Chapter III

14.1K 292 88
                                    

[ A/n: Yaa. Sorry kung matagal walang update. Hell week kasi eh :3 Tapos may mga semestral farewell parties pang pinuntahan. Sorry ♥~♥ ]

PS: Pinapaalala ko ulit na marami kayong maeencounter na flashbacks. Karamihan SPG. Lol. 

* Gray  *

" Ano? Sigurado ka? Hindi ka sasama? Ayaw mo ba siyang makita ulit? Kahit bilang magkaibigan na lang. " tanong ni Jed.

Ngumiti lang ako sa kanila ng bahagya.

" Sino bang may sabing ayoko? Kung sa'kin lang naman eh gustong gusto ko. Pero siya... hindi ko alam kung gusto niya pa akong makita. " napabuntong hininga na lang ako sa huli kong sinabi.

Nagkatinginan lang silang apat at saka ako binigyan ng tig-iisang tapik sa likod. Alam nila kung ano 'yung nararamdaman ko. Wala naman akong inililihim sa kanila. 

" Kapag nagbago 'yung isip mo dude, alam mo naman kung saan kami pupuntahan. " tinanguan ko lang si Miko at saka sila unti-unting lumakad papalabas ng bahay. 

Ang bigat eh. Ang bigat pa rin sa dibdib. Hindi ko pa rin lubos maisip kung saan kami nagtapos. Kung bakit kami umabot sa puntong 'to. Nang dahil lang sa kataksilan ko, nawala lahat. Nawala siya. Sa bagay, sino ba namang tao ang pipiliin pa ring manatili sa tabi ng taong kahit mahal niya at mahal siya, ginagago naman siya. Minsan, naiisip ko, ito na siguro 'yung karma sa akin. Sa dinami-dami ng babaeng ikinama't niloko ko... kung kailan ako nakakita at nakatagpo ng taong sigurado akong gusto kong makasama sa pagtanda ko, saka ako binawian ng tadhana. 

Papaano nga ba nagsimula 'yung kagag*han ko? 

* Flashback...

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon