Chapter 4 (11/19/2014)

612K 12.5K 2.2K
                                    

Chapter 4

Naningkit ang mga mata ko pagkakita ko kay Alexis at sa kasama niyang lalaki. Kung pwede pa lang na umusok ang ilong ko, nangyari na lalo na at sobrang lapit nila ng lalaki habang nakaupo sila sa quadrangle.

Pangiti ngiti pa sila habang nag uusap at may pahimas himas pa si Alexis ng kanyang mukha. Nagbablush ata ang bakla! Bwisit! Hindi ko pa siya nakitang magblush kasi madilim nung may nangyari sa amin. Mas nauna pang nasaksihan  ng lalaking iyan ang pagbablush niya.

Hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila kasi malayo sila sa akin, but how I wish na marinig ko para kung sakali mang landiin siya ng lalaking yan pwede akong humarang.

Ngumuso nguso kasi dahil sa frustration na nararamdaman ko. At nag isip din ako kung ano pa ba ang gagawin ko para mapatunayan na hindi bakla si Alexis? Kahit ang pagtawag sa kanyang Lexie, hindi ko carry.

Kaya ngayon ito ako at iniistalk siya para maghanap ng kaunting ebidensiya na lalaki talaga siya kasi hindi talaga matanggap ng katauhan ko na hindi siya lalaki. Maalala ko pa lang ang mga nangyari, todo tanggi na ang ovary ko.

Pagkatapos ng mahaba habang paglalandian ahmm.. pag uusap nila ng lalaki may kinuha si Alexis sa bag niya. Take note, hindi knapsack ang bag niya kundi pang girl na bag. Tapos nilagay niya sa harap ng lalaki ang dalawang bote ng hindi ko alam kung ano dahil nga malayo ako. Pabango bay un? After shave? Lotion? Cologne? Mouthwash? Hindi ko alam. Pero nainis ako bigla. Kailangan ba talagang suhulan niya ang mga lalaki para lang mapalapit siya sa mga ito?

Bakit kasi mas gusto niya ang mga lalaki? Pwede namang babae na lang ang gustuhin niya.

At mukhang dininig naman ang panalangin ko dahil kinabukasan, nakita ko ulit si Alexis sa library. Oo na! Hindi na nakita. Sinundan ko siya sa library at nakita ko siyang naupo sa  pandalawahang table sa medyo tagong bahagi.

Maya maya pa, may dumating na isang babaeng estudyante. At hindi lang basta basta babae. Siya lang naman ang reigning Miss Campus 2014. Ang kagandahan niya, pwede ng panlaban sa Binibining PIlipinas. Pero kung sasali si Alexis sa Super Sireyna, malamang mas maganda pa siya kesa dyan kay Miss Campus 2014.

Kaya naman kahit na naninibugho ang damdamin ko lalo na nung tumayo si Alexis para salubungin ang babae at makipagbeso ditto hindi ko ininda yun. Kasi mas mabuti nang babae ang nilalandi niya kesa sa lalaki. At least kung babae, may pag asa pa akong maagaw siya.

Sobrang lapit nila ng babae at nagngingitian pa sila. May pa tapik tapik pa sa braso niya ang babae. Gusto ko tuloy ihampas ang babae sa mga encyclopedia. Hmp!

Pero bakit ba ako nagngingitngit? Para naman akong nagseselos nito. Hindi naman ako in love kay Alexis. Gusto ko lang naman na magkaroon ng hustisya anf nasirang hymen ko.

“Mandy!” Malakas na tawag sa akin ni Missy. Napapikit ako ng mga mata lalao na at ang daming lumingon dahil sa pag iingay ng kaibigan ko. AT ng tingnan ko nga si Alexis at ang babae, nakatingin sila sa akin tapos umiling at nag usap ulit.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon