Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 1

133 11 119
By Maecel_DC

Chapter 1:

Hakuna Miran's Point of View.

Mula ng araw na 'yon ay takot at pangamba ang naramdaman ko dahil naulit ng naulit ang panghihipo niya sa akin, lalo na pag parating wala sila mama. Minsan ay ayaw ko mg umuwi dahil sa takot ko, nagkaroon rin ako ng pasa at sugat sa mga nakatagong parte ng katawan ko.

Apat na linggo na mula ng unang beses niyang gawin sa akin 'yon, tanging linggo lamang ang araw na hindi niya nagagawa 'yon dahil hindi umaalis sila mama. "Miran!" Nang marinig ang pagtawag niya ay nagkulong ako sa kwarto.

"Miran bumaba ka na riyan!" Sigaw niya mula sa ibaba ngunit hindi ako nakinig at iniyakap ang kumot sa buong katawan ko. Panay na nga ako pajamas at mahahabang t-shirt patuloy niya pa rin na ginagawa 'yon.

Ngunit ganoon na lang nanlaki ang mata ko ng sandaling bumukas ang pinto ng kwarto dahilan para kumuyom ang kamao ko sa takot. "Tito 'wag po." Pakiusap ko at pinaghawak ang kamay.

Ngunit nakakaloko itong ngumisi at sumampa sa kama dahilan para yakapin ko ang sarili habang lumuluha. "T-Tito.." Panay ang hikbi ko dahil sa takot at habang natatakot ako siya ay tila isang demonyong nakangisi.

"Mabuti ka pa, sexy hindi tulad ng nanay mong nagugurang na." Panay ang iyak ko sa sobrang takot hinaplos niya ang legs ko kung kaya't itinago ko 'yon.

"Tama na po!" Malakas kong sigaw.

"Lalaban ka sa akin? Kaya kong patahimik ang kapatid at nanay mo Miran." Ang tibok ng puso ko ay hindi maipinta.

Sobrang lakas no'n at pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso, natatakot ako dahilan para manginig ang kamay kong nakayakap sa katawan ko habang siya ay pilit niyang inaalis 'yon. Nakakadiri ang ginagawa niya sa akin.

Si Tito Jubal ay hindi mataba, para siyang body builder sa isang gym dahil instructor nga siya at black belter. Magaling talaga siya kung kaya't takot na takot akong baka madamay ang kapatid ko.

Matapos ng ginawa niya sa akin ay dumeretso siya ng banyo kung kaya't nagtalukbong ako ng kumot at pumikit.

Makalipas ang isang araw ay may kumatok mula sa kwarto ko at doon ay natakot na naman ako ngunit nakahinga ako ng maluwag ng malaman na ang bunsong kapatid ko na si Yamato ang kumakatok.

"Bakit?" Tanong ko.

"3rd year na ako ate pero hindi ko pa rin maintindihan 'tong math namin. Ikaw nga sumagot matalino ka sa math eh," nagmamaktol niyang sabi kung kaya't kinuha ko 'yon at sinubukang sagutan.

"Ate bakit may pasa ka rito?" Nang ituro niya 'yon ay napalunok ako.

"Nadulas kasi ako sa banyo." Matipid kong sagot.

"Saan mo balak magkolehiyo ate?" Tanong niya kaya naman ngumiti ako.

"Sa pinakamagandang school dito sa atin." Nakangiting sagot ko at inimagine ang sobrang laki na school.

"Pero wala tayong pera ate?" Bulong niya.

"May scholarships na binibigay ang may ari ng school 'no. Konting araw na lang magtatapos na rin ang high school days ko." Pagkekwento ko pa.

"Gusto ko rin mag-aral doon ate, isama mo ako. May high school doon sa school na 'yon." Napaisip ako.

"Sigurado ka ba? Kaya mo?" Bulong ko.

"Kailangan magaling ka sa school 'no pataasin mo pa yung grade mo." Tumango tango siya.

"Mag-aaral ako ng mabuti ate!" Ngumiti ako at tumango tango, 14 years old na siya ngunit para siyang bata.

"Nasaan si mama?" Mahina kong tanong sa kaniya.

"Umalis siya ate, may assignment ako kaya hindi na ako sumama." Tumango akong muli at tsaka inilabas rin ang gamit ko sa school.

"Yamato may sasabihin ako sa'yo ha, gusto ko sa atin lang ito." Nangunot ang noo niya ngunit itinuon ang atensyon sa akin, ibinaba niya ang ballpen na hawak at tinignan ako.

"Sinasaktan ka ba ni tito ate?" Napalunok ako at dahan dahan na tumango.

"Hindi niya lang ako sinasaktan, may ginagawa rin siyang kababuyan." Pinigilan kong maluha kaya naman nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Ate isumbong natin sa pulis.." Suhestyon niya kaya naman umiling ako.

"Sasaktan niya kayo ni mama, a-ako ang gagawa ng paraan." Mahinang sabi ko.

"Ate baka umabot sa punto na—"

"Hindi niya gagawin 'yon sa akin magkakaroon ng ebidensya laban sa kaniya." Mahina lang kaming nag-uusap ang pag-aalala sa mata niya ay nakita ko.

"Tuturuan ba kita ng self defense— hindi pala pwede dahil siya yung instructor ate, anong gagawin ko? Gusto mo ba bugbogin ko siya?" Umiling iling ako.

"Mapapahamak ka lang," bulong ko.

"Dapat malaman 'to ni mama ate."

"Hindi, pag nangyari 'yon si mama ang sasaktan niya." Mahinang sabi ko dahilan para bumuntong hininga siya.

"Hindi na lang ako aalis sa tabi mo ate?" Tumango ako sa sinabi niya.

"Pag aalis si mama huwag ka ng sumama," wika ko na mabilis niya namang sinunod.

Bumukas ang pinto ay nang makita ni tito na nandito si Yamato ay hindi niya itinuloy ang balak kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Muling lumipas ang araw ay nakagawa pa rin siya ng paraan para magawa ang binabalak sa akin hanggang sa matatapos na ang school ay graduation day ko, natapos ang ceremony ay proud na proud sila mama at bunso dahil nanguna akong muli sa klase.

"GO ATE!" sigaw ni Yamato kaya kinawayan ko siya.

"Valedictorian Hakuna Miran Romero!" Nagpalakpakan ang lahat ay ginawa ko na ang speech ko, nakangiti ang lahat bukod sa isang kaklase ko na salutatorian. Ginalingan ko kasi para sa scholarship na maari kong makuha.

Matapos ang speech ko ay maraming lumapit sa akin at sinabing ang galing ko kung kaya't sobrang saya ko. "Dahil diyan kakain tayo sa jollibee!" Nakangiting sabi ni mama at inakbayan ako.

"Yehey!" At syempre si bunso ang unang nag-react.

"Ang dami mong medal ate, bakit ako iisa lang?" Nakangusong reklamo ni Yamato kaya ngumisi ako.

"Ayos na yan basta meron, ah mama isasama ko po si Yamato sa malaking university. Para kumuha ng scholarship." Kinakabahan kong sabi.

"Oh? Baka buyuhin kayo doon dahil scholar lamang kayo?" Ngumiti ako at umiling.

"Hindi mama, balita ko mababait ang mga tao doon. May orientation po kasi yung may ari ng school for scholarships." Tumango tango si mama.

"Kung ganoon ay sige, pag-igihan niyo." Sangayon ni mama kaya naman nang makarating sa Jollibee ay excited ang kapatid kong kumain dahil bibihira lang ito.

"Bibigyan ko na lamang kayo ng pera para bukas ba?" Tanong ni mama kaya nakangiti akong tumango.

"Mama gusto ko yung spaghetti na may fried chicken at fries." Suhestyon ng kapatid.

"Ganoon na rin sa akin mama," wika ko at ngumiti tumayo si mama at umorder na.

"Nasasaktan ka pa rin ba ni tito?" Mahinang tanong ni Yamato kaya tumango ako bilang sagot.

"Sa gabi," bulong ko.

"Ang sama sama niya talaga, antayin mo ate magpapalaki rin ako mg katawan." Natawa ako at tumango tango.

"Tama yan," wika ko.

"Kumain ka na muna ate, excited na ako bukas!" Masayang sabi ni Yamato kaya naman napangiti ako at tahimik na hinawakan ang medals ko na nakalagay sa malaking lagayan nito.


Kinaumagahan ay masaya kaming bumyahe ni Yamato dala dala ang mga requirements na kailangang dalhin, nang malapit na ay kinailangan naming maglakad papunta sa malaking university dahil sa traffic. "Ang laki ng school ate!" Napangiti ako at minadali si Yamato na pumunta sa loob.

Pinapasok naman kami ng guard at tsaka binigyan kami ng mapa ngunit hindi ko maunawaan kung kaya't lumapit ako sa isa sa mga nandidito. "Miss saan po yung daan papuntang Gym?" Nangunot ang noo niya at pinasadahan ang suot ko.

"Doon, kumanan ka matapos mong deretsuhin ang hallway na yan." Nagpasalamat ako at sinunod na siya.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan si Yamato, feeling cute naman ang loko. Gwapo naman kasi talaga ang kapatid ko at mas matangkad siya sa akin kahit pa mas bata siya. Siguro ay nakuha niya kay papa ang tangkad na yan.

Nang marating ang Gym ay dahan dahan kaming pumasok ngunit madalas dito ay parents ang nakikita ko, naupo kami ni Yamato sa gilid hanggang sa maya-maya lang ay pumasok na ang may ari ng school.

Sila ang mag-asawang Sandoval, sobrang yaman nila at mababait pa. Maganda ang ngiti nila ngunit napalunok ako ng makita sila ng malapitan. "Ate ang ganda niya 'no," bulong ni Yamato kaya tumango ako.

"Bakit parang hindi sila tumatanda? Tignan mo yung asawa niya ate oh ang laki pa rin ng katawan." Napangiti ako at tinitigan silang dalawa na pumunta sa stage.

"Lahat ba kayo ay kumain na?" Tanong nila mula sa mikropono kaya napalunok ako.

Sumagot ang iba ng hindi pa at doon ako namangha ng may pumasok na may mga dala-dala na tray kaya naman ganoon namilog ang mata ko ng bigyan kami ng naka paper styro at maiinom na tubig malamig pa 'yon.

"Ate orientation 'to hindi birthday 'di ba? Sure ka bang tama tayo ng pinuntahan?" Mabilis na sabi ni Yamato at dahil napalakas 'yon ay nahihiya ko siyang nasita dahil nakatingin sa amin ang mag-asawa na para bang magpipigil tawa.

"Ang ingay mo Yamato." Sita ko.

Nang buksan ay napalunok ako ng pritong manok ang nandito. "Ate birthday ata napuntahan natin." Napalo ko sa legs si Yamato ng muli ay gulat niya 'yon na sabihin dahilan para matawa na sila.

"Kumain na muna kayo bago natin simulan ang orientation okay? Hindi 'to birthday pfft—"

"Vince ano ba, huwag ka ng tumawa." Sita ng babaeng Sandoval kaya napangiti ako at kumain na.

Makalipas ang ilang oras ay kasabay ko si Yamato na lumapit sa kanilang mag-asawa, sobrang kinakabahan ako at ng maupo na ay inabot namin ang requirements. "Hindi niyo kasama ang parents niyo?" Nakangiting tanong ni Mr.Sandoval.

"Ah hindi po eh, may work po kasi ang mama ko." Sagot ko dahilan para tumango ito.

"High school ka na ba hijo?" Tanong ni Mr.Sandoval kay Yamato.

"Opo."

"Ikaw hija? Anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo?" Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Architecture po sana," nahihiya kong sagot.

"Oh kaparehas mo pala ang apo namin," nakangiting sabi ni Mrs.Sandoval kaya napalunok ako.

"M-Magiging kaklase ko po yung apo niyo?" Nanlalaki ang mata kong tanong, natatawa naman silang tumango tango.

"Siguro, depende sa section niyo hija. Gusto mo ba siyang maging kaklase?" Nakangiting tanong nito kaya naman napalunok ako.

"Hehehehe pwede naman po," kinakabahan kong sagot.

"Kung ganoon sige, matagal pa naman bago ang pasukan." Nakangiting sabi nito.

"Ma'am may tanong po sana ako," kimakabahan kong sabi.

"Ano 'yon hija?" Tanong nito.

"M-May—"

"Ate may susunod na ako na po magtatanong ma'am nahihiya po kasi siya. Ang tanong niya po ay kung may libreng uniporme daw po ba at libreng kagamitan." Nakangiti pa ang kapatid ko kaya nasipa ko ang paa niya.

"Ah.." natawa silang mag-asawa.

"Tanging uniporme at kaunting kagamitan lang ang maibibigay namin, kung may kulang pa ay student na ang sasagot no'n. Pero kung may financial problem ka hmm pano ba 'to hubby?' Nagkatinginan ang dalawa.

"Kaya mo ba mag part time?" Tanong ni Mr.Sandoval kaya mabilis akong tumango.

"Opo! Game na game po ako." Sagot ko.

"Good then, sa high school naman ay walang problema kaya walang gagastusin ang kapatid mo. May monthly allowance pa siyang matatanggap," napangiti ang kapatid ko at tumango tango.

"Ngayon ko lang po hiniling na sana pasukan na ulit, ang ganda po ng school niya ma'am. Sobrang laki!" Napangiti ang mag-asawa sa sinabi ng kapatid ko.

"Kukunin ko ang pangalan at phone number mo hija, para ma-contact kita." Nakangiti akong tumango.

"Wala pa po akong 18 ma'am pwede po ba 'yon?" Kabado kong tanong.

"Ilang taon ka na ba hija?"

"17 po ma'am." Kinakabahan kong sagot.

"Okay na 'yan. I thought you're just sixteen." Nakangiting sabi nito.

"Thank you po ma'am!"

"Salamat po talaga, hinding hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ito. Kung kailangan ko na po magtrabaho bukas handa na po ako." Nakangiting sabi ko dahilan para mangiti sila.

"Paniguradong proud na proud ang papa mo sa'yo, dahil ako ngang hindi ko ama ay napapabilib mo." Napangiti ako lalo sa sinabi ni Mr.Sandoval kaya tumango tango ako.

"Salamat po."

"Salamat po talaga."

"Kung ganoon gusto mo bang makita na kung saan ka magtatrabaho ngayon? Sakto matagapos na rin itong orientation." Nanlaki ang mata ko sa alok nito.

"Opo ma'am!"

"Good then, I'll contact you later then." Tumayo kami at bahagyang nag-bow tapos ay excited na umalis ng Gym dahil sa saya.

"Ate ang babait nila."

"Oo nga sobrang babait nila." Pag sangayon ko.

"Magtatrabaho ka ate? Mas mabuti para hindi ka na saktan ni tito o ano pa man." Tumango ako bilang pagsangayon.

Nasa loob ako ng isang malaking cafe ngayon, pag-aari ito ng mga Sandoval kung kaya't napangiti ako ng paupuin nila kami ni Yamato. "Dito ka magtatrabaho hija." Panimula ni Mrs.Sandoval.

"Ang ganda po," bulong ko.

"Kailan mo ba balak magsimula hija? Sa pasukan?" Mabilis akong umiling.

"Mahal po ang gamit ng architecture kaya po bukas sisimulan ko na." Sagot ko.

"I love your fighting spirit, Valedictorian ka ng school mo, they should support you." She advised.

"Kung ganoon sige, bukas magsisimula ka na."

"Salamat po ma'am." Pagpapasalamat ko.

First day of work..

Binigay nila ang uniform ko at tinuruan rin nila ako sa bagay bagay, ngayon ay wala na rito ang mag-asawa na Sandoval, "Miran, hatiran mo muna si Sir Laze ng order niya. Ito oh," wika nila kaya naman napalunok ako.

"Ingat ka ha? Kahit anong mangyari huwag kang magsasabi ng kung ano ano. Alam kong gwapo siya pero huwag na huwag mong sasabihin 'yon, huwag mo rin papansinin ang lahat lahat sa kaniya okay?" Napatango na lang ako at kinuha na ang idedeliver sa kaniya.

Maingat akong naglakad ngunit halos mapasigaw ako ng may mag-away na magkarelasyon dahilan para masiko ako ng lalake at bumagsak sa sahig kasama ang order ng Laze na sinasabi nila.

"Miran!" Gulat na sabi ng mga kasama kong mas matanda sa akin.

Kaya naman kinakabahan akong tumayo at pinulot ang mga nabasag. "S-Sorry po sir." Paghingi ko ng sorry.

"Bakit ba kasi basta basta kang sumusulpot! Tanga tangang waitress!" Sigaw ng lalake kaya naman napayuko ako at pupulutin na sana ang pirasong basag ng may humawak sa pulsuhan ko kaya tiningala ko siya at ganoon na lang nanlaki ang mata ko ng mamukaan siya.

"Don't pick up broken glasses," wika nito.

And then I saw his dog Bullet. "It's not your fault, why are you sorry?" He asked kaya naman lumunok ako at tumayo ng tuwid,

"So you're saying it's my fault?" Sumbat ng lalake kaya mapayuko ako.

"Obviously, this is not a place to pick a fight. But because of your recklessness you bump into her that cause this, so instead of being sorry you're blaming her." Napalunok ako dahil hindi siya natakot sumbatan ang nakakatanda sa kaniya.

"How about you leave before I call the cops and tell them you're physically hurting your girlfriend?" Dagdag pa ng mannequin na lalake, Inis na suminghal ang lalakeng gumawa ng gulo at padabog na umalis ng cafe.

"Miran! Okay ka lang?" Tanong ng isang ka-trabaho ko kaya tumango ako.

"Opo ate," mahinang sagot ko.

"Sir Laze, uulitin na lang po namin yung order mo. Sorry po," nanlaki ang mata ko at nilingon muli si gray-eyed-man na sobrang tangkad.

"It's okay," reply niya at bumalik sa kinauupuan.

"Jusko ka Miran aatakihin ako sa puso sa'yo buti na lang hindi nagalit si Sir Laze." Ngumuso ako at nagsorry.

"First day na first day mo sablay ka na." Napalingon kami sa nagsalita ngunit umalis rin ito kaagad kaya naman lumunok ako at nagpalit ng extra na nasa locker.

"Ayos lang yan 'wag mo isipin sinasabi no'n." Suhestyon ng nakakatanda kong kasama kaya tumango tango ako.

"Ihatid mo na 'to kay Sir Laze." Utos niya muli.

"Kilala ka ba niya?" Mahinang tanong nito kaya umiling ako.

"P-Pero hindi ito yung unang beses na nagkita kami ate," sagot ko.

"Kaya pala. Ingat na ha," paalala niya kaya naman tumango ako at mas nag-ingat.

Mukha naman siyang mabait, wala nga lang siyang emosyon parang robot.

///

@/n: Hi guys, welcome to my vlo— charot. Enjoy! Keep safe!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
37.4K 1.1K 65
"My mom wants another grandchild. Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?" ©️ 2022
18K 1.5K 43
Kilala sila bilang mga BITCH, BRATS, QUEENS, sa kanilang pinapasukang university. Paano kapag nag bago ang kanilang buhay dahil lang sa mga lalaking...
41K 3.5K 37
[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin an...