Chapter XV

8.5K 239 27
                                    

Note: Change of plans. Wala na palang mga first and second half na magaganap. Salamat sa tulong noong mga napagtanungan ko sa facebook :) Alam niyo na kung sino kayo. Maraming salamat.

* Gray

Matapos kong palipasin ang mga ilang araw, nandito na akong muli sa tapat ng tinitirahan ni Jandrix. Ilang araw ko ring hindi pinansin 'yung konsensya ko. Ilang araw din kasing hindi pumasok sa school si Jandrix matapos 'yung nangyari sa amin. Hindi ako nagsasalita. Pati 'yung barkada, hindi alam ang dahilan kung bakit. Madalas kong marinig na palagi daw siyang naakikita sa mga clubs ngayon. Parating umiinom. 

Ito na nga ba 'yung sinasabi ko eh. Ano ba 'tong napasukan ko? Pero para sa kanya din naman 'tong ginagawa ko eh. Ayokong pahirapan pa siya, so as myself. Alam kong alam naman niya at hindi siya ganoon katanga para hindi maramdamang si Reggo pa rin 'yung nasa puso ko.

Sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw, parang pinapakita ko na talaga sa kanya ng harapan na si Reggo pa rin 'yung mahal ko, baka sakaling maisip niyang humiwalay na sa'kin. Pero hindi. Hanggang dumating sa ganitong punto... ito na lang ang paraang naiisip ko para makawala na kami sa pagkakatali sa isa't isa. Gusto kong maging masaya. At ganoon din ako sa kanya. Alam kong hindi ako magiging masaya kung ipagpapatuloy ko 'yung panggagamit sa kanya. Siya rin. Maraming tao jan na mas deserving sa pagmamahal na ibinibigay niya. Hindi ako 'yung taong 'yon. 

Kumatok ako sa kanila at agad naman akong pinagbuksan ng kanilang mga kasambahay. Itinuro nila 'yung kwarto ni Jandrix noong itinanong ko kung nasaan siya. 

* Jandrix

" Jandrix. " 

Napa-stiff ako mula sa pagkakaharap ko sa computer noong marinig ko 'yung boses na 'yon. Kahit hindi ako lumingon, kilala ko kung sino siya. Parang bigla akong pinagpatayan ng aircon at unti-unting gumapang sa aking katawan 'yung malamig na pakiramdam kasabay ng malakas na pagkalabog ng aking dibdib. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon