Chapter XLVI

5.4K 205 65
                                    



*Reggo










Pagkababa ko ng sasakyan, sumalubong sa akin 'yung mahalumigmig na ihip ng hangin. Saglit kong ipinikit 'yung mga mata ko at dinama 'yung maginhawang pakiramdam na dulot ng lugar na ito. Minsan na lang kasi ako makahanap ng oras para manahimik. Palagi na lang may kailangang tapusin doon sa siyudad, palaging may party, palaging maingay, palaging may iniiwasan, palaging may kabanggaan. Minsan, kung iisipin, nakakapagod na rin. Parang nakakasawa na na puro na lang mga away, puro gimikan, puro busina ng sasakyan 'yung naririnig mo.





"Naaalala mo pa 'to?" na siyang nagpabalik sa akin sa aking ulirat na kasama ko nga pala siya dito.




"O... oo naman." awkward kong tugon.




"Ako rin." tsaka siya sumandal sa kotse niya sa kabilang bahagi ng sasakyan. "Hinding hindi ko 'to makakalimutan eh. At hinding hindi ko nakalimutan lahat ng ginawa natin dito. Diba nga dito tayo unang nagcelebrate ng monthsary natin outside our house?"





Nginitian ko lang siya bilang tugon. Naaalala ko naman lahat eh. Ayoko ko na lang sigurong magsalita pa. Ayoko na lang din sigurong maalala. Kasi sa tuwing inaalala ko 'yung nakaraan, pati 'yung sakit bumabalik. 'Yung pakiramdam na kulang pa ako, na hindi pa ako sapat kaya niya ako nagawang gag*hin at mangaliwa sa iba. Walang kasing bigat 'yung pakiramdam na 'yun.





"Halos isang buong araw tayo noon dito. Wala tayong ginawa kundi magkulitan ng magkulitan. Para bang tayo lang ang tao sa mundo?" pagpapatuloy niya. "'Yung punong 'yun? Tanda mo pa 'yun?"




"Oo." maiksi kong tugon.




"Ang tatag niya 'no? Hanggang ngayon, hindi pa rin tinutumba ng panahon. Halika, puntahan natin." saka niya hinigit 'yung kamay ko.





Napatingin ako sa mga kamay naming dalawa habang banayad kaming tumatakbo. Ganitong ganito. Ganitong ganito noong nangyari 'to. Hawak niya 'yung kamay ko habang tumatakbo kami papunta sa punong iyon. At pagkatapos ay hahabulin niya ako kasi kikilitiin niya ako. Ako naman, bilang malakas ang kiliti, nagpapahabol. Bawat tawa, bawat halakhak, natatandaan ko pa. Ganitong ganito. Walang pinagbago. Ang kaibahan lang, noon, masaya ako. Ngayon, nasasaktan ako. Noon, mayroong 'kami'. Ngayon, mayroon 'siya' mayroong 'ako' pero walang 'kami.'

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora