Chapter 15 (1/6/2015)

524K 11.3K 1.3K
                                    

Chapter 15

“Amanda!” Itinakip ko ang unan sa tenga ko para di ko marinig ang tawag ni Mama. Nakakainis. Ang aga aga. Bakit kailangan niya akong gisingin? Di ba pwedeng tanghaliin ako ng gising kasi sembreak naman na at wala naman akong pasok?

"Amanda gumising ka na!” I groaned.

“Mama, wala kaming pasok. Pwede mamaya na ako gumising? Ang aga pa eh.”  Reklamo ko pa.

“Bahala ka ngang bata ka. Pag si Lexie nainip sa kakahintay sa’yo sa baba at iniwan ka,ikaw rin, di ka makakarating ng Palawan.” Sabi ni Mama and I heard her footsteps at ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Then it slowly dawned on me.

Ngayon na ba yun? Yung sinabi niyang pupunta kaming Palawan?

Bigla akong napabalikwas ng bangon. At bigla akong nahilo sa ginawa ko. Naalog ata ang utak ko.

Tapos bigla akong tumalon pababa sa kama at lumabas ng kwarto para silipin kung nasa baba nga si Alexis.

And indeed, he is sitting on our sofa.

“Kanina ka pa?” Tanong ko agad sa kanya kahit na di niya ako nakikita kasi nakatalikod siya sa stairs.

Napalingon siya sa akin at napanganga.

“Bakit?” Nangunot ang noo ko. Saka naman lumabas si Mama na may dalang kape para kay Alexis.

“Susme Amanda! Bago ka nga lumabas ng kwarto mo, magbihis ka muna! Papaano kung lalaki ang bisita mo.” Sabi ni Mama. Eh lalaki naman talaga…

Tapos tumingin ulit ako sa reaction ni Alexis. Nakatingin pa din siya sa akin kaya naman napatingin ako sa sarili ko. Nakaloose white spaghetti strap na shirt  lang ako at sobrang iksing cotton short. Labas ata ang singit ko. And worst wala akong bra at manipis ang damit ko.

Pagtingin ko kay Alexis, hindi pa din siya nakakarecover. Kaya naman pinandilatan ko na. Mahirap na baka mahalata nina Mama. Tsaka lang siya umiwas ng tingin sa akin at kinuha ang kape na nilagay ni Mama sa harap niya at ininom.

Nabilaukan pa siya kasi inubo.

“Okay ka lang ba Lexie? Naku mainit talaga yang kape kasi kakakulo lang ng tubig.”

“Okay lang po ako Tita. Medyo napaso lang ang dila ko, pero okay lang ako.” Lihim akong napangiti. Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto.

 “Nabighani ka na naman sa alindog ko bakla?” Nangingiting sabi ko pero sinabi ko yun for the benefit of my mother dahil pag nabuko nito si Alexis na hindi bakla, babawiin niya ang pagpayag niyang sumama ako dito. At ayaw kong mangyari yun.

“Hoy Amanda! Malelate na kayo.” Napatingin ako sa wallclock namin at bigla akong nataranta. 5:30AM na at ang flight daw namin papuntang Palawan ay 6:30AM. Pag di pa ako gumalaw ngayon, malamang malelate na kami.

At dahil dyan tumakbo ulit ako pabalik sa room ko at dumiretso sa banyo at tiniis ang malamig na tubig kasi wala na akong oras para timplahin ang shower.  

Mabilisan akong naligo at nagbihis tapos pinatuyo ang buhok ko ng madalian. I am so thankful na inayos ko na ang mga gamit kong dadalhin sa Palawan days ago kaya hindi ko na kailangang mag panic sa pagliligpit.

Kinuha ko lang ang body bag ko at ang maliit kong maleta, tsaka ako lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siyang kakatok sana sa pinto ng kwarto ko.

“Pinaakyat na ako ng Mama mo.”

“Ito na nga, nanginginig pa.” Nakangiting sabi ko.

Kinuha niya ang maleta ko at siya na ang nagbitbit pababa.

“Wag kang masyadong magpapakagentleman, baka makahalata si Mama.” I giggled beside him sabay kapit sa braso niya.

“Kaya wag kang masyadong magpapaganda kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita sa pamamahay niyo.” Seryosong sabi niya pero ang lakas ng dating sa akin. Pakiramdam ko nahulog ang matris ko. Ganito ba to sa madaling araw?

“Mamaya, paglabas na paglabas ng bahay.” I said suggestively. Pero hindi na niya ako nasagot dahil hinarap na kami ni Mama at nagpaalam na kami sa kanya. Hindi na kami nagpaalam kay Papa kasi tulog pa daw ito.

Pero hindi nangyari ang halik na inaabangan ko paglabas namin ng bahay.

“Saan na yung halik mo? Naiwan ata sa loob?” Tanong ko pagkasara na pagkasara ng pinto ng bahay namin.

“Pagpasok sa kotse. What would your Mom say, if she saw us making out on her doorstep?” Sabi niya. Kinilig ulit ako. Shit kang bakla ka!  

“Pinagplanuhan mo talaga?”

“Hindi. I just thought of it, when I saw you a while ago in your scanty shirt and short.” Pakiramdam ko nagbablush na ako. Bakit parang naging sobrang frank naman ata ngayon nitong si Alexis?

“You got turned on?” I teased him when he opened the door for me. Umupo ako na nangingiti. Para na akong baliw. Nababaliw na ako kay Alexis.

“You have no idea.” Walang emosyon pa ding sabi niya sabay sara ng pinto at umikot sa may driver’s seat. I cannot help my grin and the anticipation that he’s going to kiss me once he’s inside the car.

Pero hindi pa rin yun nangyari. Pinaandar niya agad ang kotse pagkapasok niya to my disappointment.

“Paasa lang?” Reklamo ko kasi palabas na kami ng subdivision namin pero wala pa din ang halik na sinasabi niya.

“What would your parents say if we stayed parked in front of  your house for a long time? And besides Amanda, with my state I wouldn’t be contented with just a smack or with just a kiss.” Wait! Wait! Bakit biglang naging vocal naman ata ng lalaking ito?

Pero naisip ko na tama din siya. With my state, I also wouldn’t be contented with a just kiss. O sige na nga palalampasin ko na to.

“Bakit nga ba aalis tayo?” I diverted the topic. Ang alam ko lang kasing rason, gusto niyang kasama akong magbakasyon sa resthouse daw niya sa Palawan. Siyempre, gusto kong sumama kasi gusto kong makarating din sa Palawan but aside from that, gusto ko talaga siyang makasama. Pero gusto kong malaman kung bakit kailangan niya akong isama sa bakasyon niya.

“Gusto kitang dalhin dun dahil maganda dun at alam kong mag e-enjoy ka. And besides, I want you to feel that you’re really my girlfriend. Sa school, may mga bagay akong gustong gawin na hindi ko pwedeng gawin dahil maraming makakakita. I wanted to give you flowers but I can’t. I wanted to kiss and hug you in public but I can’t. And I want to do all those things. I will take you there because in that place we don’t need to pretend,  we can be ourselves. I can love you freely.” Lumukso ata ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko, maiiyak pa ako. My God! Gusto kong paypayan ang sarili ko dahil sa kilig. Bakit ganito siya?

Hindi ako nakapagsalita agad agad. Ninamnam ko muna ang mga sinabi niya and I smiled broadly at myself. You’re one lucky woman Amanda. Sino ang mag aakala na masisilo ng ganda mo ang isang bakla? Isa kang legend. Isa kang henyo! You are simply amazing.

I wasn’t able to stop myself. I grinned like crazy when I turned to him.

“Alam mo, you have this knack of making me squirm just by your words.” I said frankly, still grinning from ear to ear.

“Stop Mandy, You’re fuelling the fire.Don’t worry, will have a fill of each other  once get there.” He said seriously. As if he’s just talking about buying a candy. But his words have a different effect on me.

And the word ‘fill’ brought images into my mind. Images of him and me naked in a bed, in a hammock, on the beach, in a kitchen counter and even on top of a large rock. Images of him filling me completely.

Pakiramdam ko biglang nag init ang loob ng kotse.  I bit my lower lip because of the lewd and passionate images my mind is conjuring. Nagiging manyak na ba ako? Napatingin ako sa kanya at sakto namang napatingin siya sa akin. Our eyes locked and…

I swallowed hard. 

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon