Chapter 21 (2/9/2015)

421K 9.7K 1.1K
                                    

21

“I’m dying.” I muttered to myself while lying on my bed. Pakiramdam ko talaga mamamatay na ako dahil sa sobrang pagkamiss kay Alexis. Ilang araw na ba ang nagdaan? 3 days? Pero sobrang miss ko na siya kahit na araw araw naman siyang tumatawag. Kahit na nagsaskype kami every night. Pero iba pa din kasi na magkasama kami, na magkatabi kami sa higaan, na nayayakap ko siya. Ito na ba ang tinatawag nilang obsession?

Kaya naman kahit 10AM na, nakahiga pa din ako sa kama at nalulungkot. Mabuti na lang at wala akong pasok pag Wednesday.

Kinuha ko ang phone ko and typed a message.

‘I miss you so much.’ Then I send it to his roaming number. Anong oras na ba ngayon sa Paris? I check on the world time in my phone. 3AM. Nanlumo ako lalo. I’m sure tulog na yun. 

Dumapa ako sa kama at niyakap ang isa kong unan at pinanggigilan. Ganito pala kahirap ang long distance relationship. Nakakamatay ang pangungulila No wonder madaming nasisirang LDR. Pero hindi naman kami darating dun kasi babalik naman siya 4 days from now.

Just then I felt my phone vibrate at nagulat ako nung makita ko kung sino ang caller. Nataranta ako bigla. Bigla kong nakalimutan kung paano ko sasagutin ang phone ko kaya naka ilang ring pa bago ko nasagot.

“Tumawag ka! Oh my God! Tumawag ka!” I beamed at him while smiling like a lunatic. Malala na ako. Malala na talaga ako.

“You said you miss me.” Napapikit ako pagkarinig ko ng boses niya. Mukhang kagigising lang niya.

“Nagising ba kita?” Na guilty tuloy ako. Iniistorbo ko pa ang pagpapahinga niya. Pero mas nakakalamang ang tuwa ko kaysa sa guilt at hindi ko makuhang itago yun sa boses ko.

“Hala. Sorry. Dapat di mo na lang pinansin. Tumawag ka pa talaga.” But I am not really sorry.

“It’s okay Mandy. Anything for my wife. And besides, I miss you too.” Napaka swabe ng boses niya. Parang yung kapag bagong gising kami at niyayakap niya ako and he would whisper in my ears.

Tapos bigla ko na lang naramdaman ang pag iinit ng mga sulok ng mga mata ko. Aww. Bakit ba ako naiiyak? Ganito ba talaga pag sobrang miss mo ang isang tao?

And I sniffed.

“Mandy are you okay?” Nag woworry na sabi niya.

“Oo. Okay lang ako. Naiiyak lang ako kasi namiss lang talaga kita ng sobra.I can’t wait to hug you. Namimiss ko na ang amoy mo. I think I’m going crazy.” At mas lalo akong naiyak. Ano ba ang nangyayari sa akin? Sobrang emotional ko naman ata?

“I miss you so much too. Tatapusin ko kaagad ang business ko dito and I’ll be back as soon as I can. Stop crying please.” Alo niya sa akin pero hindi ko talaga mapigilan. Grabe. Hindi naman ako iyakin.

“Naiiyak ako eh. May magagawa ba ako?” Narinig ko siyang bumuntonghininga.

“May pasok ka ba ngayon?”

“Wala nga. Iniisip lang kita kaya nalulungkot ako.” I heard him chuckled from the other line.  

“Okay para hindi ka na malungkot at may pagkakaabalahan ka. Ipapasundo kita sa driver. Bisitahin mo ang bahay. Tingnan mo kung magugustuhan mo o kung may gusto kang ipabago. Pwede mo ding tingnan  kung ano pang kulang na gamit and you could shop. Ipapadala ko ang extension card ko sa driver.”  The prospect of seeing his home got me excited and it somehow lift my spirit.

“Seryoso ka talaga na kung di ko magugustuhan ang bahay mo, maghahanap ka ng bago? Ano ka ba! Kahit sa ilalim ng tulay mo ako patirahin papayag ako basta kasama ka.”

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon