OWNED BY KHALEX MONTENEGRO

Par blacklydian_6

832K 26.9K 11.1K

Khaizer Alex Montenegro Plus

Reminder
OWNED BY KHALEX MONTENEGRO
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Notice
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 80
Montenegro & Montemayor
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Kabanata 90
Kabanata 91
Kabanata 92
Kabanata 93
Kabanata 94
Kabanata 95
Kabanata 96

Kabanata 79

6.3K 238 113
Par blacklydian_6

~Things don't go the way you want them to be, because sometimes other ways are better~
-Unknown

Kabanata 79

Pabi's Pov

"Smile"sabi ng photographer. I smiled like the photographer wanted me to do. I'm holding the golden railings of this elegant stairs while looking at the right golden chandelier.

I'm wearing a mint green detailed gown, the cloth defines my curves which makes it so perfect. Top of my hair was braided and the rest were slightly curled, pairs of diamond necklace and earrings was my only accessories and a gold 6-inches high heels is what I'm wearing.

"Now look at the camera, with a very pleasy eyes" i obey and look at the camera. A lot of lights were placed at the top of the stairs near the photographer.

Nasa hotel kami ngayon ni Tito Xavier, pictorial ko ngayon para magawa na ang mga invitations. August 28 ngayon at three days from now ay birthday ko na kaya kailangan ng magawa ang mga invitations.

Aaminin kong nakakaramdam ako ng nerbyos dahil syempre maraming tao ang dadalo, schoolmates, classmates, relatives, businessmans at miski celebrities ay inimbitahan nila daddy at Keiren. Pero kahit na ganon ay lamang parin ang pagkasabik, syempre debut yon.

"Okay, we're done here"sabi ng photographer na nakatingin sa camera niya. Tinalikuran ko na siya at naglakad na pababa sa hagdan para lapitan sila Mommy at Daddy.

Nakahilig ang ulo ni Mommy sa balikat ni Daddy habang nakahawak si Daddy sa bewang nito. Malapad ang ngiti sa labi ni Mommy habang pinapanood akong bumaba.

Agad hinanap ng mata ko si Khalex, nakita ko siyang nakaupo sa maroon leather couch, nakadekwatro habang nakahalukipkip at seryosong nakatingin sakin.

Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ng yakap ni Mommy Lexi, nanoot sa ilong ko ang pabango niya."Dalagang dalaga ka na Phoebe Alisha"masayang turan nito kaya ngumiti ako at gumanti ng yakap sakaniya.

No words can speak how thankful I am for having a kind and loving stepmother.

Kumalas ako sa yakap ni Mommy at tumingin kay Daddy na parehas ni Khalex ay seryoso lang din. Inalis niya ang coat na suot niya at binalot sa katawan ko, he hold my head and give me a gentle kiss in my hair then hugged me tightly.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang higpit ng yakap niya sakin, parang ayaw pa kong pakawalan ni daddy. Rinig ko ang malalim na paghinga niya ganun din ang puso niyang sobrang bilis ng tibok.

Tiningala ko siya at pinatong ang baba ko sa dibdib niya."Ano pong meron?"nagtatakang tanong ko.

"Nothing"sabi lang niya at malalim na bumuntong hininga.

Pagkatapos kong kuhanan sa bar area kung saan nakaupo ako sa high stool habang may hawak na wine glass na may lamang red wine ay umalis na kami doon.

Nagpalit narin ako sa hotel ng white  baby tee, high-waist jeans and  white converse. At dahil spoiled brat si Kairen ay nagyaya siyang pumunta sa mall kaya doon na kami ngayon papunta.

Kumuha ako ng baby wipes at inalis ang lipstick na hindi ko natanggal ng naghilamos ako. "Dalaga na ang prinsesa, pwede ng i arrange marriage yan"pang-aasar ni Keiren na katabi ni Khalex. Pinaggigitnaan namin ni Kei si Khalex na ngayon ay masama na ang tingin sa kakambal niya.

"I arrange marriage kay Barron Lavigne"dagdag ni Kei habang nakangisi, sinipa naman ni Khalex ito kaya halos mangasim ang muka.

"No..."sabi ni daddy sa mababang boses at niliko ang sasakyan.

"A-ahh o-oo na titigil na'ko, Khalex" sabi ni Kei habang nakatakip sa muka."Wag mo lang suntukin ang napakagwapo kong muka"

"Tsk,"singhal ni Khalex. Tumingin siya sakin kaya nakangusong tinaasan ko siya ng kilay.

"Wag na wag mong sasaktan ang muka ko dahil sa debut ni Pabi, pagkakaguluhan 'to"sabi ni Kei kaya sakaniya nabaling ang paningin namin ni Khalex."Pakiramdam ko nga, ako ang magiging center of attention sa debut na yon. Pagpasok ko palang pagkakaguluhan na'ko ng mga babae"

"Nagyayabang nanaman"iritang sabi ni Kairen na nakakandong kay Mommy sa shot gun.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo 'e"ngumiwi siya at painosenteng tumingin sakin."Sorry in advance, Pabi. Satingin ko kasi makukuha ng kagwapuhan ko ang atensyon ng mga bisita mo sa birthday mo"

Pinapasok ko nalang sa isang tenga ko ang mga sinasabi niya at pinalabas sa kabila.

'Kailan pa ba'ko masasanay sa kayabangan niya?'

"Nyenyenyenye"si Kairen na nakatakip sa tenga niya.

"Sus, palibhasa panget ka"pang-aasar ni Kei.

Hininto na ni daddy ang sasakyan sa parking lot, lumabas siya at umikot para pag buksan ng pinto si Mommy.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas para makalanghap ng hangin, nag-unat unat ako dahil ang tagal kong nakaupo. Napahinto ako ng nalaglag ang locket ni Mama Allison kasama nito ang diamond ring.

Nagmamadaling yumuko ako para damputin iyon at tignan kung may gasgas ba. Muka kasing mamahalin at nakakapanghinayang kung magagasgasan o masisira lang.

Until now hindi ko parin alam ang ibig sabihin ng 'Soru' sinubukan kong isearch sa Italian & Spanish translator ganun din sa ibang lenggwahe pero hindi ko parin malaman laman. Siguro ay sa isang bansa ito na hindi ako familiar o hindi masyadong kilala?

"Pabi, let's go"dinig kong sabi ni Khalex sa likod ko. Umayos ako ng tayo at nilingon siya."Nasaan na sila daddy?"tanong ko ng mapansin kong wala na ang iba.

"Ayun na"aniya at tinuro sila Kei na naglalakad na papasok ng mall.

Naramdaman ko bigla ang kamay niya sa likod ko, bumaba ito sa bewang at hinila ang laylayan ng damit ko.

"Bakit ganto naman ang sinuot mo?"bulong niya. Paano kasi ay kita ang tyan ko at sinusubukan niyang ibaba ang tela para matakpan ito.

"Ang cute kaya"

"Tss.."

Naglakad na kami para sundan sila Daddy habang siya ay nakahawak parin sa laylayan ng damit ko. Nagpupumilit na takpan ang tyan at bewang ko.

"Hayaan mo na Khalex, wala ka ng magagawa ganyan talaga yan"sabi ko habang nakangiwi. Hindi siya nakinig at nanatiling nakahawak parin doon.

Matapos ang mahabang katahimikan ay nagsalita siya."By the way, you look gorgeous earlier"pambobola niya kaya napanguso ako. Naramdaman kong pinulupot nalang niya ang braso niya sa bewang ko.

"Medyo kinakabahan nga ako kanina"

Nangunot ang noo niya.

"Bakit naman?"

"Syempre nanonood ka, kailangan gandahan ko ang pose baka mamaya ang pangit ko na pala. Ma turn off ka sakin"

'My ghash napaka arte ko na'

Recently napansin ko sa sarili ko na pala ayos na ko, yung porma ko hindi na basta basta. Talagang nakakapagpalit ako ng sampung damit bago ako masatisfy sa suot ko. Gusto ko lagi akong maganda sa paningin niya kaya inaaraw araw ko na din ang pagsusuklay, pagba blush on at naglilip gloss na din ako.

