Chapter XII

8.4K 257 69
                                    

Note: Naisip ko lang na ilagay 'yung kantang Better than Revenge ni Taylor Swift sa Multimedia section kahit wala naman 'don sa story. Wala lang. Maganda ring pakinggan habang nagsasagutan sila ni Jandrix. 

* Reggo

" Gray, uuna na ako. Pasensya nga pala ulit. " sabi ko at saka ako nagbow sa harapan niya. 

" Ihahatid na kita.

Napalingon naman ako sa gawing kaliwa ko. 'Yung pagkakasabi niya ng mga salitang 'yon, parang may hindi siya magnadang gagawin eh. Pakiramdam ko baka itulak ako nito sa hagdan. 'Yung mga tingin niya, kahit sa malayo, alam mong matalim. Idagdag mo pa 'yung postura niyang nakatayo at naka-cross arms. 

" Ihahatid mo ako? Ang sweet mo naman. " sarkastiko kong sabi kay Jandrix. 

" Talagang sweet ako. Kaya ko nga nakuha sa'yo si Gray diba?

I was caught offguard by his answer. Hindi ko ineexpect na iyon ang isasagot niya. Sa unang pagkakataon parang umurong 'yung dila ko sa sinabi niya. Nakita ko namang nagflash 'yung ngiti niyang mapang-asar. Alam niyang naisahan niya ako doon. 

Ewan ko pero sensitive pa rin ako when it comes to our issue. Hindi pa rin settled 'yung sa pagitan naming tatlo. Akala ko kasi noon, noong nasa America pa ako kaya ko na silang harapin. Sa totoo lang, kaya nga ako bumalik dito ay para maghiganti diba? Akala ko kasi ganoon na lang kadali 'yun. Punong-puno kasi ng galit ang puso ko noon sa kanilang dalawa... lalo na ng malaman ko na after a few months ng pag-alis ko sa Pilipinas ay naging sila. Doon lalong nabuo ang pasya ko na bumalik dito. Pero ngayong nandito na ako... parang ako yata ang nadedehado. 

" Ang kapal pala talaga ng mukha mo. " mahinhin niyang bulong sa akin habang binabagtas namin ang daan pababa ng bahay nila. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now