He's My Fiancé?! --- COMPLETED

By MariaClaraWannabe

1.3M 22.1K 261

[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their c... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue
Author's Final Note [edited]

Chapter 5

19.2K 352 4
By MariaClaraWannabe

(Renz POV)

" ~ ~Puno ang langit ng bitwin, at kay lamig pa ng hangin. Sa 'yung tingin ako'y nababaliw, giliw. At sa awitin 'kong ito, sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko, sa isang munting harana, para sa'yo.~ ~"

Kinanta ko 'to nung nanliligaw ako kay Anamarie, this is her favorite song. Oh right, I'm here in our school garden. Naka-upo sa isang bench at nagmumuni. Pagkatapos ng pangyayari kanina, parang gusto ko ulit umiyak. Pangalawa na 'to. Pangalawang beses na, na may nakikita akong kamukha ni Anamarie. Bakit kaya? What is the meaning of this? Nung pumunta ako ng Starbucks kahapon, may nakita rin akong kamukha ni Anamarie. Hinabol ko pa nga 'yung van na sinakyan niya kasama ang mga friends niya kaso 'di ko naabutan. Tapos ngayon naman. Hindi ko na talaga alam. Ano nga ba talaga ang meaning ng mga 'to. Mga anghel ba sila ni Anamarie na pinadala dito sa lupa just to tell me that I have to forget her already? Ginagawa ko naman lahat para lang makalimutan na siya eh kaso hindi ko talaga magawa. Habang pinipilit ko siyang kalimutan, mas lalo lang akong nasasaktan.

Oo nga pala, hindi niyo pa ko kilala pati na rin kung sino si Anamarie at kung sino siya sa buhay ko. Ako nga pala si Lawrence Francisco, but you can call me Renz. 15 years old at anak ng may-ari ng school na 'to. Kapatid ko ang principal ng school na 'to, si Laurene Grace Francisco. Si Anamarie naman, ang past ko na kahit anong gawin kong kalimot, eh hindi ko talaga makalimutan. Ewan ko ba, siguro dahil siya ang first love at first girlfriend ko. Nung nabubuhay pa siya, ngiti niya lang ang bumubuo ng araw ko. She's my everything. Pero nung namatay siya, nawalan na 'ko ng gana sa buhay. Nawala 'yung nagbibigay sa 'kin ng kasiyahan araw-araw. At isa pa, ako rin 'yung may kasalanan kung bakit siya nawala. Tinitigan ko ulit yung kwintas na binigay sa 'kin ni Anamarie nung nag-celebrate kami ng 1year namin.

**Flashback

"Renz, nag-enjoy talaga ako ngayong araw na 'to!"

Sabi niya sa 'kin habang nakangiti at iniinom yung Zagu niya. Pa-uwi na kami ngayon galing sa pagce-celebrate naming ng 1st year anniversary namin.

"Talaga? Mabuti naman kung ganun. Gusto ko kasing maging memorable sa'yo ang 1st year anniversary natin."

Sagot ko sa kanya habang nakatitig sa kanya at nakangiti. Napansin niya ata yun kaya napatingin rin siya sa 'kin.

"Hoy! Ano tinitingin-tingin mo jan?"

Tanong niya sa 'kin habang nakangiti ng nakakaloko.

"Wala. Hindi lang kasi ako makapaniwala na tumagal tayo ng isang taon."

"Dahil ba sa pamilya –"

"Wag mo nang ituloy ang sasabihin mo, Anamarie."

Alam ko na kasi ang sasabihin niya eh. Ayokong marinig 'yun. Ayokong masira ang araw na 'to ng dahil lang sa sasabihin niya. 'Pag 'yun kasi ang pinag-uusapan namin, madalas humahantong kami sa away. Nakita kong nag-sigh siya pagkatapos eh nag-smile.

"Okay po."

Tapos pininched niya yung cheeks ko at nag-smile. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Alam mo yung pakiramdam na kapag hindi mo nakikita ang ngiti niya eh pakiramdam mo eh hindi makukumpleto ang araw mo. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad palabas ng mall. Pero nabigla na lang ako ng biglang siyang tumigil kaya napatigil na rin ako. Nakita kong nakatitig siya dun sa likod ko, na curious ako kung ano yung tinititigan niya dun kaya lumingun ako sa likod. At nakita ko ang shop na may pangalang "Cuddlers" na puno ng mga stuff toy at kung ano-ano pang mga cute na bagay.

"Babes."

Narinig kong tawag ni Anamarie kaya lumigon ulit ako sa kanya. At nakita kong naka-puppy eyes na siya at naka-smile. Alam ko na kong anong gusto nito. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Tss, oo na. Papasok muna tayo jan."

"Yehey! Thank you babes."

Patalon-talon niyang pagte-thank you sa 'kin habang nakahawak sa braso ko. Tss, mga babae talaga, mahilig sa mga cute. Pumasok na kami sa shop at agad-agad siyang nagtitingin dun. Nagtitingin-tingin na rin ako dito kahit hindi ako mahilig sa mga ganito.