Basta kapag alam kong kaming dalawa lang, ganun na ang gawain ko. Ewan ko ba, gusto ko kasi ako lang ang pinakamagandang babae sa paningin niya.

'Hutek iba ka na ghorl'

He chuckled sexily.

"Kahit bagong gising ka at sabog sabog ang buhok mo tuwing umaga, hindi naman ako natuturn off sayo,diba"nakangising sabi niya at mahinang pinisil ang pisngi ko."And that's the reason why you're putting make up already?"nagpipigil siya ng ngiti habang nagsasalita.

Nahihiyang tumango ako. Tumingin muna siya sa paligid bago ilapit ang labi niya sa labi ko. He kissed me passionately then sexily smirked.

"You don't need to put make up, I love a simple looking girl"

Ngumuso ako, nagpipigil ng kilig.

"Eh bakit, marami namang babaeng simple lang na mas maganda sakin ah?Edi love mo din sila?"

"Bakit Pabi ba pangalan nila?"bulong niya sa tenga ko kaya kinikilig na hinampas ko ang braso niya.

"Ano ba, parang ano naman 'to e"

"Ano ba kayo, kailangan ba talagang sunduin pa kayo?"lumapit samin si Kei at nameywang."Respeto naman sa single 'oh"madramang sabi niya at humawak pa sa dibdib niya.

Tinaasan ko siya ng kilay."Single na babaero?"tanong ko.

"Hindi ako babaero ah"depensa niya."Loyal kaya ako sa isang girls"

'Babaero talaga'

"Saan ba nagyaya si Kairen?"iritang tanong ni Khalex. Nawala nanaman siya sa mood magpakilig gawa ni Keiren, kainis.

"Aba sa Jollibee!"nakasimangot na sabi ni Kei.

"Edi sana nagpa drive thru nalang siya?"hustesyon ko.

"Exactly! Masyado kasin ini-spoiled ni Daddy"exaggerated na sabi ni Kei.

Suminghal ako."Parang hindi ka rin naman inispoil noon, hiyang hiya naman ako sayo"sarkastikong sabi ko at naglakad na, nilagay ko ang kamay ko sa pwetan ko at hinintay na hawakan ni Khalex yon.

Nang naramdaman kong mahigpit niyang hinawakan yon ay napangiti ako.

Natapos ang araw namin sa pagba- bonding, masaya at puro kami tawa gawa ni Kei at Kairen.

Tanghali kami ng umuwi at habang nasa biyahe pauwi ay nakatulog ako. Paggising ko nalang ay nasa kwarto na ko. It's either si Daddy o si Khalex ang nagdala sakin sa kwarto.

Tumitig ako sa kisame at sinubukang matulog ulit pero hindi na ko dinalaw ng antok. Bumangon ako at tumingin sa frame na binili ko nitong nakaraang linggo.

Inabot ko ito at tinitigan. Habang nasa kwarto kami ni Mama Allison ay may nakita akong picture niya kung saan hawak hawak niya ako at mukang kakaanak lang niya sakin non.

Sobrang saya ng muka niya habang nakatingin sakin, nanggigilid ang luha habang buong buo ang ngiti sa labi pero bakas parin sakaniya ang pagod at pamumutla.

Nang nakita ko yon ay binilhan ko ng frame para mai display sa kwarto ko para kada gigising ako ay nakikita ko. Niyakap ko yung frame at sinandal ang ulo sa headboard ng kama.

"Mama Allison..."

Kinuha ko sa bulsa ko ang locket at tinitigan, puno parin ako ng katanungan sa locket na'to. Hindi ko naman maitanong kay Everlyze yung tungkol sa locket ng Mommy niya dahil hindi ako sigurado kung may koneksyon nga ang nanay niya at nanay ko.

Ayoko siyang bigyan ng false hope, kailangan ko muna ng sagot bago ko masabi sakaniya. Dahil katulad niya alam ko ang pakiramdam ng walang kapiling na ina, ayokong umasa siya sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Bumangon ako para magpalit ng damit. Nagsuot ako ng peach sleeveless top, pants at white shoes. Sinuot ko ang locket at pinasok sa loob ng damit ko.

Maingat na pumasok ako sa kwarto ni Khalex para sana magpasama kaso nga lang ay tulog ito. Nakauob-ob ito sa study table niya at mukang kinatulugan na ang ginagawa, maingat na lumapit ako sa kama niya para kunin ang gray comforter at ibinalot sa katawan niya.

'Sobrang lamig kasi sa kwarto niya'

Napangiti ako ng narinig ko ang mahinang hilik, I lean and kiss his head before I went out to his room. Nagdalawang isip pa ko kung magpapaalam ako kay Daddy at Mommy kasi pagpunta ko sa kwarto nila ay tulog sila parehas.

Pagkababa ko naman ay wala ring tao, siguro ay mga nagsi-siesta pa. Nagsabi ako sa guard na kapag hinanap kako ako ng kung sino, sabihin ay nasa simenteryo lang ako.

Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng dalawang basket ng bulaklak, bumili rin ako ng dalawang kandila bago pumunta ng simenteryo.

Tinaas ko ang kanang kamay ko para pahintuin ang paparating na taxi. Tumigil ito at binuksan ang bintana."Saan po miss?"

"Simenteryo po, Kuya?"

"Ah sige miss, sakay ka na"aniya kaya sumunod ako at sumakay sa taxi. Inilapag ko muna ang mga hawak ko bago sumandal sa backrest.

Tumingin ako sa bintana at pinanood ang mga sasakyang dumadaan, hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naisipang pumunta sa sementeryo kahit  alam kong wala rin naman akong makukuhang sagot sa mga tanong ko.

Sa nakalipas na linggo ay maraming naganap, napaka smelling fishy na ni Sephora, Sean at Kurt. Hindi naman ako masyadong nagtatanong kay Sephora pero kung kailangan niya naman ng payo sakin ay papayuhan ko siya.

At si Dandreb, kinausap niya ako. I mean kami ni Khalex.

FLASHBACK...

"Okay, class dismiss"sabi ni Prof Hernandez kaya nagsigawan ang mga classmates ko ng makalabas na siya.

"Ayoko ng mag-engineer lintek na Math yan"

"Dapat di na ko nagma-math! Mag-aartista kaya ako, duh"

"Kasumpa sumpa"

"Buwiset na X yan"

Tumingin ako kay Khalex na masama ang tingin kay Tasher, pansin kong hindi na ito sumasama sa squad nila at laging loner. Nakakaawa nga, kinakausap naman siya ni Kei, Evan at Sean pero siya lang ang umiiwas.

"Tara mga bitches"sabi ni Everlyze habang nag-uunat unat."Naglalaway ako sa mangga"

"Wala namang tindang mangga dito ah"sabi ko at binalik ang notebook ko sa bag. Pansin kong tinitigan ako ni Sephora ng matagal kaya nagtatakang tinignan ko siya.

"Uy! Nagme-make up na siya"biglang sabi niya sa nang-aasar na tono kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Dumukwang palapit si Everlyze. Mahinang pinisil niya ang baba ko at hinarap sa kaliwa't kanan.

"Abay! nagpapaganda na nga si Ineng! Maagang kumekerengkeng"sabi ni Everly.

"Tsk! Wag niyo na kasing pansinin. Syempre mag-eeighteen na ko 'e"sabi ko at pabebeng inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

Syempre ayun ang idadahilan ko, alangan namang sabihin kong nagpapaganda ako para kay Khalex. Hindi pa ito ang right time para sabihin sakanila at kahit kaibigan ko sila ay mananatili munang sikreto ang ganap samin ni Khalex.

Malakas na pumalakpak si Everly ng isang beses dahilan kung bakit nagulat pa ang mga babae sa unahang row namin."Nako magbi- birthday nga pala ang singer"aniya na mukang narinig pa ng iba.

"Uy Pabi, dapat invited kami ah"sabi ni Kiara na binubura ang nakasulat sa blackboard, tumango naman ako at ngumiti.

"Ako din ah!"sabi ni Nelsong Supot.

"Sure.."

"Edi bongga yon?"biglang tanong ni Jehrca.

"Ano pa bang aasahan mo? Syempre tatay niya si Kaizer Montenegro, bongga yon for sure"sabat ni Lily.

Napangiwi ako ng sabay sabay nila akong kinantahan ng 'happy birthday' kahit isang linggo pa naman bago ang birthday ko.

"Ey! Sayo ang babae ako ang dadale, happy happy happy birthday sana'y malasing mo kami"kanta ni Kei habang napalakpak. Nagtawanan kami at nagkasayahan ng konti, buti at wala na si Zsa Zsa na kontrabida sa section namin at sa buhay ko dahil lumamon na ito.

"Let's go.."yaya sakin ni Khalex ng kami nalang ang natira sa room, sinadya namin yon para magsabay kami papuntang cafeteria.

At dahil curious ako sa kung anong meron kay Tasher ay tatanungin ko sana siya kaso ng napansin kong sobrang seryoso niya ay tumahimik nalang ako. Maybe kapag hindi na mainit ang ulo niya?

Lalabas palang sana kami ng pumasok si Dandreb. Agad akong tinago ni Khalex sa likod niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Papayag akong masaktan, wag mo lang gagalawin si Pabi"seryosong sabi ni Khalex kaya tinignan ko siya bago tignan si Dan na seryosong nakatingin kay Khalex.

Muntik ko ng makalimutan ang away nila, yung gang war nila. Dapat kumbinsihan ko si Dan at Khalex na itigil na yon kahit hindi ko alam ang puno't dulo basta ang alam ko isa rin ako sa dahilan.

"Nakikiusap ako," ako na ang bumasag sa katahimikang walang sino man sakanila ang gustong bumasag. Sakin nabaling ang paningin nila."Kung itutuloy niyo yang away niyo, nakikiusap ako. Pwede niyong pag-usapan, wag niyong idaan sa sakitan" pakiusap ko sakanila."Masusulusyunan niyo ang gulo sa pagitan niyo ng walang nasasaktan"

Tumingin ako kay Dan at Khalex."Hindi ko alam kung anong reason niyo. Kung saan nagsimula yang away niyo pero sana isipin niyo yung maidudulot na masama non. Kundi sainyo, sa mga kasamahan ni-."

"Wag kang mag-alala dahil hindi na matutuloy yon, Pabi"biglang sabi ni Dan kaya nahinto ako sa pagsasalita. Nangunot ang noo ko at nilingon si Khalex.

"Tama ka wala yong maidudulot na mabuti"narinig kong bumuntong hininga si Dan.

"So baliwala na yung pagyayabang mo?"maangas na tanong ni Khalex kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ka ba, hinihinto na nga nung tao 'e"

"Eh siya naman may gusto nong gang war na yon,"

"Oo,Pabi"biglang sabi ni Dan kaya sakaniya nabaling ang paningin ko."Ako ang pumipilit na ituloy ang gang war na'yon dahil napaka laking threat ni Khalex Montenegro sakin."

Nangunot ang noo ko. Malalim akong bumuntong hininga, ngayon na ang pagkakataon ko para magtanong sakaniya.

"Bakit naman threat si Khalex sayo?"

Bumuntong hininga siya."Matagal na panahon ko ng pinagsusumikapang bumuo ng gang. Nagpalakas ako at tinalo ang ibang kilalang gangster dito para ako ang tingalain, para ako ang katakutan" seryosong sabi niya.

"B-Bakit?"maingat na tanong ko. I awkwardly smile and wait for his response.

"Kasi sawang sawa na ko sa pambubully sakin. Nagsawa na ko sa pang-iinsulto, pananakit at panghuhusga nila"aniya."Sa mundong 'to, may pamantayan ang pagturing sa'yo ng tao"makahulugang turan niya.

"Lahat ay huhusgahan ka dahil sa itsura mo. Pupunahin ang mga bagay na mali sayo at gagawin kang katawa tawa para sa sariling kaligayan nila, ni hindi nila naiisip ang nararamdaman ko sa pambubully nila"

Naiintindihan ko kung bakit niya sinasabi ito, kung bakit sabi niya ay binubully siya. Noon kasi ang sobrang payat at maitim siya, kinaibigan ko naman siya ng hindi bumabase sa panlabas na itsura niya pero siyempre iba na nga naman ang kabataan ngayon.

"Pilit kong binabaliwala ang lahat sa utos ni Nanay. Kasi kapag lumaban daw ako ay parang maging kasing sama ko na din sila. Pinilit kong maging mabuti, pinilit kong maglakad sa harapan nila na parang baliwala lang ang lahat pero hindi nila ako tinigilan dahil mas lumala at lalo nila akong pinanggigilan"lumunok siya at tumingin sa malayo. Mukang inaalala ang mga panahong nangyari iyon sakaniya."Makatapos lang ang gusto ko kaya pilit kong sinisikmura ang lahat"

Kahit sobrang layo ng sagot niya sa tanong ko at halos magkwento na siya ay naiintindihan ko na ang rason.

"Tapos isang araw, pag-uwi ko sa bahay harap harapan kong nakikita"pumiyok ang boses niya na para bang sa matagal na panahon ay ngayon lang niya nailabas ang hinanakit niya."Yung nanay ko, pinatay"pumatak ang luha sa mata niya, napatakip ako sa bibig ko sa sobrang gulat.

"Hindi narin niya maatim ang ginagawa sakin kaya pinagbantaan niya ang mga magulang ng classmates ko. Na kung hindi nila didisiplinahin ang mga anak nila at magpatuloy parin ang pambubully sakin ay magsasampa na siya ng kaso"tumingin siya deretso sa mata ko.

"May isang politician na magulang ng classmate ko na sinubukang bayaran si Nanay para tumahimik, hindi tinanggap ni Nanay yon dahil para sakaniya walang salapi ang papantay sa pagmamahal niya sakin. Desidido siyang ipaglaban ang tama"

"Kaso nga lang, ang taong magsasalita, pinapatahimik agad"makahulugang sabi niya, napatungo ako at hindi makapaniwala sa mga naririnig ko galing sakaniya.

"Namulat ako sa masalimuot na mundong 'to. Punong puno ng galit ang puso ko at dahil doon, pinilit kong magbago"aniya sa sobrang lalim na boses.

"Sa pagbabago ko ay nakalimutan ko na ang mga tinuran ng nanay ko, nagpadala ako sa labis na galit na miski ang sarili ko ay hindi ko na nakilala. Sa sobrang pag-aambisyon kong maging malakas ay naging ibang tao na ko"

"Nang nakilala ka"tumingin siya kay Khalex na seryosong nakatingin sakaniya."Inisip ko na mawawala sakin lahat ng pinaghirapan ko. Natakot akong maging mahina ulit kaya naisip ko na kapag nawala ka sa landas ko ay ako na ulit ang kakatakutan at igagalang"

Napatulala ako sakaniya, hindi ko talaga inaakala na sa likod ng ngiti niya ay may pasan pasan pala siyang masalimuot na mga alaala.

At isa pa nahahabag ako sa katotohang kailangan mong itikom ang bibig mo kahit alam mong may mali. Kaya lalong lumalaganap ang kasamaan dahil lahat ay takot magsalita dahil alam nga naman nilang buhay ang kapalit kapag nagsalita sila.

Naiintindihan ko kung magbabago talaga siya, naiintindihan ko ang takot na nararamdaman niya dahil nakakatakot nga namang bumalik sa nakaraang tinakbuhan mo na.

At dahil threat nga daw si Khalex sakaniya ay ginusto niyang labanan ito para patunayan sa sarili niya na hindi na siya mahina katulad ng dati.

'Eto yung reason? Pwede namang pag-usapan, pinatagal pa? Lalaki nga naman! Syempre payabangan at pataasan ng pride muna'

"At isa pa, nakikita din kitang threat  samin ni Phoebe Alisha. Gustong gusto ko siya dahil siya lang ang babaeng hindi humusga sakin at hindi tinignan ang panlabas na anyo ko."bahagya siyang ngumiti sakin."Pasensya na kung dinamay kita sa gulong ako ang nagsimula pero wag ka ng mag-alala hindi na mangyayari ang kinatatakutan mo"

Madramang huminga ako at malapad na ngumiti. Doon ko naalalang may hinanakit pala siya sa mga Montenegro.

"Bakit nga pala galit ka sa mga Montenegro?"

"Kasi lagi kong naririnig dati sa Tita Macey mo kung gaano kasama ang mga Montenegro at 'kung paano ka awayin ni Khalex Montenegro'"madiing sabi niya."Nagalit ako dahil inaapi ka daw nila lalo na si Kaizer Montenegro"

'Napakasinunggaling talaga'

END OF FLASHBACK...

Nung una hindi namin alam ni Khalex yung pinaka reason kung bakit biglang sumuko si Dandreb. Pero recently lagi naming nakikita ni Khalex na may sinusundong magandang babae sa simbahan, maybe binago nung babae ang pananaw niya sa buhay at syempre napakasaya ko para sakaniya.

"Miss, nandito na po tayo"natauhan ako ng nasalita ang driver, nasa simenteryo na pala kami.

Sinabi niya ang presyo kaya binayaran ko siya at binigyan ng tip pasasalamat sa ligtas sa biyahe.

Pagkababa ko ay huminga ako ng malalim para damhin ang hangin, chineck ko muna yung kandila at bulaklak bago naglakad palapit sa puntod ni Mama Allison.

Napawi ang ngiti ko at agad nangunot ang noo ko ng may nakita akong babae, naka indian sit ito sa tabi ng lapida ni Mama Allison at tinatangay ang mahaba at tuwid nitong buhok na hanggang bewang.

Nakatitig lang ito sa lapida ni Mama Allison. Nagpabalik balik ang paningin ko sa lapida ni Mama Allison at sa babae.

Hindi ako nagsalita, hinihintay at inaabangan ko kung anong gagawin niya. Hindi ko naman gaano makita ang muka nito dahil may hibla ng buhok na nakaharang sa muka nito.

Malalim itong bumuntong hininga at tumayo, pagkalingon niya paharap sakin ay para siyang naestatwa. Doon ko natitigan ang muka niya, muka siyang nasa Mid 30s or 40s pero hindi ako sure.

"A-Ano pong ginagawa mo sa lapida ng nanay ko?"tanong ko at muling nagpalipat lipat ang tingin sakaniya at sa lapida ni Mama Allison."K-Kakilala mo po ba siya?"

Tumingin ako sa mata niya ng hindi siya nagsalita. Nanggigilid ang luha sa mata niya habang ang labi niya ay mariing nakatikom na parang pinipigilan ang sariling magsalita.

"A-Ayos lang po ba kayo?"nahihiyang tanong ko. Hindi ko inalis ang paningin ko sakaniya habang kinukuha ko ang panyo sa bulsa ko, inabot ko iyon sakaniya.

Tinitigan niya muna iyon sa kamay ko bago nangangatog ang kamay na tinanggap, nagtataka ako sa ikinikilos niya at nagtataka ako kung bakit siya naluluha. Pero infairness ha, napakagandan naman niyang umiyak.

"A-Ayos lang ako"malapad siyang ngumiti at ginamit ang panyo ko para punasan ang luha sa gilid ng mata niya."Aalis na'ko, sorry sa abala"

Magtatanong pa sana ako kaso nga lang ay nilampasan niya na ko. Nilingon ko  lang siya at hinintay na makalabas ng sementeryo.

Kanina habang tinititigan ko ang muka niya ay parang may namumukaan ako sakaniya.

'Hindi ako sure pero parang kahawig niya si Everlyze'

Zsa Zsa's Pov

'Urgh! The nerve with that bitch'

Nanlilisik ang matang nakatingin ako sa malanding Phoebe Alisha na yon. She's such a slut, my gosh! She's still flirting with Khalex.

Matapos ko siyang utuin nung nakaraan akala ko ay magtatagumpay na'ko na mapasakin si Khalex Montenegro! Pero hindi, inakit niya parin si Khalex at ngayon magkasama nanaman sila. Lilingkis lingkis na parang ahas.

