Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

Galing kay Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ Higit pa

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXVII

7.1K 204 27
Galing kay Invalidatedman

Note: Yaa! Sorrrrryyyy naaaa! Ang tagal kong nawala. Eh kasi naman, ang dami talagang school works. Alam niyo namang study pa rin ang priorities ko diba at libangan ko lang 'tong pagsusulat. Siguro sa mga darating na araw lalo pang magiging busy kasi papalapit na ng papalapit ang finals. Pero after that, promise! Sisipagan ko na ulit ang pag-uupdate. 

* Reggo

" Hoooyy... ano ba, bae. Kanina ka pa jan nag-i-space out. " kalabit ulit sa akin ni Nixon habang kumakain kami. 

Nakakailan na siyang kalabit sa akin at nakakailang banggit na rin siya sa akin kung bakit ako nag-i-space out pero talagang hindi ko mapigilan. Akala ko nalimutan na niya. Akala ko kasi wala siyang ginagawang effort para sa first monthsary namin. Pero 'yun pala, mas ako pa 'yung dapat mahiya kasi bukod sa wala na nga akong nagawang espesyal para sa araw na 'to, may gana pa akong pag-isipan at pagdudahan 'yung pagmamahal niya sa'kin. 

" Hin...hindi ko lang kasi akalain na... " 

" Akala mo nakalimutan ko na? " tanong niya. Binitawan niya 'yung kubyertos niya at saka tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at lumapit sa akin. " Pa'no ko makakalimutan ang isang araw na matagal ko ng pinaghahandaan? Birthday ko pwede ko pang makalimutan, pero ang araw kung kailan pinayagan mo akong maging may-ari ng puso mo, nakatatak na 'yun hindi lang dito. " sabay kuha ng kamay ko at saka itinuro 'yung utak niya. "... kundi pati dito. " sabay lipat nito sa kanyang dibdib. 

" Wa...wala na akong masabi. Wala pa yatang naiimbentong salita para maiexpress ko 'yung sayang nararamdaman ko. " wika ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang dalawang mata. 

" Hindi mo naman kailangang magsalita, wala ka rin namang kailangan gawin. Basta maramdaman mo lang na mahal kita, sapat na sa'kin 'yun. " ganti naman niya.

" Ikaw naman kasi eh! " sabay suntok ko sa dibdib niya. Napahawak naman siya sa parteng sinuntok ko. 

" Aray ko. Tapang mo ah! Anong ako? " 

" Ikaw... oo ikaw! Akala ko kinalimutan mo na. Paano ba naman kasi, palagi mo na lang akong iniiwan. 'Pag hindi hinahayaan mo akong umuwi mag-isa, iniiwan mo ako kay Gray. Naisip ko tuloy baka hindi mo na ako mahal. Kasi mismong sa ex ko mo ako hinahabilin. Tapos nawawalan ka pa ng time sa'kin. Kaya ayun... " napatungo na lang ako. Parang noon ko lang narealize kung gaano kachildish para maramdaman at sabihin 'yun.

" 'Yun ba? Sorry na. " at saka niya inilift-up 'yung baba ko gamit 'yung mga daliri niya. " Maniwala ka man sa akin o hindi, hindi ganoon kadaling iwan ko, lalo pa doon sa taong minsan mo ng minahal. Kaso, ganoon talaga. May mga bagay na kailangan isakripisyo para sa ikabubuti ng sitwasyon.parang may pumitik sa puso ko ng marinig ko 'yung mga katagang 'yun. Parang may mali. Parang may hindi tama. 

" Anong sinasabi mo? " naguguluhan kong tanong. " Bakit may isasakripisyo? Anong sitwasyon? " 

" Ano... ito. Ito mismo. " tapos kinagat niya 'yung lower lip niya at saka umiba ng tingin. " Kung ano... kung hindi kita iniiwan eh 'di ano... parang... parang ano, walang ganito. Diba? Oo, tama. Ginawa ko 'yun para masurprise ka. Para memorable 'yung first monthsary natin. " pero 'yung body language niya, parang uneasy siya. " At saka alam ko naman, 'yung mga salita mong mahal mo ako, 'yun ang pinaghahawakan ko kaya hindi ako natatakot na ka kahit pa doonsa taong minsan mo ng minahal.My love for you is bigger than doubts, Reggo.

" Sige na, sige na. " pagbasag ko sa seryosong hanging bumabalot sa amin. Hindi ako sanay. " Tapusin na lang muna natin 'tong pagkain. " at saka siya bumalik sa kanyang upuan at ipinagpatuloy ang pagkain.

" Nga pala, sorry ha. Wala man lang akong naiprepare na kahit anong regalo sa'yo. Hayaan mo, next time, ako naman ang magpeprepare. " pero kakaibang titig at misteryosong ngiti lang ang natanggap ko mula sa kanya.

Nagtataka man, hindi ko na lang ito pinansin. Ako pa ba ang may ganang magtanong at magduda? Sobra sobra na 'yung ginawa niya ngayong gabi para lang maipakita't maiparamdama sa akin kung gaano niya ako kamahal eh. 

Hindi niyo na itatanong, wala akong kaalam alam sa mangyayari talaga. Basta sinundo ako ni Miko. Akala ko naman kung ano lang ang pupuntahan namin. Akala ko, lilibangin lang ako ng barkada kasi siyempre, depress ako. Ang alam ko, 'yung boyfriend ko, walang ginagawang effort para man lang makasama ako sa monthsary namin. Kaya simpleng short at v-neck lang ang suot ko. Kaya pala pagsakay ko ng kotse niya, bumungad kaagad sa akin 'yung mga tanong niya na...

" Sigurado ka? 'Yan ang isusuot mo? " 

" Eh ano bang dapat kong isuot? " iritado kong tanong. 

" Wala! Sige, ayos na 'yan. " may ibinubulong pa siya 'nun eh pero hindi na niya sinabi sa akin. Ayun, pinabayaan ko na lang. 

Nagpanic ako ng dalhin niya ako sa isang hotel.

" Hoy! Nasisiraan ka na ba ng bait? Kung hindi mo mahal at nirerespeto 'yung partner mo, pwes ibahin mo ako. Oo, may misunderstanding kami ngayon. Oo, monthsary namin ngayon pero wala siya. Pero hindi ibig sabihin 'non ay may lisensya na akong gumawa ng mga kabalbalan kapag nakatalikod siya. Of all people, Miko! Ikaw pa?! Ikaw pa pala ang... " pinutol niya 'yung paglilitanya ko.

" Ano ba! Pwedeng tumahimik ka? Anong sinasabi mo? Pwede wag kang mangarap, tang-*^@ naman dito oh. Napakisuyuan na nga lang ako, napag-isipan pang manyakis. Oh ayan, ipakita mo 'yan sa receptionist ng hotel. Makaalis na. Lintek naman oh. " 

Gusto ko sana siyang pigilan at humingi ng despensa. E kasi naman, akala ko kung ano ng balak niya. Kaso mabilis siyang nakaalis. Hayaan na, sa susunod na lang. Naikwento ko nga 'to kay Nixon habang kumakain kami at halos umupo na siya sa kakatawa. Eh kasi naman eh, akala ko lang naman kasi.

Napatingin ako sa hawak ko at para itong isang pass. Napatingin ako sa dambuhalang gusaling nasa harap ko. Ginawa ko na lang 'yung sinabi niya. Ipinakita ko 'yung ibinigay niya at kaagad naman ako nitong dinala sa rooftop ng hotel. Noong iwanan ako dito ng receptionist ay natakot ako dahil ako lang mag-isa, isama mo pa 'yung madilim at malamig na paligid pero saktong pipihitin ko na 'yung doorknob ng pinto para sana umalis ay lumiwanag ang paligid. 

Nakita ko ang magarang pagkakaset-up ng isang romentic dinner para sa dalawang tao. Ang mga nagkalat na petals ng rose sa daan. Ang mga lamparang idinuduyan ng hangin. Ang mga lalaking tumutugtog ng violin. At ang lalaking dahilan kung bakit naging posible ang lahat ng ito.  And the rest was history. 

***

" Sayaw tayo? " 


Inilahad niya 'yung kamay niya sa harap ko. Bilang tugon, kinuha ko naman ito at inalalayan niya ako sa gitna kung saan may simpleng platform na nababalutan ng mga petals ng bulaklak. Ngayon, kami na lamang dalawa ang nandito. Wala na 'yung mga lalaking tumutugtog.

" Asan 'yung tugtog? Wala naman eh. Hahaha. " sabi ko.

" Hindi naman natin kailangan ng tugtog diba? " 

Bigla niya akong hinablot papalapit sa kanya at tuluyan niyang ibinaon 'yung mukha niya sa balikat ko. Ako nama'y nagulat. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon 'yung kinikilos niya. Gustuhin ko mang magtanong, pero parang bigla akong nawalan ng lakas. Biglang umurong 'yung dila ko. Naramdaman ko na lang 'yung kamay niya sa bewang kong unti-unting pumulupot. Kusa namang dumako 'yung kamay ko sa balikat niya. Matapos 'yon, inilayo niya 'yung kanyang ulo, sapat na para makita ko 'yung mukha niya. May kakaiba eh. Ayokong isipin na may lungkot sa mata niya dahil wala naman siyang dapat ikalungot diba? Monthsary namin. Kaya imposible 'yun! Hanggang sa natagpuan ko na lamang 'yung katawan naming gumagalaw sa saliw ng musika ng aming puso na kami lang ang nakakarinig. 

'Yung mata namin, ayaw ng magbitaw. Hindi mapatid 'yung titigan namin. Parang kahit hindi bumubuka 'yung mga labi namin at saka hindi kami nag-uusap, nagkakaintindihan 'yung mga puso namin? 

Hindi ko alam kung bakit pero habang nakatitig ako sa mga mata niya, bigla kong nakita si Gray. Dahilan para mapatid 'yung tinginan namin.

" O... ok ka lang? Anong nangyari? " tanong niya.

Hindi naman ako makatingin sa kanya. Heto na naman ako. Dapat hindi ako nag-iisip ng ganito eh. 

" O... ok lang. Sorry. Napuwing lang. " 

Hahawakan ko na sana ulit 'yung kamay niya para ipagpatuloy 'yung naudlot naming oras kaso sabi tapos na daw. Binibiro pa nga niya ako na amsyado ko naman daw na-enjoy. Pinaupo niya lamang ako sa isang tabi at saka siya kumuha ng gitara doon sa tabi. 

" Bae, may ipapakiusap lang sana ako sa'yo habang kumakanta ako. " wika niya.

" Sure. Sige. Ano ba 'yon? " 

" Sana... habang kumakanta ako, ano... makinig ka. Dahil ito 'yung kwento ng pagmamahal ko sa'yo. Hayaan mo akong tapusin 'yung kanta. 'Wag kang sisingit! Mag-promise ka! " sabay duro sa akin. 

" HAHAHA. Oo na! Promise. " 

" Kahit gaano kapangit 'yung boses ko, 'wag kang sisingit ha? Kahit anong mangyari... papakinggan mo lang ako. " 

Maya-maya'y kinapa na niya 'yung gitara at sinimulang itono. Nang makuha na niya 'yung tamang tunog at tiyempo, tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. Ako nama'y nanatili lang nakatitig sa kanya.

♪ ♫ I tried so hard to forget you

But I won't move on

I changed my ways, lived without you

But I won't go on

I find my heart still holding on

And I won't let my feelings find its home ♫ ♪

Napatawa naman ako habang kinakanta niya 'yon.

" Parang tayo lang noon. " nasabi ko noon sa sarili ko habang nakatitig sa kanya. Ganyan kasi kami noon. Lumayo siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan noong mga oras na close na close na talaga kami. Halos mamatay ako sa kakaisip kung nasaktan ko ba siya, o kung may nagawa akong masama sa kanya. Palagi na lang niya akong iniiwasan. Hindi niya ako kinikibo. Hanggang sa ipagtapat niya sa akin 'yung nararamdaman niya, doon ko lang naintindihan.

♪ ♫ The more I try to ignore you

My hearts point to you

And when I try to run from you

My mind thinks of you

I find myself crying at night

And my tears won't stop falling

'Cause my heart stops from beating

Until I say your name. ♫ ♪

Habang kinakanta niya iyon, nakatitig lang siya sa akin. Parang tagos talaga sa puso 'yung bawat lyrics ng kanta na sinsabi niya. 

♪ ♫ But I will tell my mind, convince it

I don't need you, I dont.

And I will tell my heart, convince it

I don't love you, I don't.

And I will tell myself that I can live withouy you, Oh no.

Though I'd be lying

Atleast I'm trying

To move on. ♫ ♪

Nanlaki 'yung mata ko sa oras na marealize ko kung ano 'yung ibig sabihin noong mga lyrics ng kantang 'yun. 

" Nixon! Ano 'to? Ano 'yan? Itigil mo 'yan... itigil mo sabi 'yan eh. " dali-dali akong tumayo mula sa kinauupuan ko pilit inagaw sa kanya 'yung gitara. 

Pero hindi niya ako pinapansin. Pilit siyang lumalayo sa akin habang umiiling. Kasabay nito'y lumabas 'yung mga luha sa kanyang mga mata. 

♫ ♪ I tried to spend all my time

To find someone new

Someone who could take this love

That once was for you

But I don't fool somone

Just to make me feel alright

I need to get you off my mind

And so I will find a way. ♪ ♫ 

♪ ♫ But I will tell my mind, convince it

I don't need you, I dont.

And I will tell my heart, convince it

I don't love you, I don't.

And I will tell myself that I can live withouy you, Oh no.

Though I'd be lying

Atleast I'm trying

To move on. ♫ ♪

Napasapo na lamang ako sa noo ko habang unti-unting bumibigat 'yung nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ko mapigilang magmura at sigawan siya sa mukha. Pilit kong pinapakalma 'yung sarili ko pero hindi ko magawa. Napaupo na lamang ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. 

Tiningnan ko siya at nakita kong nababalot ng kalungkutan 'yung mata niya. Heto ba? Eto ba 'yung dahilan kung bakit ganoon na lamag siyang kumilos kanina? May kutob na ako sa kung ano mang mangayayari pero ayaw kong maniwala. 

♫ ♪ One day I know I'd come to understand

You're not meant to believe

That I'm the one that you need

Until I understand. ♪ ♫

♪ ♫ But I will tell my mind, convince it

I don't need you, I dont.

And I will tell my heart, convince it

I don't love you, I don't.

And I will tell myself that I can live withouy you, Oh no.

Though I'd be lying

Atleast I'm trying

To move on. ♫ ♪

Pilit kong hinahawakan 'yung mga kamay niya, 'yung mukha niya pero pilit niyang inilalayo 'yung sarili niya. Bawat hakbang niya papalayo sa'kin, unti-unting lumilinaw na lumalayo na rin siya sa akin, literal. 

" Nixon... Ano 'to?! Bae? Ba't may ganito? " wika ko sa pangalan niya ng may tono ng pagmamakaawa. 

" Reggo... tingin ko, ano... hang... hanggang dito na lang ako. " biglang nagcrack 'yung boses niya. Pilit niyang nilalabanan 'yung emosyon niya, pero sadyang malakas ito kaya naman unti-unting nag-unahan 'yung mga luhang bumagsak mula sa kanyang mata. 

" Ano? Anong sinasabi mo, Nix? Hindi ka ba naniniwala sa'kin? Hindi ka ba naniniwalang mahal kita? Nix naman. Ginawa ko naman lahat diba? Hindi pa ba sapat? " napahilamos na lang ako sa mukha ko. " Ano? Hindi pa ba sapat? If that so, papatunayan ko. Dodoblehin ko 'yung effort ko. Dodoblehin ko 'yung pagmamahal na pinaparamdam ko sa'yo ngayon. Nixon naman. " 

" Naniniwala naman ako, Reggo eh. Pero... pero mas mahal mo siya. "

" A...ano. Nixon.... hindi. Ganit... " 

" 'Yung mga tingin mo eh, alam ko 'yung mga tingin mong 'yun. Alam ko 'yun dahil ganoon akong tumingin sa'yo. " 

Naalala ko 'yung sinabi niya kanina, ginawa niya lahat para maging memorable itong first monthsary namin. Congratulations, Nixon. Napakamemorable nitong first... and last monthsary natin. 

***

Ok. First, sorry sa crappy update. Nag-aadjust lang ulit 'yung utak ko. Bigyan niyo pa ako ng kaunting oras para irefresh 'yung pagsusulat ko. Pangalawa, may part two pa 'tong dramahan nila. Pangatlo, may pinaghugutan akong story nito. Doon sa isang chapter ng isang story na talagang sinubaybayan ko. Hindi ko na babanggitin :) 

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.6K 437 46
This is a story full of happiness that turns into sadness and pain when they discover more things about themselves. It is a story that makes you laug...
1K 132 59
At Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a p...
143K 9.4K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...