Chapter VI

9.7K 264 28
                                    

* Reggo 


Mabilis lumipas ang oras. Mabilis lumipas ang araw. Parang kahapon lang, napag-planuhan 'yung tungkol sa out of town na gagawin ng barkada pagkatapos heto na, naghahanda na ako ng gamit ko. Bukas na kasi. 

Sa isang buong linggo na lumipas. Wala namang spectacular na nangyari. Kalimitan, nandito lang kami sa bahay ni Nix. Naipakilala ko na nga pala siya kay Mama, alam din ni Mama na siya rin 'yung dahilan noong kaguluhan noon pero sabi nga ni Mama, matagal na 'yon. Marami ng nangyari. There's always a room for forgiveness. Natutuwa lang ako kasi bumalik na 'yung Mama ko. Not literally naman na umalis siya. It's just that, at some point of my life, parang nawala siya sa akin although hindi naman literally. Alam niyo na 'yun. Hindi ko naman kailangan pang ielaborate. Nawawalan ako ng gana. 

Minsan, nagagawi din nama ako sa dati kong pinapasukang school. Nasa akin pa rin naman 'yung I.D. ko noon kaya ok lang na pumasok at lumabas ako sa school na 'yun. Siyempre, maraming buwan  din naman ang inilagi ko sa school na ito at hindi basta basta mawawala 'yun. Madaming 'first' na nangyari dito sa buhay ko. First day sa college. First na makipag-away. First time na mainlove, magag*, masaktan. Hayst. Wala lang. Kahit naman 'yung mga hindi magagandang nangyari sa akin dati, inaalala ko pa rin. Malaking dahilan kasi 'yun kung ano ako ngayon. Kung bakit ako ganito ngayon. Marami ring kaibigan at mga guro akong muling nakausap. Halos lahat sila nagulat sa pagbabago ko. Hindi ko naman maitatangging nakakamiss talaga sila. Nakakamiss 'yung school na 'yun pero may mga bagay lang talagang kahit gusto mo ay hindi pwede. May mga taong hindi na pwedeng magsama sa iisang lugar. Para na rin naman sa ikakabuti namin 'yun kaya kahit mabigat, I chose to study in America. Malayo sa nakasanayan ko. Malayo sa mga mahal ko sa buhay. And look at me now, better than before. 

Teka, nasabi ko na ba sa inyo na muling nagtagpo na naman ang landas namin noong dakila kong pinsan? Oo. Noong nasa school ako. Actually, hindi ko alam kung paano niya nalamang nandoon ako. Basta ang alam ko, nasa backstage ako noon at nakikipag-usap sa mga kakilala ko noon na miyembro ng Cultural Dance Troupe. At noong tinawag na sila for rehearsals at umalis na sila, biglang may kumausap sa akin sa likod. 

* Flashback...

" Anong palabas 'to dude? Nagpapansin ka na naman? Tsk. " nakita ko siya habang nakasandal sa pader ng backstage.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant