Chapter LIII

5.5K 179 32
                                    

Babala: Hindi ko alam kung magugustuhan niyo 'to. Hindi kasi 'to magustuhan. :( Sorry. Ito na lang talaga 'yung kaya ko.






*Reggo









Dahan dahan akong napamulat ng magising 'yung diwa ko. Unang sumalubong sa mga mata ko ay 'yung kalendaryo at kung anong petsa ngayon. Napangiti ako ng bahagya at saka nag-gugulong sa kama ko. Ang sarap isipin na maya-maya lang, graduate na ako, maya-maya lang, kasama na ako sa maraming pilipinong walang trabaho. Kung tatanungin 'yung nararamdaman ko, siyempre una na 'yung masaya, naexplain ko na kung bakit. Pangalawa, malungkot kasi sobrang mamimiss ko 'yung buhay pag-aaral. Pangatlo, natatakot kasi hindi ko alam kung anong iooffer sa akin ng kapalaran at pang-apat... umaasa. Umaasa na sana mangyari 'yung binubulong ng puso ko.




Noong sumagi sa isip ko 'yun, tila napawi 'yung excitement na nararamdaman ko kanina. Sa tuwing maiisip ko na walang kasiguraduhan kung makikita ko ba siya, parang nanghihina na ako. Para saan pa't nag-stay ako dito sa Pilipinas kung hindi naman siya 'yung makakasama ko? Pero mas pinili ko na lang na paniwalaan na makikita ko siya mamaya. And when that happens, hindi ko na papalagpasin pa 'yung pagkakataon to win him back again.





Nasa ganoong sitwasyon ako ng biglang nag-ring 'yung laptop ko. Si Mommy. Pinindot ko naman 'yung answer button at bumungad sa akin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.





"Tentenen tenenenen. Tentenenenen. Tentene..."




"Mom, stop it." natatawa kong sabi sa kanya.




"Congratulations, anak!" masigla niyang bati sa'kin. "Finally, you did it! After a roller-coaster ride of your college-life, finally!"




"Thanks, Ma." isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.





Napansin kong mula sa pagiging masaya ay lumungkot 'yung facial expression niya na siya namang ikinapagtaka ko.


Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon