Chapter 22 (2/9/2015)

367K 10.8K 2.1K
                                    

22

Nagmamadali ako at kung kelan pa ako nagmamadali saka pa ang daming aberya. Katulad ngayon, ni hindi ako makapasok sa subdivision nila Alexis. Tatawagan daw kasi muna ang bahay nila Alexis kung kilala nila ako bago ako makapasok.

“Kuya kilala nga ako ni Alexis. Sige, tawagan mo, bahala ka.” I said sulking.

“SOP lang po Ma’am. Pasensiya na po.” Apologetic naman na sabi ng guard.  

“Okay.”

“Ma'am Mandy!” Napatingin ako sa kabilang kotse na papasok at nakita ko si Kuya Nestor yung driver na sumundo at naghatid sa akin sa bahay ni Alexis.

“Manong ayaw niya akong papasukin.” Parang bata na sumbong ko sa driver.

“Okay na yan Sir. Asawa yan ni Sir Alexis.” Manong Nestor vouched for me which I am very grateful.  

“Ganun po ba? Ay naku Ma’am pasensiya na po. Hindi po kami nasabihan.”

“Okay lang po.” At pinapasok na ang kotse ko. Sumunod ako sa kotse na dinadala ni Manong Nestor  kaya wala ng tanong tanong at nakapasok agad ako sa mansion nila Alexis. Bakit ba ganito kalaki ang bahay nila samantalang wala namang halos tumitira. Ang mga mayayaman talaga kung makapag tapon ng pera.

Pagkapasok ko sa bahay nila, binigyan agad ako ng meryenda ng isang maid.

“Manang si Alexis po?” Tanong ko sa katulong na naghatid ng meryenda ko.

“Si Lexie po?”

“Opo.”

‘Saglit lang at tatawagin ko.” Umalis na siya at umakyat para ata tawagin ang amo niya. Excited ako na kinakabahan. Nawala bigla ang inis ko sa kanya at nakalimutan ko na may atraso siya sa akin. Mas nangibabaw ang pagkamiss ko sa kanya.

Uminom ako ng juice na ibinigay sa akin kasi parang nanunuyo ang lalamunan ko. Kulang na lang akyatin ko siya sa kwarto niya kasi natatagalan ako. Bakit ba ang tagal niyang bumaba?

Tumingin ako sa hagdan pero wala pa din bumababang Alexis. Hindi na talaga ako mapakali.

“You’re looking for me?” Napatingin ako bigla sa nagsalita. He emerged from the sitting room. Gumamit ata siya ng elevator.

“Alexis.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko at nagtaka ako. Something is wrong with him. May iba sa kanya. Not physically though.

Iba ang klase ng tingin na binibigay niya sa akin. Wala na yung tenderness na nakikita ko everytime he looked at me. Ngayon nakataas pa ang kilay niya. Pero ganun pa din naman ang itsura niya. Wala namang nagbago.

Tumigil siya malapit sa akin at tinitingnan pa din ako.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na dumating ka na pala? Kung hindi pa sinabi nina Chelsea sa akin, hindi ko pa malalaman. Dapat mamaya pa kami pupunta dito but I can’t wait. I am so excited to tell you the news.” Naramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko. Naiiyak na naman ako. Gahd!

“Alexis, I’m pregnant. Magkakaanak na tayo.” I blurted out at the same time fighting the urge to cry. Bumili kasi ako kahapon ng PT kasi isang buwan na akong delayed at kanina ginamit ko ang kit and it’s positive.

Nagulat ako siyempre pero naisip ko, kasal naman kami ni Alexis kaya wala akong dapat ikatakot. And besides pagdating niya magsasabi naman siya sa parents ko. Kaya naman ang takot ko nawala at bigla akong naexcite.

Kaya agad agad akong pumunta dito because I can’t wait to tell him the news because I am sure that he’ll be ecstatic.

“What!?” He shrieked. Nanlalaki ang mga mata niya.

“What are you talking about? Anong magkakaanak na tayo? Nababaliw ka na ba?” Hindi makapaniwalang sabi niya.  

“Alexis…” But he stopped me. He motioned me to stopped talking with his hands at hinilot hilot ang ulo niya.

“Don’t call me Alexis! Anong pakialam ko sa pagbubuntis mo? At sino ka ba?” And that enraged me. Anong sino ako? Anong walang pakialam sa pagbubuntis ko? Pagkatapos ng lahat? Nagpunta lang siyang Paris nagka-amnesia na siya?

“Anong sino ako? Pagkatapos mo akong buntisin, who u ako sayo? Anong klaseng trip to Alexis? Itigil mo yan dahil hindi ka na nakakatuwa!” Naiinis na ako. Anong klaseng kadramahan itong pinaggagawa niya? 

“Hindi ka rin nakakatuwa. I don’t know you. If this is a prank you better stop or else I will be forced to call security para ipakaladkad ka palabas ng village. At sino ba ang nagpapasok sa’yo dito? Manang!!” Mataray na sabi niya. Nalito ako lalo. Naguluhan ako sa mga nangyayari kasi based on his expression, hindi siya nantitrip o nagpapanggap lang. Talagang hindi niya ako kilala.

“Lexie…” I heard someone called from behind me. The voice that was so familiar my heart automatically clenched. Parang ayaw kong lumingon but my curiosity got the better of me. Dahan dahan akong lumingon sa may pinto kung saan nanggaling ang boses and my breathing hitched.

Our eyes met and the shock that registered on his face mirrored mine.

“Kuya…akala ko ba bukas pa ang dating mo? Teka, Kilala mo ba siya? Buntis daw siya at ako daw ang ama. Mahabanging langit!” I barely heard the hysterical voice of Lexie because I was so busy looking at the guy in front of me.

“Amanda..” I heard him whisper. Hindi ako makagalaw. Ni hindi ako makareact.

Anong kalokohan ito?

“Mandy, let me explain.” Lumapit siya sa akin and I didn’t do anything. I was too numb to react. Ni hindi ko naramdaman ang sarili ko. Para akong nag out of the body experience at pinapanood ko lang ang mga nangyayari sa paligid ko.

“Who are you?”

I heard myself say.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon