The Virgin Writer

Por crushyrushy

4.9M 56.9K 5.9K

(To be published under Red Room/ LIB) (Completed) She is Pollyanna Garcia and She's a Virgin Writer :) Más

The Virgin Writer
Virgin no. 1
Virgin no. 2: Revenge?
Virgin no. 3 (Walang kwentang Chapter)
Virgin no. 4
Virgin no. 5
Virgin no. 6
Virgin no. 7
Virgin no. 8
Virgin no. 9
Virgin no. 10
Virgin no. 11
Virgin no. 12
Virgin no. 14
Virgin no. 15
Virgin no. 16
Virgin no. 17
Virgin no. 18
Virgin no. 19
Virgin no. 20
Virgin no. 21
Virgin no. 22
Virgin no. 23
Virgin no. 24
Virgin no. 25
Virgin no. 26
Virgin no. 27
Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)
Virgin no. 29
Virgin no. 30
Virgin no. 31
Virgin no. 32
Virgin no. 33
Virgin no. 34: Misunderstanding
continuation V.34
Virgin no. 35
Virgin no. 36 : Truth
Virgin no. 37
Virgin no. 38
Virgin no. 39
Virgin no. 40
Virgin no. 41
Virgin no. 42
Virgin no. 43
Virgin no. 44
Virgin no. 45
Virgin no. 46
Virgin no. 47
Virgin no. 48
Virgin no. 49
QUESTIONS!
The Virgin Writer - Epilogue
The Virgin Writer BOOK 2
SELF PUBLISHED BOOK
Sorry Guys

Virgin no. 13 (Walang Kwentang Chapter II)

100K 1K 144
Por crushyrushy

A/N: Happy 30K! ILoveYou All, Grabee lang.. Nagulat lang talaga ko. Gusto ko magTHANK YOU talaga!! Salamat !!!!

Walang Kuwentang Chapter pinaaalala ko lang.

And Last, dedicated to the Birthday Girl, INAH, eto na lang regalo ko :) HAPPY BIRTHDAY!

Terrence Legazpi Here ---------------------------->

______________________________________________

Virgin no. 13


<Polly's POV>

"Oy.."

Napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Colyn sa gilid ko.

"Uhm.." Tuluyan na akong umupo at kinuskos ang mata ko, sabay INAT. YAAAH. kasabay nun, ay HIKAB.. \(=O=)/

"Parang puyat na puyat ka ah.."

"Oo, tyaka pagod." Pinatunog ko naman yung mga daliri ko.

"Ah, iba na yan ah, nasabi nga sa akin ni Khristel na may chikinini ka nung isang araw."

"Naniwala ka naman?"

"Malamang." Tumitig ito sa akin. "Sabihin mo nga sa akin, sino yang inaano mo."

"Anong inaano?"

"Inaano, yung kinakalantiri mo sa kama."

"Sira ulo! W-wala ah!"

Mamatay na nagsinungaling wala naman talaga AH..

Ahhh, namatay ako! Meron pala..

Si Mint..

>______<

Eeeeh!

Ayan nanaman! MALANDI MODE nanaman!

Whew! Buti na lang talaga di ako, este nahuli kami ni Mint na gumagawa ng kababalaghan kagabi.

Kung hindi, patay ako kay Tatay, Nanay at Kuya. Anong paliwanag ang sasabihin ko?

Nay, gusto ko lang po ng experience.. (with matching yuko at patwirl twirl ng hair.)

Tapos biglang sasabat si Kuya Edrik.

Kung ganon! Sana ginamit mo na lang yung aso mo! Hindi yung mga kalahi ko ang pinagpapraktisan mo.

Umiling ako.

Grabe, kahit sa pagiimagine, nararamdaman kong may halo nanamang asar yung lokong yun!

"Hoy! Ano nanamang iniisip mo."

"W-wala!" Nagkamot ako. "Wala? Eh, halos malukot na iyan mukha mo sa inis."

Nagpout lang ako. (=3=) Kahit ba naman kasi sa school si Kuya Edrik ang nasa isip kong kayang mangAsar sa akin ng sagad hanggang alak-alakan.

"OH.EM.GEE, bakit may sugat si Mint?"

"May bruise pa siya sa siko oh.."

"Ang cool ng BandAid niya sa pisngi. Dagdag pogi points."

"Ikaw talaga! Me sugat na yung tao, pinagnanasahan mo pa din."

Napatingin kami ni Colyn ng makita namin si Mint mula sa pintuan, may berserk mode aka sungit mode nanaman ito.

Nakita ko ang mga sugat sa mukha nito. Napakagat tuloy ako ng labi, nakadagdag pogi points pa kasi..

Hindi, joke lang! Ako kasi may kasalanan niyan.

"Oh, Mint, Anong nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Colyn na makadaan ito sa harap ng upuan namin.

"Wala," Tumingin ito sa akin. Parang sinasabi nung mata niya na 'may-kailangan-tayo-pagusapan-humanda-ka'. "GoodMorning Ms. President."

Tinangunan ko lang ito tyaka kami nilagpasan.

"Close na kayo?" Biglang tanong ni Colyn.

"O-oy. H-hindi ah.."

"Eh, anong ibig sabihin nung titig ni Mint ngayon sayo?" Sabay nguso sa direction ni Mint. Nasa may LeftSide ito malapit sa bintana.

Tumaas ang isa kong kilay ng tumingin ulit ako kay Mint. Titig na titig nga ang LOKO!

Inirapan ko na lang ito.

Pero, gusto niyo ba malaman kung paano nakuha ni Mint yung sugat na iyon?

Pilitin niyo ko!

Eeeh..

Sige na kukuwento ko, ganito kasi yan..

******

"Si Kuya yan Mint!" Ilang minuto pa akong naestatwa. "Anong gagawin natin?"

Tumayo ito at inayos ang suot, ganoon din ang ginawa ko. Bago ako humarap sa kanya ng maayos.

"Kasalanan mo ito eh!" Pabaling-baling na ako. "Ka-anuhan mo kasi!"

"Nabitin ako."

"Parating na Kuya at Tatay ko yang bitin pa rin ang nasa utak mo!" Napahawak ako sa ulo ko. "What am I going to do?"

"Naks. Nahalikan ka lang, naEnglish ka na."

"Puwede ba! Magisip ka na ng gagawin!"

"Teka lang." Umupo ito at nagakmang pupunta sa ilalim ng kama.

"Huwag diyan!" Hinila ko ang kwelyo ng damit nito. "Makikita ka diyan ni Kuya!"

Tumayo ito at pumunta sa Closet ko.

"Huwag din diyan!" Hinila ko ang braso nito. "Makikita ka ni Tatay diyan."

"May sa ASO ba pamilya mo at pati dito maamoy ako?"

"Hoy! Pamilya ko yun! Wag ka---"

*Tok!* *Tok!*

"Hoy! Kapatid! Buksan mo ang pintuan na ito! Sinong kasama mo diyan?!"

WAAAAAH! SI KUYA! ANO ng gagawin ko!

"Masyadong advance kuya mo ah, alam na merong tao dito."

"Magisip ka nga! Kelangan di ka makita ng Kuya ko!"

"Pagbilang kung LIMA sisirain ko itong pintuan mo.. ISA!"

"Umalis ka na Mint!"

"Ano?! Teka! Hindi puwede! Bitin na Bitin----"

"Madaming Bakla diyan!" Hinila ko ang braso nito at walang lingon-lingon na dinala sa bintana. "Bumaba ka na!"

"Dalawa.."

"Sumama ka sa akin! Dun tayo sa Condo ko."

Inambaan ko ito ng suntok..

"Umalis ka na! Shoo! Shoo! Kung hindi wala ng to be continued to! Bilis!"

"Siguraduhin mo lang!"

Ang kulit naman ng isang ito! Hindi makaintindi ng UMALIS NA, MAMATAY KA!

"Tatlo.."

"Bilis na!"

Tumuntong na ito sa bintana at sa hagdanan na tinuntungan nito.

"To be continued ah!" Nasa labas na ito at nakakapit na sa hagdanan.

"Oo na! Ang ku----"

Tinawid nito ang pagitan namin at hinalikan nanaman ako nito. TORRIDLY beybe!

"Apat! Isa na lang!"

Bumitaw na kami. Nakita kong ngumiti pa ito.

"Alis na!"

"Oo na! Bukas ah!"

"Oo na nga! Biles!"

Hindi ko sinasadyan natulak ko ang kamay ko at napatukak ko siya sa balikat.

Kaya wala sa balanseng tuloy-tuloy at dahan-dahan itong napabagsak!

O_________O

"MINT!!!!"

Hindi ko na naaninag ito sa babang pinagbagsakan niya.

"Lima!"

Napatingin ako sa pintuan at dali-dali kong binuksan ang pinto at nagkunwaring kagigising lang.

"*Hikab* Ano ba kuya! Natutulog yung ta--- " Agad-agad. Walang sabi-sabing pumasok ito sa kwarto ko. "Ano ba kuya! Lumabas ka nga!"

Nakaparang pang James Bond pa ang kamay nito.

"Sabihin mo, sinong kasama mo?"

"W-wala aah! K-kasama ka diyan!" Todo tanggi naman ako. Patay-patay ako nito sa Nanay at Tatay ko.

"Wala?" Pumunta ito sa Cabinet ko na dapat pagtataguan ni Mint. Dahan-dahan nitong binuksan iyon. "Huli ka!" Nakatutok pa ang kamay nito na parang baritk sa loob ng Cabinet ko.

"Sabi sayo kuya! Wala ngang tao dito!"

"Magaling magtago ha?" Mayamay ay lumakad ito sa may gilid ng kama ko at umupo tyaka dumapa. "Boom!" Nakatutok pa yung kamay nito sa ilalim ng kama ko.

"Para kang tanga kuya."Nagkamot ako at hinila ang kwelyo ng shirt na suot nito. "Umales ka na at sinabing wala ngang tao dito."

"Teka, sandale.." Inalis nito ang kamay ko sa kuwelyong hawak ko at dali-daling pumunta sa bintana.

Ako naman si Miss-Panik-at-baka-mahuli, nakipagunahan kay kuya sa bintana at tinaas ang dalawa kong kamay parang naglalaro ng patintero.

"Wala kang makikita dito!"

"Eh, bakit ka nakaharang diyan?" Sumugod ito sabay harang sa kanya. "Umalis ka nga diyan."

"May multong bakla dito, wag ka na dito."

"Wala akong pakielam." Sumugod ito. Humarang ako. Kumaliwa ito. Hinarangan ko. Kumanan ito. Hinarangan ko.

"Kung wala kang tintago bakit mo hinaharangan yung binatana ng kwarto mo?" Nagcrossed arms ito at nakataas ang kilay.

Ang GWAPOO ni KUYA! Oh-Oh! Walang halong Love-Love na parang may tinatago kaming sikreto.

Gwapo talaga si Kuya! Masarap lang talagang patayin dahil hobby ang pangaasar.

"Wala nga kasi!" Sumigaw ako. Baka sakaling marinig ni Mint at makapagTago siya kung saan man siya nalaglag. "Walang tao!"

"Bakit ka ba sumisigaw? Siguro binibigyan mo ng warning yung kalaguyo mo para makaalis siya no?"

Nasabi ko na din bang MATALINO ang kuya ko! Nakakaasar kasi kayang-kaya niya akong paikutin gamit ang pangBABLACKMAIL niya!

"Ano iyon? Bakit may Condom don? Mint Flavor?" Tinuro nito ang side table ko.

Shet! Baka kay Mint yun! Tapos Mint pa flavor! Patay!

Dali-dali akong pumunta ng Table at hinanap ang tinuro nito.

Pero ilang minuto na pati ilalim ng table ko, wala namang condom.

"Kuya! Wala namang co---" Pagkatingin ko si Kuya palinga-linga sa Bintana. "Kuya!!"

Naisahan nanaman niya ako! Arrggh! Bakit ko ba naman kasi naisip na magiiwan ng CONDOM si MINT dito eh hindi naman talaga namin gagawin yun.

Pero paano kung gawin namin? Tae, masakit daw yun sa UNA.

sabi nga ng Maria Clara kong kaibigan, masakit na masarap.

Punyeta!

"Pambihira ka naman, Pollyanna, nalaglag mo lang pala yung hagdan sa treehouse tinatago muna."

"Ha? Annudaw?"Pumunta ako sa direksyon na tinuturo nitong nalaglag na hagdanan.

Na siya ngang dahilan ng pagkalaglag ni MINT doon.

"Ayun oh.." Umalis na ito doon at pasalampak na nahiga sa kama ko. "Pahiga."

"Umalis ka na nga dito! May kwarto ka naman ah!"

"Init ng ulo mo." Inikot nito ang mata sa kwarto. "Sigurado talaga ako, meron kang tinatagao dito."

"Nanay! Si KUYYYA!"

*****

Hindi ko na sasabihin ang iba pang detalye! Dahil pangaasar lang naman talaga ang kasunod na mga eksena.

Muli kong tiningnan si Mint. Nakatingin na ito sa labas.

Kawawa talaga siya. May BandAid sa mukha. May pasa. Tss.. Kasalanan niya! Magala-Romeo ba naman siya sa bahay namin eh.

"OMG! Si Terrence!"

"Shit. Papuntang room natin siya?"

"Yup! Me 3Roses! Teddy Bear! at Chocoleyt!"

"Sabi ko na nga ba eh!"

"Akin yan! Akin yan!"

Napataas nanaman ako ng kilay. Tae, adik lang sa lalaki Teh? Kanina si Mint? Ngayon si Terrence?

Mayamaya ay nakarinig na kami ng katok. Halos lahat ng babae nagpunta sa direksyon na iyon.

"Nandiyan ba si Polly?" sabi ni Hito.

Dali-daling parang nagkaroon ng deskusyon at ang lahat ng mata ay napunta sa direksyon ko. Pati si Colyn na katabi ko napatingin.

Napatingin ako sa direksyon ni Mint, nakataas lang ang kilay nito na parang sinasabing 'anong ginagawa niyan dito?'

Nagkibit balikat lang ako. Astig diba? Eye to Eye lang.

Walang sabi-sabing inirapan naman niya ako.

SUNGEET!

"Hi Beybe.."

Pusang kinalbo?! Beybe?! Mukha mo! Nakalapit na pala itong Hito na ito.

Napakagwapo nga naman sa UNIFORM, kaso may mas dating nga lang si Mint.

"Beybe ka diyan? Anong ginagawa mo dito?"

"Manliligaw!" ^___^

"Huh? Manliligaw?" sabi nung nasa paligid ko.

Parang gusto kong makisabay sa mga iyon ah! MANLILIGAW?!

*POOOOK!*

Pabalabag na may nagbukas ng bintana, sa direksyon ni Mint.

Lahat may Question Mark ang mukha.

"Mainit."

Problema nun?

Teka, mabalik sa usapan.

SI HITO?! MANLILIGAW?

"Ligaw ka diyan! Wala! Walang manliligaw!"

"Diba nagusap na tayo kahapon nagDate tayo?"

"NagDate sila kahapon?" Narinig ko nanaman na bulong na nasa paligid.

"Bakit pumayag ba ako?! Hindi naman ah!"

"Manliligaw ako sayo, sa ayaw at sa ayaw mo."

"Alam mo naman palang ayoko sayo! Eh, bakit nanliligaw ka pa?!"

"Dahil gusto ko."

*BLAAAAAAAAGGG!*

Napalingon nanaman ako sa direksyon ni Mint. Sa kanya kasi galing yung ingay.

Bumagsak kasi yung Desk nito.

"Natumba."

Problema non?

Kanina pa yun ah..

Nakataas ang kilay kong tinitigan siya.

"Anong problema mo?" sabi ko. Na parang pabulong para walang makahalata.

Inirapan nanaman niya ako.

"Wag mo na lang siya pansinin." Napatingin ako kay Hito. "Anong gusto mo?"

"Ha?"

Isa-isa nitong nilagay sa Desk ko ang mga dala nito at tinuro.

"Roses? Chocolate? Bear?" Tyaka nito tinuro ang sarili sabay lapit ng mukha. "O, ako?" Tinaas-taas pa nito ang kilay.

Medyo nagulat ako sa ginawa nito kaya napalaki ang mata ko.

O______O

"A-ano ba----"

*BLAAAAAAAAGG!*

This time lahat na kami tumitig kay Mint.

Nakatayo na ito. Nakatumba na yung upuan at nakatayo.

Tinitigan ako sabay Irap. Tyaka naglakad papuntang pintuan.

Pero bago pa siya makapunta doon ay madadaanan niya pa kami.

Biglang nagsalita si HITO.

"Masyado ka atang Prone ngayon, pinsan?"

PINSAAAAN?!

Napalingon ako kay Mint. Blank Stare.. Napalingon ako kay Hito, smiling face pero may aura na parang may balak gawin.

"Teka, magpinsan kayo?" tanong ko kay Hito.

"Yeah, you don't know? Were Cousins."

PAKING TAPPE!

Si MINT na *ehem* TEACHER-ko-sa-SEX at si HITO na napagkamalan kong si MINT nung sineduce ko ay...

MAGPINSAN?!

WAAAAAH!

SMALL WORLD!!

----------

Sabi sa inyo walang kwentang Chapter e.. :((

Hmm.. May DUTY kami bukas.. 10pm - 6am.. Emergency Room :((

Woo.. Natatakot ako !! Pare, kelangan ko ata si MINT! Hahaha!

Baka SUNDAY ako magUPDATE :)) Yehey!!

-rushy

Seguir leyendo

También te gustarán

11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
10.2K 240 13
PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING When a 26 years old dying patient, Kate Bryan, lost his way to live a normal life again meet a single and jolly Do...
2.8M 12K 5
Megan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akit...
2.3M 35.1K 31
(To be published under Red Room/ LIB) The Virgin Writer Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer. Pagkatapos kang patawanin at...