"Babes!"

After ilang minutes, tinawag ako ni Anamarie kaya lumapit ako dun sa kinaroro-unan niya.

"Ano 'yun babes?"

"Tingnan mo 'to."

Gaya nga ng sabi ni Anamarie, tiningnan ko yung hawak-hawak niya ngayon. Pair of necklace siya, isang lalaki at isang babae na may malaking ulo, maliit na katawan, at rounded eyes. Yung lalaki, parang nakasuot ng isang cap, nakanganga at nakatingin sa taas. Yung babae naman, naka pang Chinese hair at naka-tingin rin sa taas.

"Bilhin natin 'to babes."

Sabi ni Anamarie.

"Ha?"

"Sige na babes. Tingnan mo o, ang ku-cute nila."

Sabi ni Anamarie na parang nanggi-gigil sa sobrang ka-cute-tan nung kwintas. Hay naku, mga babae talaga.

"Gusto mo ba talaga 'yan?"

Tanong ko sa kanya. Nag-nod siya habang nagpa-pout at nagpa-puppy eyes. Haaaaaaay, hindi ko naman matatanggihan ang mukhang 'to.

"Haaay, sige na nga."

"KYAAAAAA! Thank you babes!"

Tapos hinug ako bigla ni Anamarie. Tss, I really love this girl. Pumunta na kami sa counter at binayaran na namin yung kwintas. Pagkatapos naming bayaran yung kwintas, lumabas na kami ng shop. Pero nung nasa parking lot na kami at nasa tapat na ng pinto ng kotse ko, bigla na naman siyang tumigil at humarap sa 'kin. Ano naman kaya kailangan nito ngayon?

"Babes."

Sabi niya sa 'kin ng may seryosong mukha. Medyo kinbahan ako dahil sa facial expression niya.

"Ano 'yun babes?"

Bigla niyang binuksan yung cellophane na kinalalagyan ng kwintas at inalabas ito. Isinuot niya sa 'kin yung kwintas na lalaki.

"Para sa 'kin ba 'to?"

Tanong ko sa kanya habang hinahawakan yung kwintas mula sa leeg ko.

"Di ba obvious babes? Wala naman akong pagbibigayan niyan kundi ikaw eh. Alangan namang si daddy."

Tapos napalitan bigla yung seryoso niyang mukha ng masayang mukha. Niyakap ko naman siya bigla.

"Pinakaba mo 'ko dun sa seryoso mong mukha ha."

Sabi ko sa kanya.

"Talaga? Mabuti kung ganun."

Natatawa niyang sabi. Humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya at hinarap siya ng naka-pout.

"Joke lang babes."

Sabi niya tapos pininched niya yung pisngi ko. Kinuha ko yung kwintas na babae mula sa kamay niya at isinuot rin 'to sa kanya.

"Ang cute ng kwintas, parang yung babae lang din na kaharap ko ngayon."

"Tss, matagal ko ng alam 'yan."

Tapos tumawa siya. Nung tumigil na siya sa pagtawa, I kissed her forehead and said:

"I really love you Anastasha Marie Concepcion."

Pagkatapos kung sabihin yun, nag-smile siya sa 'kin at hinalikan ako sa labi.

"I really love you too Laurence Francisco."

Then, I hug her very tight.

**End of Flashback

Napangiti ako nung maalala ko yung araw na yun. *sigh* Miss ko na talaga siya.

"All this time nandito ka lang pala."

Nabigla ako nung may nag-salita and nakita kong si Ate Laurene pala na papalapit sa 'kin. Nung nakalapit na siya, umupo siya sa tabi ko.

"Diba sinabi ko na mamayang hapon na 'ko papasok?"

Sabi ko kay ate.

"Lunch time na. 'Di ka pa ba kakain?"

Tanong niya habang hindi nakatingin sa 'kin. Tss. Iniiba talaga lagi ni Ate Laurene ang topic.

"Mamaya na 'ko kakain."

Sabi ko habang hindi rin tumitingin sa kanya.

"Kailan? Pagnag-bell na?"

"Ate."

"Yeah I know. Wala ka na namang gana. Why? Because of what happened a minute ago?"

Napatingin ako bigla kay ate. Pa'no niya nalaman 'yung nangyari kanina?

"How did you –"

Hindi pa 'ko tapos mag-salita, bigla nang nag-salita si Ate Laurene.

"I saw you. So, nakita mo na si Althiya."

"Althiya?"

"'Yung kamukha ni Anamarie."

Althiya pala pangalan niya. Pero, ba't parang pamilyar yung pangalan niya? Sa'n ko nga ba narinig yun?

"Did you know that.."

Biglang lumingon si Ate Laurene sa 'kin with a smile.

"..she is your fiancée?"

Biglang nanlaki 'yung mata ko nung sinabi ni Ate Laurene yun. Ano daw? Fiancée ko 'yung kamukha ni Anamarie? Teka, pa'no nangyari 'yun? Ni hindi ko pa nga siya nakikilala eh. Ni hindi nga kami close.

