Chapter L

4.6K 184 18
                                    


A/n: Short update. Tatapusin ko lang 'yung scene sa bar. Tapos may mga hints din sa mga mangyayari o posibleng ending. :)








*Gray








"Teka... teka... Ano ba?! *hik* Shi...shino ka ba ha? Kilala ba ki...kita?" sabi niya habang inaakay ko siya palabas ng bar. "Huh... walang hiya naman talaga o'oh. Pati ba naman sa'yo?! Pati ba na *Hik* naman sa'yo makikita ko 'yung mukha 'non? Grabeee siiyyyaa." medyo natawa ako sa inasal niya. Mukhang wala na talaga siya sa sarili niya.




"Sino bang 'siya' 'yung sinasabi mo?" patol ko naman dito.




"Siya! Siyaaa!" tapos may tinuro siyang lalaking medyo lasing din. Kaagad kong ibinaba 'yung kamay niya dahil baka makursunadahan pa kami. "Ano ba?! Ba't mo ibinaba?! Magtatanong-tanong ka taposh... taposh ayaw mong maniwala."





'Di nagtagal ay nakalabas din kami ng bar. Pero kung mamalasin ka nga naman, bigla namang bumuhos 'yung malakas na ulan. Walang choice kung hindi sumilong sa kabilang kalsada. Buong lakas ko naman siyang pinasan sa likod ko at saka tumakbo patawid ng kalsada. May nakakaita na ring ibang mga kabataan sa'min at paniguradong pinag-uusapan na kami. Naku, kung alam niyo lang. Totoo 'yung mga sinasabi niyo.





"Ano ba... ano ba... ano ba?!" tapos pinagpapalo niya ako.




"Aray. Ba't mo ko pinapalo?" reklamo ko.




"Malandi ka kasi!" diretso niyang sabi. Parang nakalimutan kong lasing 'tong taong 'to.




"Aba't... nagmamagandang loob na nga lang ako eh nasabihan pa akong malandi?" naiinis kong sabi.




" Totoo naman kashi... malandi!" tumayo siya at pinilit niyang tumayo ng tuwid pero gumewang siya. Mabuti na lamang at napakapit siya sa pader ng waiting shed na kinatatayuan namin. "Paano na lang kung may makakita sa'tin? Paano na lang kung makita tayo 'nung mahal ko, ha? Paano mo ipapaliwanag 'to? *hik*"

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें