Chapter XXIX

6K 191 16
                                    

S H O R T  U P D A T E lang 'to

Dedicated kay @lalaki_sa_sako. Siya kasi 'yung gumawa ng book cover ng susunod kong story na medyo matagal tagal ko pang ipupublish :) Thank you ♥

* Gray

" Argh! Takte. Hindi ko na maintindindihan 'yung kaibigan niyo ah! " daing ko kay Trey at kay Jam. 

Punong puno na kasi ako. 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi binigyan niya ako ng bagong chance para ipakita at iparamdam sa kanya 'yung nararamdaman ko o maiinis kasi parang nananadya siya. Alam kong wala akong karapatang magrekalamo dahil ginusto ko 'to. Pero baka naman nakakalimutan niyong tao din ako. Siyempre napupuno din ako. Naiinis din ako. Kung tatanungin niyo ako kung mahal ko siya, oo, walang duda dun. Pero sh*t lang talaga.

January 5, Linggo. Kaninang maga, excited akong gumising. Ngayon kasi kami sisimba ng magkasama. Ang tagal na rin namang hindi ito nagawa. Tapos tinanong ko siya kung ok lang na dalhin ko siya sa mall pagkatapos naming magsimba, makapamasyal man lang. Nagulat ako ng bigla siyang pumayag ng hindi man lang sumisigaw at nag-iiimik ng kung anu-ano. Normally kasi, simula ng matapos 'yung relasyon nila ni Nixon, palagi na ako niyang sinasabihan ng kung anu-ano. Kaya nagulat ako kasi parang good mood siya. Hindi naman sa sinasabi kong ayoko ng palagi siyang mabait, nakakapanibago lang.

9AM ang usapan namin. Susunduin ko siya sa kanila. 8:30 AM pa lamang ay nandoon na ako sa kanila. Napaaga nga raw ako, sabi ng kasama niya sa bahay kasi mukhang hindi pa daw gising si Reggo. Sabi ko naman ay ok lang, may 30 minutes pa naman siya. Dahil sa may wifi connection naman sa kanyang bahay, hindi rin ako masyadong nainip. Kumain ako ng makaramdam ako ng gutom. Tumayo ako at naglakad-lakad sa garden ng makaramdam ako ng pagkangalay. Tiningnan ko 'yung relo ko, 9:30 na pero wala pa din siya. Inisip ko na lang na baka napagod siya doon sa lakad namin kagabi. Pero lumipas ang dalawang oras, malapit ng magtanghalian pero wala pa din siya. Late na late na late na kami kaya naman nagpaalam ako na kung pwede ko na siyang puntahan sa kwarto niya. Pumayag naman 'yung kasambahay nila. 

Nang buksan ko ang pinto ng kwarto niya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nakita ko kasi siyang nakaupo sa harap ng television niya at naglalaro ng play station habang may katawagan sa kanyang telepono. Huminga na lang ako ng malalim. Hindi ako pwedeng mainis. Iintindihin ko na lang siya. Mas kaya kong magtiis paminsan-minsan kaysa naman mawala siya ulit sa akin. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now