I wanna slap her face hundred times. No words can explain how angry i am with that bitch.

Naglalakad ako pasunod sakanila, for sure ay pipilitin nanaman niyang isabay siya ni Khalex sa Lamborghini niya.

I rolled my eyes and hide so Khalex's suspicious eyes won't see me. He always can feel if someone was near at him and he can also feel if someone was looking at him.

"What happen to your uniform?"rinig kong tanong ni Khalex.Bahagya akong sumilip at nakita kong naglabas siya ng panyo para punasan ang mantsa sa damit ng malanding Phoebe Alisha na yon.

'Ginagawa niyang sunud sunuran si Khalex sakaniya, argh! Nakakainis'

"Namantsahan ni Everlyze kanina, ang likot kasi ayan ang dami tuloy natapon sakin"nakangusong sabi ni Pabi."Hayaan mo na Khalex. Lalabhan ko nalang, matinding kusutan kasi ang gagawin ni Ate Jenny dahil mahirap maalis 'to, hindi din naman maalis ng papunas punas lang kaya tigilan mo na. Pinapagod mo lang sarili mo"

'Why so feeling mabait?'

"Fine,"nakangiting sabi ni Khalex."Tutulungan kitang maglaba mamaya ha, wala naman akong gagawin 'e"

"Talaga? Khalex Montenegro, maglalaba?"

"Oo naman basta para kay Phoebe Alisha"

Sometimes I wonder, saan kaya nakuha ni Pabi ang ginamit niyang panggayuma kay Khalex?

Mas maganda, mas sexy at mas maganda akong pumorma kaysa kay Pabi na mukang panget at napakabaduy pumorma pero bakit ayun parin ang pinipili ni Khalex? Yung pangit na malanding babaeng yon.

Bumaon ang kaka nail polish ko lang na kuko sa chanel bag ko sa sobrang gigil. Pinanood ko kung paano umalis ang sasakyan ni Khalex.

'Nagtagumpay nanaman si Phoebe Alisha ngayon'

Malakas akong tumili sa sobrang frustration, lahat nalang ginawa ko para magustuhan niya ko. Kahit bata palang kami, lagi na kong nagpapacute sakaniya at lagi siyang binibigyan ng regalo pero lagi nalang kay Pabi ang paningin niya.

Gusto ko ng mawala sa buhay namin si Pabi pero mahihirapan ako dahil masyado siya protektado ni Tito Kaizer at isa pa magkaibigan sila ni Daddy Xavier, napakalaking conflict non sa pagitan nila.

"You really like Khalex,huh?"natigil ako sa pag-iisip ng lumapit sakin si Tasher, nakapamulsa ito at walang emosyong nakatingin sa gate na nilabasan nila Khalex.

"Isn't it obvious?" I irritatedly said."Atsaka lagi mo naman akong nakikitang nakasunod sa kaibigan mo diba?" I sarcasticly added.

"He's not my friend anymore"he said with a very cold and deep voice. I stare at him, anger were visible in his eyes.

"And so... why are you talking to me then? As if I care about your friendship? Duh, no! I only care about Khalex"mataray na sabi ko.

He look at me with emotionless eyes."I can help you"

"Help me in what?"nagtatakang tanong ko, tumingin siya sa kaliwa't kanan bago ilapit ang muka sakin. Bahagya pang nanlaki ang mata ko at napaiwas. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Paghihiwalayin natin si Khalex at Pabi. Sayo si Khalex at akin si Pabi"

Now he got my interest."I like what you're talking about,hmm"ngumiwi ako at tinaasan siya ng kilay."How?"

Muli siyang tumingin sa paligid bago ako senyasang sumakay sa kotse niya, sumunod naman ako dahil baka matulungan niya nga ako sa matagal ko ng gusto.

'Ang mapasakin si Khalex'

"This plan will surely work because Macey Briones, Pabi's auntie will help us"


.

Ang boringness na nitong story ko
:( Next chapter will be the revelationssss.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

737K 25.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
32.5K 2.8K 42
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...