Chapter XVII

7.9K 231 41
                                    

* Gray

Umuwi akong lutang sa bahay. Hindi ko alam kung paano, basta nakita ko na lang 'yung sarili kong nagluluto. Mabuti nga nakauwi pa ako ng ligtas kasi hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Hindi pa rin makaadjust 'yung utak ko, 'yung puso ko doon sa katotohanang may mahal ng iba 'yung taong mahal ko. 

Ang sakit pala ano? Dati, sa mga palabas ko lang 'to nakikita, o kaya sa mga libro ko lang 'to nababasa. Akala ko dati, sobrang OA lang talaga noong imagination ng author kaya sinasabi niyang umiiyak 'yung bidang lalaki niya dahil may mahal ng iba 'yung mahal nito. Pero mali ako. Totoo pala. Ang ayoko sa lahat, 'yung lungkot ko bigla na lang nagiging luha. Ginagawa ko naman lahat para hindi ipakita, para hindi ipahalata na sobrang damaged ako... pero wala eh. Kahit anong pagpipigil ang gawin ko, lumalabas at lumalabas pa rin. Kahit anong pagpapanggap 'yung gawin ko, ayun. Nasasaktan pa rin ako. 

" Ayos ka lang ba, anak? " ngumiti ako kay Daddy at saka tumango. " Gusto mo ako na lang 'yung kumain niyang niluto mo? Ako na lang 'yung sasalo sa'yo. Sigurado, masarap 'yan. "

Alam ni Daddy 'yung nangyari. Kaya alam ko rin na ginagawa niya lang ito para pagaanin 'yung loob ko. Naapreciate ko naman, pero hindi ko lang talaga kayang makipaglokohan ngayon. Hindi ko pa kayang makipag-usap ngayon na parang walang nangyari. Masyado pang masakit.

Ngumiti lang ako.

" Hindi na po, Dad. Ok lang po ako." pagsisinungaling ko.

" Sigurado ka? " tumango lang ako dito. " Nga pala, nakasalubong ko kanina habang pauwi ako si Trey, pinapasabi niya na dadaan sila dito. " at saka siya tumayo. 

Naiwan akong nakatitig sa hapag. Kung naging mabilis lang sana ako. Pumapasok sa isip ko 'yung mga maaring mangyari kung mas maagap akong nagising sa katangahan ko. Malamang, masaya kaming kumakain ngayon dito. Gusto kong ipagmalaki sa kanya na naperfect ko na 'yung Carbonara Style na gustong gusto niya kahit noon pa. Gusto ko ring ipakita sana sa kanya na marami na akong natutuhang iba. Siguro ang saya namin ngayon. 

Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ko. Sana. Sana. Puro Sana. Ngayon, hanggang sana na lang 'yun. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now