Chapter XLII

5.2K 183 40
                                    




A/n: Pagpasensyahan niyo na kung medyo ngarag 'tong UD na 'to. Wala pa akong tulog eh. :3 6 straight hours ng byahe from Metro Manila. Madyo mabigat. Anyway, tatlong beses nagpalit ng POV dito. 'Wag sana kayong maasar. HAHAHA. Sana enjoy pa rin. :)








*Gray








February 14, 2015





Iyan ang petsang nakita ko sa cellphone ko pagkagising na pagkagising ko pa lang. Awtomatikong may rumehistrong matatamis na ngiti sa labi ko. Napatingin ako sa kisame pagkatapos. Nag-iimagine ako kung saan ko siya dadalahin mamaya. Kung anong gagawin ko para maging unforgettable ulit itong date namin at kung paano ko siya mapapasaya. Mas gusto ko sanang higitan 'yung sayang naidulot ng sinuman. Pero knowing him, hindi mo naman kailangang gumastos o kaya ay gumawa pa ng mga buwis buhay na mga pakulo para lang mapasaya siya. SImpleng tao lang naman si Reggo at mga simpleng bagay lang ang nakakapagpasaya sa kanya. Isa siguro 'yun sa dahilan kung bakit ko siya minahal.




I-dinial ko 'yung number niya.





"Hello?" bungad ko.




"Hello? Oh... ang agap mo namang magbulabog." halata sa boses niya na bagong gising.




"Ah... sorry. Nagising pala kita." tugon ko.




"Hindi halata." sagot niya. "Teka, ano bang kailangan mo at ba't ka napatawag? Excited ka namang masyado."




"Ahh... ano. Aalukin lang sana kitang mag-ano..."




"Ano?"




"S.O.P" sabi ko.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang