Chapter XIII

7.9K 257 36
                                    

* Reggo

" Sure. Sige po. Aayusin ko na lang po 'yung mga kailangan. " pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan ko na ring nilisan ang silid na iyon. 

" Uy! Reggo... andito ka nga! Totoo nga ang tsismis. " bungad sa akin ni Jam at saka natawa. 

Sa totoo lang, nagulat ako sa pagsulpot nilang dalawa. Wala kasi akong pinagsabihan na pupunta ako sa school nila. Siyempre, alam ko naman kasing may mga klase sila. Ayoko namang maging dahilan para makamiss sila ng kahit katiting na lesson. Isa pa, kaya ko namang gawing mag-isa 'yung ipinunta ko dito. 'Yun nga lang, siguro malakas lang talaga ang pang-amoy nitong dalawang 'to kaya nila nalamang nandito ako. 

" Ah? Anong tsismis? " tugon ko naman. Tsismis...Tsismis. Eh ano naman kung pumunta ako diba? Parang ang laking issue. 

" Eh kasi usap-usapan sa labas pa lang ng room na nandito ka nga. Eh 'di ayon. Ang daming speculations na baka daw dito ka na daw ulit mag-aral. 'Yung iba nga naeexcite eh. You know... You, Jandrix and Gray. " 

" Tss. Mga tao talaga o'oh. " napailing na lang ako.

" Ano nga palang ginagawa mo dito, dude? " sabat naman ni Jed habang parang may hinahanap sa bag niya.

" Ah. Balak ko sanang ayusin 'yung re... " 

" F*ck! Mahal... naiwan ko yata 'yung textbook natin sa Research sa canteen. " kaagad namang kinuha ni Jed 'yung kamay ni Jam at hinila ito papalayo. Nagpaalam pa sa akin si Jam na mag-usap na lang kami mamaya kasi daw may quiz pa daw sila sa Research na 'yun kaya kailangan na talaga nilang umalis.

Napatawa naman ako. Sila pa rin 'yung nakilala ko noong first year college pa lang ako. 'Yun nga lang, ang pinagkaiba. Si Jam, sobrang babae na. Dati kasi diba... mas lalaki pa yata sa akin 'yan. Pero tingnan mo naman ngayon. Sinong magsasabing lesbian dati 'yan? Eh wala ng kabakas-bakas ng pagkatomboy. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon