalakasan. Wahh! He is such a gentleman. Grabe. Confirmed! Hindi talaga siya bading. Pero bakit siya nagpapanggap ba bading? Ayaw ko namang itanong kasi baka, ipilit na naman niya na bading nga siya tapos, mapipilitan din akong patunayan sa kanya na hindi. Ayaw ko pang magkaroon kami ng scandal sa parking lot ng school. Hindi muna ngayon, next time na lang.

"Hindi."

"Bakit mo pinapaypayan ang sarili mo?"  

"Kasi...kasi...parang mahihimatay ata ako." Pumikit ako at sumandal sa headrest ng kotse. Hindi ko talaga macontain ang kilig na nararamdaman ko. Impit akong tumili ulit. Then I opened my eyes at tumingin sa kanya. And again I swooned at hindi ko na napigilan ang sarili ko.  Excited na excited akong nagsalita.

"Grabe!! Alam mo yun? Ang sweet sweet mo! Agghhh! I'm dying already." Tapos hinawakan ko siya sa braso at niyugyog.

Nung magsawa na ako kaka shake sa kanya, tumigil na ako at tiningnan ko siya. Ngumingiti lang siya and amusement is written all over his face. Ngayon lang ata siya nakakita ng babaeng kinikilig ng dahil sa kanya.

"Ikaw ba hindi kinikilig?" Ngumiti lang siya ng tipid. Demure na demure na ngiti at doon lumabas ang isang dimple niya sa kaliwang pisngi na ngayon ko lang napansin. Saglit lang yun, just a glimpse pero kitang kita ko pa din. Napaka rare ng moment. Parang eureka! Omaygad!

Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sa kanya. Tapos hindi pa ako nakuntento, hinawakan pa ng dalawang kamay ko ang pisngi niya at talagang tiningnan ang left cheek niya.

"May dimple ka dito." Amuse na amuse na sabi ko sabay tusok sa bahagi kung saan ang dimple niya. Napangiwi siya sa ginawa ko.

"Seriously, hindi ko talaga akalain...Hays... Alam mo Alexis, you are so ideal. Ikaw na talaga ang ideal man ko. Imagine, super pogi mo na, ang yaman mo pa, gentleman ka pa, not to mention..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko pa kasi nakakahiya na. Pero gusto ko sanang sabihin na you know, ang galing pa niya sa ano...sa bed. Pero siyempre, mahinhin siyang bading este lalaki kaya baka maeskandalo. Pero swear yun talaga ang nasa isip ko.

"Hindi mo pa ako kilala Mandy." Seryosong sabi niya. Nag pout ako.

"Kilala na kita at alam kong lalaki ka. Everything else doesn't matter. Kung ano man ang rason mo kung bakit ka ganyan, wala na akong pakialam. Basta sa puso ko alam ko ang tunay na ikaw. Naiinlove na ata ako sa'yo. Di ako makapaniwala na ganito ako kabilis mainlove Alexis." Madamdaming sabi ko at halos hindi ko na din mapigilan ang sarili ko sa pagsasalita. Ganito pala ako kapag kinikilig. Non stop ang bibig.

"Amanda..."

"At susuportahan kita kung ano man ang gusto mo. Kung gusto mong magpakabakla sa harap ng lahat, I will support you. You cann let them all believe that you're gay pero hindi mo na ako mapapaniwala sa ganun ka nga. Ang hinihiling ko lang, sana kapag dalawa na lang tayo, magpakatotoo ka." Dahil pakiramdam ko at this point, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Bumuntonghininga siya. Parang resigned na siya sa mga nangyayari.

"Okay Amanda, let's try." Mahinang sabi niya. Naguluhan ako bigla.

"Try what?" Ano pa ba ang hindi namin natatry?

"Let's try to be together." Seryosong sabi niya. Napanganga ako. Is he proposing? I mean, sinasabi ba niya na maging kami na? I blinked plenty of times.

Seriously? Seriously! Seriously...

Dahil sa sinabi niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko na din nagawang magsalita. I just  threw myself at him and hug him tight. Hindi naman ako nabigo dahil niyakap din niya ako.

I cannot contain my happiness. Pakiramdam ko sasabog ako. I never thought that I'd be this happy. Na ang isang gabi na akala ko isang pagkakamali ay magpapasaya pala sa akin ng ganito.

Then a realization hit me. I am not only challenged dahil bakla siya. Hindi lang ako napopogian sa kanya or because I find his dimples cute. Hindi lang ito isang crush or infatuation. God forbid...

..I'm in love.

The Gay Who Stabbed MeWhere stories live. Discover now