"Ha? B-But how?"

"Diba nung sinabi mo kay mama at papa na may girlfriend ka na, diba tumutol sila at pinilit ka nilang hiwalayan si Anamarie?

Oo nga pala. Tutol sila mama at papa sa relasyon namin ni Anamarie. Ginawa talaga nila lahat para lang mapaghiwalay kami pero dahil mahal namin ang isa't-isa, hindi kami nagpa-apekto sa mga ginagawa nila papa at mama sa 'min. Medyo natuwa nga rin si mama at papa nung nalaman nila na patay na si Anamarie eh. Kaya ngayon, galit ako sa parents ko. Ni hindi ko nga sila kinakausap 'pag nagkikita kami eh.

"Yeah, I remember that."

"That's the reason why tutol sila sa relasyon niyong dalawa ni Anamarie. Dahil ipinagkasundo ka na nila sa inaanak ko."

Ano? Ipinagkasundo? Sa inaanak niya? 'Di ko magets. Tinitigan ko lang si Ate Laurene with a confused face.

"Alam kong hindi mo maintindihan. Nung una nga ring sinabi 'yan si 'kin nila mama at papa 'di ko nga rin naintindihan eh. Pero sa katagalan, medyo naiintindihan ko na."

"I really don't get it. Can you please explain it to me clearly?"

Bigla na namang inalis ni Ate Laurene ang tingin niya sa 'kin. At 'yun na nga, inexplain ni Ate Laurene sa 'kin. Close friends daw ang parents namin at nung Althiya since pre-school. Barkada nga raw sila dati. Dahil daw sa business at tradition kaya kami ipinagkasundo. Nasa womb pa daw kami nun ipinagkasundo na kami. Grabe rin 'tong parents namin, 'di pa nga pinapanganak, pinagkasundo na kaagad. Tinanong ko si Ate Laurene kung alam ba nung Althiya na fiancée ko siya, sabi naman ni ate hindi daw. For 15 years, ngayon lang talaga nila sinabi sa 'kin 'to. Haaay!

"Renz."

"O?"

"Gusto mo bang makalimutan si Anamarie?"

Tanong ni ate sa 'kin ng hindi pa rin lumilingon. Napayuko ako dun sa tanong ni ate sa 'kin. Gusto ko raw bang kalimutan si Anamarie? Oo. I want to get out in my past. Pero 'di ko nga magawa diba. Alam ni ate na hindi ko magawang kalimutan si Anamarie kahit gusto ko siyang kalimutan. Kaya bakit niya 'yan tinatanong?

"Alam mo ang sagot diyan ate."

Sabi ko kay ate habang naka-yuko parin.

"Kung ganun, magpakasal ka kay Althiya."

Muntik na 'kong mahulog sa kinauupuan ko ng marinig ko yung sinabi ni Ate Laurene. P**A lang! Anong pakasal ang sinasabi nitong ate ko?

"ANO?! HIBANG KA NA BA ATE?!"

Sigaw ko kay ate.

"I'm just suggesting my little brother. Pero malay mo diba." Natatawang sagot ni ate.

"MALAY KO RIN SA'YO!"

Tumawa ulit si ate. Tss, dapat nga siya ang mag-pakasal na eh. Ang tanda-tanda na wala paring asawa. Tumigil sa pagtawa si ate at naging seryoso ang mukha.

"Pero Renz, I'm serious, kailangan mong magpakasal sa kanya."

ANO RAW? Ano ba problema nitong kapatid ko?

"Pinagsasabi mo?"

"Renz, whether you like it or not,  you have no choice. Kailangan mo pa rin mag-pakasal sa kanya. Pipilitin ka nila mom and dad."

"Tss, wala akong pake-alam sa kanila."

"Okay, kung hindi si mommy and daddy ang pipilit sa'yo, pwede ring si lolo at lola. Or ako."

"Huh? Ba't kasali ka?"

Biglang nag-sigh si ate then nag fake smile.

"I sacrificed someone because of this."

Ano? Sacrifice? Someone? Sino naman kaya 'yun?

"Sino?"

Nag fake smile ulit si ate.

"You don't need to know him. Please Renz, I'm begging you. Ayokong masayang ang sinakripisyo ko. Please Renz, kahit para sa 'kin lang."

Nakita ko ang pagmamaka-awa sa 'kin ni Ate Laurene. Sino kaya yung sinakripisyo niya at kailangan talagang hindi masayang? Pero kahit walangya mag-isip minsan 'tong ate ko, mahal na mahal ko parin 'yan. Sa whole family namin, siya lang ang hindi tumutol sa relasyon namin ni Anamarie. Pinagtatanggol niya pa nga ako eh. Kaya, hindi ko 'to kayang tanggihan. Napabuntong hininga na lang ako sabay sagot ng

"I'll try"

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
125K 1.6K 7
Meet Ayesa,isang ordinaryong college student. Matagal na din siyang nag-iisip tungkol sa isang lalaki na kumakausap sa kaniya tuwing gabi. Hindi niya...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...