Epilogue

10K 344 191
                                    


A/n: Ito na! Salamat sa naghintay! Salamat sa mga nagpaabot ng thoughts nila sa story ko. So far, ito na 'yung pinakamahabang naisulat ko. Sana magustuhan niyo :)




*Reggo









"Thank you. Maraming salamat." sabay abot ng librong pinirmihan ko.





Heto na 'yung pinag-kakaabalahan ko nitong mga nakalipas na limang taon. Mag-sulat ng libro. Although part time writer lang ako, hindi ko pa rin maitatanggi kung gaano kalaki ang naging parte ng pag-susulat sa buhay ko. Sa ngayon, isa na akong Guidance Counselor sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong unibersidad sa bansa. Oo, maraming gawa. Ang daming mga kabataan ang naghahanap ng payo, ang daming mga kabataan ang naghahanap ng kausap, pero naisingit ko pa rin itong pagsusulat. Nakakatuwa lang kasi nakikita ko 'yung sarili ko sa kanila way back.




Limang taon na ang nakalipas magmula noong huli ko siyang makita. Pagkatapos ng graduation, pinilit kong maka-move on. Palagi kong pinapamukha sa mga kakilala ko, sa mga nakakaalam ng sitwasyon ko na kaya ko. Although this time, inamin ko na talaga sa sarili ko na ako 'yung mali, pero noong mga oras na 'yun, mahina pa rin akong aminin sa sarili ko na hindi ko pa siya nakakalimutan. Madalas akong mag-bar. Madalas akong gumimik. Ang dami kong naka-one night stand. Babae. Lalaki. Kahit sinong ma-tripan ko 'nun. Hindi ko alam pero naging miserable ang buhay ko nung mga panahong hindi ko kayang aminin sa sarili ko na ibang iba pala kapag wala siya, na namimiss ko siya.




Until one day, nag-decide akong makipag-usap sa isa sa mga pinag-kakatiwalaan kong professor nung college ako. Alam niya lahat tungkol sa buhay ko kaya naman hindi na ako nag-atubili pang buksan ang sarili ko sa kanya. Althroughout, habang nag-kekwento ako, habang nagagaglit ako, umiiyak, ngumingiti... nakatingin lang siya sa'kin. And then when I asked kung anong dapat kong gawin, isa lang ang sinabi niya... Acceptance. Pero tumutol ako.





"Pero Sir! Ang tagal ko ng natanggap. Ang tagal tagal ko ng tanggap sa puso ko na tang* ako kaya siya umalis, na baka hindi na siya bumalik. Ang tagal ko ng tinanggap sa puso ko na tapos na kami." pero sa halip na sabayan niya 'yung pagtaas ng boses ko, nanatili lang siyang kalmado at saka ngumiti.




"Hindi iyon ang tinutukoy ko hijo." tumayo siya sa kinauupuan niya. "Maybe you have to accept na mahal mo pa siya?" nagsalubong ang mga kilay ko. Oo, mahal ko pa siya pero does it make sense? Wala na namang magagawa 'tong pagmamahal na 'to. Hindi ko siya mapapabalik dito kahit pa gaano ko siya kamahal. "Acceptance hijo. Pagtutunan mo munang tanggapin ng buong puso na mahal mo pa siya. Kung kinakailangan mong umiyak, umiyak ka. Kung kinakailangan mong magmukmok, magmukmok ka. There's nothing wrong with that. In fact, it's normal. Broken hearted ka eh. Saan ka nakakita ng broken hearted na nakakatawa agad?"

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora