Chapter 7 (12/6/2014)

507K 12.1K 1.7K
                                    

7

“Bakla!!!Namiss kita ng bongga!” Tili ko habang tumatakbo sa cafeteria papunta sa table nina Missy, Chelsea, Barbie at Alexis. At nung makarating na ako sa table nila, walang kaabog abog kong niyakap si Alexis sa likod sabay amoy amoy ng buhok niya. Grabe, ang bango bango niya.  Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya at ang pagkailang dahil sa ginawa ko kaya naman binitiwan ko na siya yayakapin ko na din sana si Chelsea sa likod nung pinigilan niya ako.  

“Ay wag mo akong I back hug girl. Hindi tayo koreanovela at lalong di tayo talo. Beso na lang.” Maarteng sabi ni Chelsea. Nagpout ako pero nagbeso na din ako sa kanilang tatlo. Hmm… Kita mo tong si Chelsea, ito talaga ang full pleadged bakla kasi kahit sa  back hug ng babae nandidiri. Pero si Alexis…hindi lang back hug ang nagawa ko sa kanya. I therefore conclude ma kaya pang I convert itong si Alexis.

Pagkatapos ko silang batiin lahat, tumabi talaga ako kay Alexis kahit na malaki ang space sa tabi ni Missy.

“Dito o maluwag.” Sabi ni Missy nung nakitang sinisiksik ko si Alexis.

“Gusto ko dito.” Nakalabing sagot ko kay Missy. Umusog naman si Barbie kaya nabigyan ako ng space sa tabi ni Alexis. Nung nakaupo ako, tiningnan ko si Alexis at tahimik lang siya pero kitang kita ko ang pamumula niya.   

“Wala na nahawa na sa kabaklaan niyo si Mandy. Hyper ka ata girl.” Puna ni Missy dahil nga ang hyper ko ngayon lalo na at paminsan minsan nadidikit ang braso ni Alexis sa braso ko. Gustong gusto kong yakapin ang mga brasong yun at sumandal sa kanya.

“Kasi katabi ko ang crush ko na may pangalang…dyaraaaaaaaaaaaann! Lexie.” At ang laki ng ngisi ko habang nakatingin sa kanya. Pulang pula na ang pisngi niya. Pero lalo akong natawa sa kanyang reaction.

“Yuck! Kadiri ka Mandy.” Sabi ni Missy. Ngumiti ako ng lihim. Kungalam mo lang Missy. Kung alam mo lang.

Pero natawa ako nung makita ko ang reaction nina Chelsea at Barbie. Parang masusuka na silang dalawa. Nakangiwi na at diring diri. SI Alexis, hindi makatingin sa akin at demure lang na kumakain Hinayaan ko na lang siya hanggang sa makatapos kaming kumain lahat.

Naglakad kami papunta sa mga next subjects. Mabuti na lang dadaanan na lang namin ang room ko bago makarating sa building nila kaya sabay pa din kaming naglakad. Kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon. Katabi ko si Alexis habang naglalakad kami at nakakapit ako na parang linta sa braso niya.

“Ikaw kung makadikit ka kay Lexie.” Sabi ni Missy nung lumingon siya sa amin. Tumawa ako ng mahina pero mas lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa kanya.

“Bakit ba? Eh namimiss ko siya eh. Kiss mo nga ako bakla!” Nakangiting sabi ko sabay tingala kay Alexis. But his face remains impassive. Walang reaction except sa pamumula niya. That’s why I love teasing him. He’s so gullible.

“Hays, nakakadiri ka Mandy.” Dagdag pa ni Missy.  Ngumisi lang ako habang nakatingin pa din kay Alexis. Pero ni hindi niya ako tiningnan.

“Ay ayaw akong ikiss. Hindi mo na ako love.” Nakapout na sabi ko.

“Landi landi nitong si Mandy. Pati si Lexie hinaharot.” Natatawa na nandidiri na sabi ni Barbie. Pero hindi ko sila pinansin. Nakatingin lang ako kay Alexis.  

“Hindi niya kasi ako love. Magtatampo ako in 5…4…3…” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Alexis. Nagulat nga ako kasi ang tahimik niya kanina.

“Mandy…” He just called my name but it already shut me up. Ano ba ang meron sa lalaking ito at ang lakas ng epekto niya sa akin. At kahit hindi niya sabihin ang gusto niya, alam kong gusto niyang tumigil na ako.

Kaya naman tumahimik na lang ako at naka pout hanggang sa dumating ako sa building namin kung saan ang room ko. Nagpaalam na ako sa kanila pero bago ang lahat, tiningnan ko muna ng masama si Alexis.

Hindi naman talaga ako naiinis, gusto ko lang malaman ang reaction niya sa naging reaction. Pero wala. Ni hindi siya tumingin sa akin.

Kaya naman laking gulat ko nung makita ko siya sa last period ko. 9PM nay un at sa pagkakaalam ko, hanggang 5PM lang ang klase niya.

“Hi!” Bati ko sa kanya nung lumabas na ako ng room.

“Sabay na tayo.” Deklara niya. Ni hindi man lang niya tinanong kung may sarili akong kotse o baka naman alam na niyang coding ako ngayon.

Hindi ako nagsalita. I just shrugged my shoulder at naglakad. Sumabay siya sa akin at tahimik din siya.

Pero kahit na, kinikilig pa din ako sa idea na naghintay siya sa labas ng room ko at hinintay ako. Ngayon pa lang parang hihimatayin na ako, pinipiguilan ko lang ang sarili ko. Pero ang totoo, gusto ko na siyang yakapin ang paghahalikan dahil sa kasweetan niya.

Nung malapit na kami sa kotse niya, binuksan niya ang pinto pero bago pa ako makapasok sa kotse  nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinalikan sa pisngi at nagmamadaling umikot papuntang driver’s seat.

Hindi ako agad nakagalaw. Napatulala ako not sure what exactly happened. And when it dawned on me,hindi ko napigilan ang sarili ko.

I hyperventilated

The Gay Who Stabbed MeWhere stories live. Discover now