Chapter XXVIII

6.9K 212 20
                                    

* Reggo

" Sorry. " 

Matapos ang mahabang katahimikang namamagitan sa aming dalawa, finally, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita. Sorry. Hindi pa sapat 'yung mga salitang 'yan para doon sa mga ipinaramdaman niya sa akin. 

" No need. Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Nagpapakatotoo ka lang sa sarili mo. " parang hindi ko yata kayang tingnan siya ng ganito. Nasasaktan siya. Nasasaktan ko siya. Nasasaktan ko 'yung taong walang ginawa kung hindi ang mahalin ako. 

Kanina, habang pinapaliwanag niya 'yung kahulugan kung bakit 'yun ''yung kinanta niya, sinabi niya sa'kin na hindi ko daw siya mahal. Mali! Mahal ko daw siya pero hindi kasing tindi ng pagmamahal ko sa isang tao, kay Gray. Ayaw naman daw niya ng ganun kasi naniniwala siyang mas deserve niya ang mas higit pa sa ganoong klaseng pagmamahal kaya kahit masakit, papakawalan daw niya ako hindi lang para sa akin kundi para na rin sa sarili niya. Gusto kong umangal, gusto kong itanggi iyon, pero wala akong nagawa. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko man lang naidepensa 'yung pagmamahal ko sa kanya. Bakit? Siguro dahil guilty ako. 

Akala ko kasi ok na ako eh. Akala ko, matapos kong mapahirapan si Gray, matapos kong makaganti, akala ko 'yun na 'yung katapusan. Pero hindi eh. Nagkamali ako. Parang mas lalo akong nahirapan. Mas lalo akong nalito. 'Yung isip ko alam kung ano 'yung dapat kong gawin. Pero ayaw sumunod ng puso ko. 

" Gusto lang kitang maging masaya kaya kung wala kang lakas ng loob para makuha 'yung kasiyahan mong 'yun, ako meron. Kahit pa ang kapalit nun ay eto... pakawalan ka.

" Nixon... " 'yun na lang ang nasabi ko.

" Ayan ka na naman eh. " tapos ipinatong niya 'yung kamay niya sa ulo ko at saka ginulo 'yung buhok ko. " Wag kang maguilty, wag kang mag-sorry dahil nasasaktan ako. Alam ko naman eh, sinubukan mo. Kaso ganoon talaga eh. Hindi ako para sa'yo. Hindi ka para sa'kin.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now