Chapter XXXVIII

5K 162 25
                                    

A/n: Gagawin ko pong dalawang part itong BS nila. Parehas siyang naka-private so kung hindi niyo man po mabasa eh kailangan niyo po muna akong i-follow then irefresh niyo lang ulit 'yung page. Gusto ko ring sabihin na 'wag po kayong mag-expect ng hot na BS. HAHAHA! Hindi ko alam kung ok na ba 'tong nagawa ko pero parang hindi. HAHAHA. Basta! Bigay niyo na lang sa akin 'yung opinions/ feedbacks/ suggestions niyo sa'kin via comment ha? Para ma-improve ko kung sakaling pangit nga. HAHAHA

P.S. Parang ang awkward lang nung UD ko. Lenten season, tapos Good Friday pa tapos ganito. HAHAHA. Wala lang. :) 



*Reggo






Noong mga oras na nagtama 'yung mga mata namin, alam ko na. Parang alam ko na 'yung mga mangyayaring susunod. Given the fact na alam ko na nga 'yung mangyayari, hindi ko alam, hindi ko maintindihan 'yung sarili ko kung bakit hinayaan ko lang na mangyari 'yun. Parang bigla akong tinakasan ng lakas ko para magpumiglas, para pigilan siya. Parang kusang gumagalaw 'yung katawan ko at nagpapatangay sa init ng sensasyong bumabalot sa aming dalawa ngayon. Halos mabingi na 'yung tenga ko sa kakasigaw ng isip ko na tama na. Mali 'yan. Itigil mo na. pero walang tugon 'yung katawan ko. Sige pa rin. 



" I love you, Reggo. " 



Punong-puno ng emosyon niyang sinabi ng hindi bumibitiw sa tinginan namin.



" I love you too, Gray. " 




Dahan-dahan. Unti-unting naglapit 'yung mga labi namin. Parang bumalik lahat sa dati. Parang bago lahat. 


Noong una'y hindi ko alam ang gagawin ko. Nandoon pa rin 'yung takot sa puso ko. Pero nakita ko na lang 'yung sarili kong tumutugon sa matatamis niyang halik. Kakaiba eh. Parang punong puno ng pagmamahal. Hindi lang 'to libog. Hindi lang 'to init ng katawan. Maya-maya pa'y biglang lumalim 'yung mga halik niya. Naramdaman ko 'yung kanyang dila na gustong pumasok sa aking bibig. Marahan kong binigyang daan 'yung kanyang dila at malaya niyang inangkin ang aking bibig. Hindi ko maipaliwanag 'yung pakiramdam. Tumayo lahat ng balahibo ko. Wala na akong masabi. Napuno ng mga mahihinang ungol at mga halinghing ang buong kwarto. 


Naramdaman kong naglakbay ang kanyang mga kamay pababasa laylayan ng aking school uniform. Nakuha ko naman 'yung nais niyang mangyari kaya tinulungan ko na siya mismo sa pag-aalis ng suot ko. Dali-dali ko ring inalis 'yung suot pang-itaas niya at ngayo'y kapwa na kami hubad. Naging malikot 'yung kamay niya. Habang 'yung kamay ko nama'y walang sawang minememorya ang hugis ng kanyang katawan. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakadampi ang mga palad ko sa kanyang dibdib pababa sa kanyang abs. Hindi man ito 'yung pinaka-magandang katawan sa buong mundo, pero ibang klaseng init ang naidudulot nito sa akin. Parang nakukuryente ako sa tuwing dadampian ng daliri ko 'yung matitigas niyang muscle. 



" Ahh... Gray. " ang nasabi ko noong kurot-kurotin niya 'yung tayong tayo kong nipple. 



Maya-maya'y bumaba 'yung mga halik niya mula sa aking labi pababa sa aking leeg hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglukob ng kanyang mainit na bibig sa aking dibdib. Ngayo'y siya na ang nasa ibabaw ko. 


Para akong baliw na hindi maintindihan kung saan ipapaling ang aking leeg. Ibayong sarap at sensasyon ang dulot ng ginagawa niya sa akin. Sa tuwing kakagat-kagatin niya at pagkuwa'y didilaan, halos mapunit ko 'yung bedsheet ko. Halos masabunutan ko na rin siya. Habang ginagawa niya iyon ay naramdaman ko 'yung kamay niyang inaalis ang suot pang-baba ko. Pinabayaan ko lang siya. At ganoon nga ang nangyari. Sa isang iglap lamang ay wala na akong suot na kahit na ano at malaya niyang natitigan ang buong katawan ko.



Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now